Chapter 10

1689 Words
Betty Maaga akong pumasok . naayos ko nadin yung schedule ko, Sa umaga ang klase sa tanghali naman ang duty ko sa coffee shop at sa gabi naman ang sa pagkanta ko sa Bar. Hayy kailan ba ko yayaman? yung makakahiga sa malambot na kama.. makakaligo sa malaking bathtub na puno ng bulaklak tapos hindi ko na iisipin kung san ako kukuha ng ipang babayad ko sa tution fee at sa iba pa.  "Betty running for school pres ka pala?" Sabi sakin nung nakasalubong ko na ka course ko. nginitian ko lang siya kase sa totoo lang wala akong balak na tumakbo dahil puno na talaga ang sched ko wala nakong time para umattend ng meeting o ng kung ano about sa election na yon kung sakaling tumakbo ako. Pagdating ko sa room wala pang gaanong tao si Jinie naman mamaya pa daw papasok tinatamad ang bruha. buti pa yun eh kapag tinamad okay lang ako hindi kailngan kong pataasin ang grades ko kung hindi manganganib ang pagiging scholar ko. Hay buhay.. "Agang problema naman ata niyan miss diwata?" "Ay miss diwata!" "Hahaha magugulatin ka pala. ayos ah? magkaklase ulit tayo?" Dapat bakong matuwa na kaklase ko na ulit sila at nadagdagan pa ng isa?  at yung isa eh yung boss kong may saltik pa? "Kayo nila cole at caden matatawag ko pang kaklase ko ulit pero etong si... "Why Cassandra do you have problem having me here?" Hmmp! yabang talaga magka pigsa ka sana! Hindi ko nalang siya pinansin at naupo nalang sa upuan ko sa likod ko pa siya pumwesto ayos talaga no? "OMG siya pala yung bagong estudyantee..." Sino daw? "Sabi nila sikat daw siyang model sa america eh at super sikat daw siya doon.." Parang kilala ko na kung sino yung tinutukoy nila ah.. "Huwaaa ang ganda ng dimple niya kahit hindi siya ngumiti basta't magsalita lang lumalabas na. girl i think I found my destiny.." Brgghgg.. kasura! Kapag nalaman niyo ugali niyan babawiin niyo yung sinabi niyo. "Bettina si Jinie?" Tanong ni cole sakin. "Nakipagtanan na." "Nakipagtanan? eh nandito ako ah kanino makikipagtanan yon?"- Cole "Tol sigurado kaba na ikaw lang ang lalaki sa buhay niya?"- Dagdag asar pa ni elliot "A-ano? " "Biro lang. mamaya nadaw papasok tinatamad pa siya eh." "Huy bettina masamang nagbibiro ang ganon."- cole Natawa naman ako sa itsura niya. priceless hahaha. "TABI.. ANO BANG GINAGAWA NIYO DIYAN SA HARAP NG CLASSROOM?" Omg ayan na si sir ang ultimate crush ko sa faculty namin ehe. fresh graduate siya kaya hindi nagkakalayo ang age namin. pwedeng pwede. "Hmmm you like that proffesor?" Nagulat naman ako ng magsalita si hunter at nakapatong pa yung baba niya sa balikat ko. sa inis ko tinulak ko yung ulo niya gamit at daliri ko. "Pwede ba. lumayo layo ka." "Close sila ni bettina?" "Close sila ng nerd nayon?" At kailan pako naging nerd? juice me mapapaaway ata ako ng dahil sa lalaking may saltik nato. "CLASS! CLASS! SIT PROPERLY." Sinamaan ko ng tingin si hunter ng subukan niyang itulak yung bangko ko ng uupo nako. Aba't ang loko naghahanap ata ng gulo. First day na first day eh maiimbyerna ako sa lalaking to. Nang matapos ang klase namin nagpapasalamat talaga ako paano ba naman si hunter buong klase kalabit ng kalabit. napagalitan nga ako kanina kase sa sobrang inis ko napasigaw ako kay hunter ng "ano ba?!" kaya ayun napalabas ako ni maam okthopos. Tapos ngingiti ngiti pa ang loko.  "Bettina kain na tayo? wag mo nang pansinin yung kapatid ko may gusto sayo yon kaya ka ginaganun." "Yon? malayo pa sa neptune mula dito sa earth ang pag-asa na magkagusto sakin yon." "Bettina hindi mo hawak ang puso at pag-iisip ng isang tao. malay mo isang araw ikaw pala yung magkagusto sa kanya." Nagulat ako ng biglang sumulpot si shawn. "A-ano ba. ako? no. neva." "Tsk. task. be sure that your words are sweet my dear bettina."- jinie "Bakit naman?"- ako "In case you have to eat them.." Ngingiti ngiting sabi ni jinie. "HINDI NGA MANGYAYARI YON!!!!" "Ang alin?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Hunter kaya na out of balance ako. pero buti nalang nahawakan niya ako agad sa bewang "Kita mo na? yan na nga ba ang sinasabi ko bettina."- jinie "B-bitaw nga!" Sabi ko at nauna ng maglakad papuntang canteen. H-huh? ako? magkakagusto kay hunter? Juice me wag naman sana. @CANTEEN "Bettina anong sayo?"- jinie Gutom ako pero wala akong masyadong dalang pera kse nagtitipid nga ako. "Sandwich nalang tsaka iced tea. yun nalang." "You're going to eat rice. what if you collapse in the middle of the work?" Ako ba yung inaalala niya o yung trabaho ko na maaantala sakaling mangyare nga yung sinasabi niya? "Hindi ko hinihingi ang opinyon mo sa kung ano ang kakainin ko isa pa hindi kita kailangang sundin dito. sa cofee shop lang kita boss at kaklase lang kita dito sa skwelahan." Pagkaabot nung babae sakin ng binili ko binayadan ko na. "Kaya wag kang makialam." Sabi ko at umalis na. Naiintidihan naman siguro ni jinie yon kaya itetext ko nalang siya mamaya kung nasaan ako sa likod nalang ng gym makakain may malaking puno naman doon mas tahimik at higit sa lahat walang Hunter na mamumwisit. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako buti nalang at nung mga 12:34 nagising ako hindi ako Nalelate sa trabaho mahirap na baka masermonan pako nung saltik. Habang naglalakd ako sa daan may lola akong napansin. naalala ko tuloy ang lola ko hmm. kamusta na kaya siya kasama na kaya niya yung si lolo ang asawa niya? Napansin ko namang hirap sa pagbubuhat ng dalahin yung lola at papatawid pa siya kaya tinulungan ko nalang.. "Nako hija salamat.." "Saan ho ba ang punta niyo?" "Ay doon lang.." Sabi niya sabay turo. Saan kayang doon lang? Sinamahan ko nalang itong si lola at hindi naman siguro ako malelate hano? Habang naglalakd kame hindi naman ako nainip kase nagkukwento siya may dalawa daw siyang anak kaso mga nag-asawa na ang mga ito kaya siya nalang mag-isa ang nmumuhay.. Nakakaawa naman pala siya ang hirap kayang mabuhay mag-isa yung wala kang pamilya.. "Dito nalang ako apo salamat ha? may mga katulad mo pa palang bata hane?" "Wala po yun lola sige po.." Pag-alis nung lola napatingin ako sa relo ko. Anak ng .. 1:28 na?! juice me 1 ang duty ko ah? baka naman sira nato? Agad niyang kinuha ang celphone niya at tiningnan ang orasan. Holy carabao! 1:32? patay! Dali dali akong tumakbo papunta sa cofee shop napahaba pala kwentuhan namin nung lola at yung doon niya sobrang layo pala kaya ng makarating ako sa coffee shop mag aalas dos na. Pero... What the? Ang daming tao sa shop ang daming nakapila. may ano? bakit ang daming tao. Dahil nga sa madaming tao napagpasyahan kong sa likod nalang dumaan. "Ate cindy? bakt ang daming tao?"- "Ang daming customer puro babae tas may mga gay pa?"- "Hindi nagsalita si ate cindy itinaas niya lang yung kamay niya at may itinuro siya. sinundan ko naman yung itinuturo niya at ganun nalang ang gulat ko. "We?" nasabi ko nalang. *Bamm "Aray.." Binatukan ako ni shawn. "We we we kapa diyan late ka na nga . kaya siya nakauniform at tumutulong kase ang daming customer tapos wala kapa well dahil din naman sa kanya kung bakit madaming tao dito ngayon sa shop."- shawn "Dahil sa kanya?" "Hot choco at black coffee table 3 tapos cinnamon tea at blue berry cake sa table 4." Sabi ni shawn kay ate cindy. "Okay.." "Hindi mo na napansin bettina? halos lahat ng tao dito sa skwelahan natin galing." "Huh? eh bakit naman nandito sila? wala namang promo ang shop ngayon tsaka wala namang eat all you can ah?" *Bamm "Shawn naman! batok ka ng batok eh!" "Tch- naturingan kang top natcher tapos simpleng ganito lang hindi mo magets. syempre kase nandito si hunter the super model sikat na siya sa school simula ng tumapak siya sa gate ng kaisen." Ahhh.. kaya pala. pero bagay sa kanya yung uniform ng shop huh? "Inlab ka na niyan miss diwata?"- elliot "Pati kayo nandito?"- ako "Syempre naman para tumulong. para saan pa ang pagkakaibigan diba?"- elliot "Kame na ni cole sa kusina kasama si kuya rull dito na kayo tumulong."- jinie "Waaa nandito ka din?" "Picture ko lang to bettina tumulong ka na nga dun kung saan ka kase punta ng punta eh ayan late. lagot ka mamaya diyan sa boss mo." Oo nga lagot ako. "Iba talaga ang karisma ng kumpare natin hahaha." Tatawa tawang umalis si caden.. "Syempre panyero mana satin. gwapo eh. nyahahaha." Sabi naman ni elliot. Adi sila na ang gwapo. "Goodafternon maam may i take your order?" Napapatingin talaga lahat ng babae dito sa shop kay hunter sa pagtatanong pagkuha ng order pabibigay ng order at pagpupunas ng lamesa may poise pa ibang klase talaga tapos ngumingiti pa siya tuwang tuwa tuloy ang mga gaga.  "Inlab nayan.."- jinie "Uyy pumapag-ibig .."- shawn "He! tumigil kayo magtrabaho nalang kayo!" Ayan nanaman sila diyan sa asaran nayan. Pagkatapos maubos ng mga nakapila at ng mga tao sa loob nagsara na kami sobrang nakakapagod ang daming inassist na customer .. "Haaaaaa first time in my life na ginawa ko to kaya hunter libre mo kame sa bar ni cole."- elliot "No prob." "Ano?! sa bar ko nanaman?!eh hindi nga kayo nagbabayad dun eh paano pang magiging libre? nalulugi negosyo ko sa inyo."- cole "Hahhaha exactly. hindi nga kami nagbabayad at nilulugi namin ang negosyo mo."- caden Nagtawanan naman sila pero natigil din ng mapatingin sa gawi ko si Hunter.. PA..TAY... "In my office. NOW" He said at umalis na. Akala ko naman nakalimutan na niya dahil sa pagod. "Hala.."- elliot "Lagot si miss diwata.."- caden "Goodluck. "- cole "Wag mo nalang panisinin bettina."- jinie "Fighting!"- ate cindy "Think positive."- kuya rull "Ayan na nga ba ang sinasabi ko ."- shawn Natakot ata ako sa mga sinabi nila. hayy.. Sumunod nadin ako sa office ni hunter. Kumatok muna ako pero walang nagsasalita kaya pumasok nako nakita ko naman siya sa sofa at hinihilot niya yung sentido niya. "Boss?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD