Chapter 3

1297 Words
Betty "P-parang awa mo na mama lahat gagawin ko lahat titiisin ko! k-kahit ipambayad mo ko ng paulit ulit sa mga utang mo mas pagbubutihan ko indi ako magiging pabigat .. b-basta wag niyo lang ako ipamigay... m-maawa ka mama..." Patuloy sa pag-iyak si Betty at sa pagmamakaawa sa mama niya pero sa sobrang inis ng mama niya ay sinipa siya nito at sumadsad sa lupa nasugatan ng bubog ang kamay niya pero kahit ganoon ay hindi pa rin niya maramdaman ang sakit doon tanging ang nasa utak lang niya ay ang ginawa sa kanya ng mama niya. Nang dumating ang mga kukuha sa kaniya ay tahimik siyang sumama sa mga ito kahit nang makarating siya sa bahay ampunan ay ni isa wala siyang iniimik hanggang sa dumating na nga ang lolang mag-aampon sa kaniya. Sinusuyo siya ng kaniyang Lola Rosario, kinakausap kahit hindi siya sumasagot. "Bettina... apo? kumain kana, malilipasan kana ng gutom..." sabi nito sa kaniya. "Anak ano ba ang problema? nandito si lola sabihin mo anong problema?" Sa gulat ng matanda ay bigla nalang umiyak ng tahimik ang bata niyakap ito ng matanda at inalo alo. "Anak andito si lola, hindi ka iiwan.. wag kang mag-alala.." Sa narinig ni Betty ay lalo pa siyang umiyak at sa pagkakataong ito ay umiyak siya ng malakas at inilabas lahat ng mga masasakit na nararamdaman niya. Simula ng araw nayon ay nakikipag usap na si Betty sa lola niya at nagbabago narin siya nakikipag-usap na siya sa ibang tao at nakikipag laro sa mga bata sobra ang pasasalamat niya sa lola niya dahil kung wala ito ay baka habang buhay na niyang kinimkim ang mga sakit na meron siya lumipas ang mga masasayang taon nagsecelebrate sila ng lola niya ng pasko at bagong taon ng masaya ipinagsecelebrate din nila ang kaarawan niya. Pero akala niya doon na magsisimula ang masasayang araw niya ng sumapit ang ika 18 kaarawan niya habang nagse celebrate sila ng lola niya at nakita na lamang niya itong nakahandusay sa sahig at walang malay sobra ang takot na naramdaman niya dali-dali siiyang humingi ng tulong sa mga kapit bahay nila at agad na isinugod ang lola rosario niya sa ospital ngunit ng makalipas ang ilang minuto na pananatili ng doctor sa loob ng kwarto ng lola niya ay lumabas din ito at hindi niya nagustuhan ang ekspresyon na nasa mukha nito lalo na ng lapitan siya nito. “Pasensya na, pero hindi na siya nakaabot." Napaupo si Betty sa narinig niya, wala na ang lola niya. Sinabi sa kaniya ng doctor na sakit sa puso ang ikinamatay ng kaniyang Lola Rosario. Naalala niya ang mga ngiti nito sa kanya ang mga pagtawa nila. Sa araw ng libing ng lola niya pinalayas din siya sa bahay na tinutuluyan nila dahil ang sinisisi ng kamag-anakan ng lola niya kung bakit ito namatay ay siya. Buti na lamang ay may naitabing pera ang lola niya at ibinigay ito sa kanya nung nabubuhay pa ito marahil ay alam na nito na mangyayari iyon kaya binigyan niya ito ng pera. Umupa ng matitirhan si Betty at doon niya nakilala ang kanyang kaibigan na si Jinie. Akala pa niya eh, isa itong magnanakaw dahil dis oras ng gabi ay nakita niya ito na may hinahalungkat na gamit noon pala ay kasama niya ito sa dorm. Simula ng araw na ‘yon ay naging magkaibigan na sila .           "BETTY'S POV" "Good Morning po," Bati ko sa mga katrabaho ko apat lang kami dito, si Boss Kaylee, si Ate Cindy, Kuya Rall at Shawn. Si Boss Kaylee ang may-ari ng coffee shop na ito. Siya yung mabait na nagpasok sa ‘kin dito, siya rin ang tumulong sa akin na magkaroon ng scholarship sa Kaisen. Pero mabait talaga ‘yang si boss pramis. "Aga natin ngayon ah?” sabi ni Ate Cindy. Buti pa to may lovelife, nga pala sila ni Kuya Rall ay in a relationship. "Syempre, para hindi matanggal ikaw talaga Ate Cindy, andyan na ba si boss?" "Bakit may itatanong ka? tingnan mo dun sa office niya." Sabi naman ni Ate Cindy. Agad akong pumunta sa office ni Boss Kaylee, itatanong ko sana kung pwede makuha na ‘yong sweldo ko para pang bayad sa apartment namin, ayoko na kasing mangutang kay Jinie. Nang marating ko ang harap ng pinto ni Boss ay kumatok ako. Nang walang sumasagot ay inulit ko ang pagkatok. “Nandito kaya yun?” Kumatok akong muli at wala pa ring nagsasalita. “Wala naman ata?” sabi ko sa sarili ko. Pinihit ko iyong doorknob at bukas naman. Kapag ganitong mga bagay hindi naman nagagalit si boss kapag pumapasok kami dito alam naman niya at kilala naman niya kami. "Boss? nandito kaba? pumasok nako ha?" sabi ko. Teka bakit walang nasagot? Wala pa ba si boss? Naglakad-lakad na ako sa loob at narinig ko iyong lagaslas ng tubig sa shower. Wala bang shower sa bahay si boss at dito naliligo? Lumapit ako sa pintuan ng shower at itinutok iyong tainga ko. Naririnig ko pa rin ang tubig sa loob. Aba naliligo nga. "Boss? puwede ba tayong mag-usap? " Tawag ko sa kanya. Hindi naman suplada to kaya okay lang. "Boss?" Pero bakit hindi nagsasalita? Oh? pinatay na din yung shower. Mas idiniin koi pa yung ulo ko sa pinto ng Cr para marinig si boss. "Boss? bakit hindi ka-------- ay palaka!"     Nagulat ako nang biglang bumukas iyong pinto ng cr at mapasandal ako sa basang tao sa harap ko. "Boss? huwaa! sino ka?! magnanakaw ka ‘no?! manyankis?! r****t?! riding in tandem?!" Shems! hindi si boss ‘to! sino ang lalakeng ito? "You are so loud, who are you? and what? Riding in tandem? Do I look like a have a motorcycle, woman?" Oh shems, sino ito?! Nakita ko naman na topless siya. Naitakip ko ang mga kamay ko sa aking mga mata. "Huwaa! My virgin eyes! Kuya Rall! Ate Cindy! may r****t dito!" sigaw ko. Dali-dali akong lumayo sa lalake at naghanap ng ipambabato dito. "Shut up! You are so loud for pete sake! pinasakan ba ng amplifier ‘yang bibig mo?" Sino ba ‘to? sino ba ‘tong lalakeng ubod ng yabang na ‘to? kung maka pakita ng katawan oh hindi manlang nahiya na hubad siya! Hindi na ako naghanap pa ng mga ibabato nang makita kong lalapit sa akin ang lalake ay kung ano ang madampot ng kamay ko ibinato ko sa kaniya. “Stop! Hey, stop!” sabi ng lalake sa akin. “r****t! Ah! Susumbong kita sa pulis!” sabi ko habang binabato ito ng mga bagay na mahahawakan ko. “Ouch—what the! My arms is bleeding, woman! What—stop!” "Bakit Betty, anong nangyayari dito?" tanong ni Kuya Rall na kapapasok lang sa opisina ni boss. "Bakit ka ba sumisigaw Betty?" tanong naman ni Ate Cindy. Natingin ako sa kanilang dalawa tas balik don sa lalakeng mayabang. "Kailan pa naging lalake si Boss?" Tanong ko kila Ate Cindy. Napasapo naman ni Ate Cindy ang noo niya at iiling-iling si Kuya Rall. "Akala ko naman nasabi mo na kay Betty ‘yong tungkol dito." Sabi ni Kuya Rall Natingin ako sa kanila ni Ate Cindy. "Nakalimutan ko eh, may ginagawa kasi ako kanina." Sabi naman ni Ate Cindy. "Ano? ano ba yung sasabihin ninyo?" tanong ko naman. Nararamdaman ko pa rin yung presensya ng mayabang na lalake sa likod ko sa asar ko nilingon ko siya. "Hoy! hindi ito stage kaya magbihis ka na at ‘wag mong ibalandra ‘yang katawan mo dito! my goodness my virgin eyes!” sabi ko. Agad namang tumalikod yung lalake at bubulong-bulong pa. "The nerve of this woman, mamaya ka sa akin.” "So? nasaan na nga tayo?" Tanong ko kila kuya rall at ate cindy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD