Chapter 4

1767 Words
Betty's POV "ANO?! wala si boss? tapos yung lalakeng mayabang nayon yung boss natin ngayon? ate Cindy mawawalan ako ng trabaho niyan." sabi ko. Tama mawawalan ako ng trabaho niyan. kase yung lalaki palang sinigaw sigawan ko kanina at sinabihan ng kung ano ay yun replacement ni boss manager paano kung tanggalin ako non? edi deads ako saan ako pupulutin niyan sa kankungan? "bakit ka naman mawawalan?" sabi ni Ate Cindy. "Eh, ikaw naman kase Bettina Cassandra Diwata anong pumasok sa utak mo at sinigawan mo yung tao sinabihan mopa ng wag ibalandra yung katawan at hindi yon stage" Sabi ni Kuya Rall. Ahehe... sorry naman daw. "hahahaha hindi mo siya kilala hano Betty?"- ate cindy Napakunot naman yung noo ko. "we? dapat ba ate kilala ko siya? well ngayon dapat kase siya magiging boss ko. nako deads talaga ako."- Nagulat ako ng biglang tumawa sila kuya rall at ate cindy. Teka bakit ba wala si Shawn. "nga pala asan si Shawn?" "malelate may inaasikaso."- kuya rall In my peripheral vision I saw the new boss. Shocks deads talaga ako nito. "oh? buti naman at tapos kana magbihis "- Close sila ni kuya rall? sa bagay itong si ate cindy at boss manager Kaylee close din. "yea. " The monster said tapos natingin siya sakin at kumunot noo niya. "Bakit nandito kapa? you're fired."- f-fired? "E-excuse me?"- Sht. betty boss mo kaya yan. Letseng bibig kong to pahamak T__T. Humalukipkip yung new boss namin at tiningnan ako ng pagkaseryoso. "I said your fired." Tumayo ako kase hindi ko siya mareach nakaupo kase ako tapos ang tangkad pa niya. "Fired? si boss manager lang pwede magfired sakin dito at bakit mo naman ako ipafired anong nagawa ko?"- "Sinasagot moko and.. he lean closer to me ..binosohan moko." Itinulak ko naman siya. "YACK! kapal ng face mo brad. assumero ka eh no? bakit naman kita bobosohan?"- Napaka yabang talaga binosohan ko daw siya? sira ata ulo nito eh ang akala ko lang naman siya si boss manager kaya ako nandun sa tapat ng pinto ng Cr malay ko bang may sa unggoy na monster pala yung nasa loob nayon. "Okay kids enough na wag na kayong mag-away. betty wag mo nang seryosohin binibiro ka lang nitong si Hunter okay?"- Naasar ako ah tapos biro? masamang biro yon sobra kong iniingatan tong trabaho ko si boss manager lang magdedecide kung matatanggal nako dito. "Hay nako kuya Rall kausapin mo yan masamang biro yon." Sabi ko sabay tayo at punta sa locker room. Baka may dumating nang customer ganito pa itsura ko hindi pako nakakapagbihis. White longsleeve at slacks lang naman ang uniform namin simple lang buti nga hindi palda eh yung parang nasa maid sama . Nang matapos akong magbihis nakasalubong ko naman si Shawn. "GoodMorning"- ako "Morning.." Narinig ko yung kalansing ng bell ibig sabihin may mga customer na. "Goodmorning--- "Aba't dito pala yung bago mong tambayan! hahahaha" sino naman tong mga lalaki nato ngayon? Teka? sila yung.. Tama! sila yung sikat sa school namin yung mga happy go lucky na mayayaman na araw araw inaabangan ng mga girls pag dadating na sa school namin. tatlong lalaki na kaagad nilapitan yung new boss namin. "Pwede ba Cole ano nanamang ginagawa niyo dito?"- monster "Binibisita ka aba ikaw pala namiss ka kaya namin."- yung cole Napaka ingay nila. "Betty hingin mo order nila.."- ate cindy "Ah.. sige." Lumapit ako sa table nila at tinanong order nila. "May I take your orders sir's?" Natingin sakin yung new boss namin. Hindi ko nalang pinansin nung nagsmirk siya baka sa susunod wala nakong trabaho kapag pinatulan ko pa siya. "Hot choco nalang samin miss diwata." eh? "H-ha?"- sabi ko "Bingi naba mga staff ng cafe nato?"- Patience Bettina patience.. bwisit na bago kong boss sakit sa bangs.  "Hot choco miss Diwata." Ulit nung lalaki na name eh Cole. "Kilala mo ko?"- Tanong ko dun sa kaibigan nung monster na boss namin. Nangisi naman yung cole at yung iba nitong mga kaibigan. bakit? "Miss Bettina Cassandra Diwata malamang kilala ka namin ka klase ka namin last year eh." H-ha? kaklase ko pala sila? my goodness bakit hindi ko sila kilala? "Ah.." "Nag-aaral sa Kaisen yan? yang babaeng yan?"- Patience bettina patience..  Sabi ko nalang at bumalik na sa counter para ibigay yung order nila. ang weird naman nun kaklase ko sila pero bakit hindi ko sila matandaan kung last year lang? hindi siguro pumapasok mga yon. Pagkabigay sakin ni Shawn ng mga order hinatid ko na agad dun sa table nila nagkakasiyahan pa sila kaso ang ingay baka pag may ibang customer na pumasok maabala pa nila. "Heres your order sir's." Pagkababa ko nung order nila sumenyas yung monster na maupo ako sa tapat niya. Ano nanaman kayang plano nito? "Bakit SIR?" Inemphasize ko yung sir. hindi ko talaga matagalan ugali nito. "Tell me. do you know me?"- Aba pinaupo ako para itanong kung sino siya pambihira. "You're my new boss." I said. Nagtawanan yung mga kaibigan niya. bakit may nakakatuwa ba sa sinabi ko? totoo naman ah itong si Mr. ubod ng kayabangan eh boss ko. "I'm pointing about my name idiot." "Well Sir i'm sorry I forgot your name since kanina lang kita nakita and for your information sir i'm not idiot." Nagtawanan nanaman yung mga kaibigan niya. ano bako dito clown?  Yung mukha ng boss ko namumula na galit bayun o asar? "Hunter seriously meron pa palang hindi nakakakilala sayo?" "Shut up Elliot." Nakita ko na may ibang customer pang nagsisidatingan kaya tumayo nako at nagpaalam pero yung monster ayaw pako paalisin. "Sasabihin ko kung kelan ka aalis." Tinamaan ng saltik oh. "BOSS may mga customer na po babalik napo ako sa trabaho." "Sinabi ko bang bumalik ka? ako ang boss mo kaya sundin moko." "So kailangan sundin parin kita kahit mali kana?!" Ooops. napasobra ata. "Balik nako sa trabaho sir." Iniwan ko silang tahimik don. nakakapika yung Hunter nayun ah akala mo kung sinong umasta kaano ano kaya ni manager yon?  kung kamag-anak niya aba ampon siguro yon sama ng ugali eh pinaglihi siguro sa sama ng loob. "Oh? bakit nakabusangot ka?"- ate cindy "Nakakasira ng araw. yung bago nating boss kaano ano ba yun ni boss manager kaylee?"- "Pinsan siya ni Kaylee tsaka ganon talaga yon spoiled eh kakauwi uwi lang kase galing ng U.S" Galing siya ng US? bakit umuwi pa siya dito?  "Sikat sa girls yon kaya pinatapon dito sakit nadaw sa ulo doon yun ang sabi ni Kaylee.." "Para namang dito hindi siya magiging sakit sa ulo.. " bulong ko. ---- Natapos ang trabaho ko na puro sakit sa ulo ang idinulot ng bagong boss namin nandito ang pakuhanin ako ng tubig binigyan ko gusto daw niya mainit eh ang dala ko malamig tas nung dinala ko na mainit wag na daw may dala daw pala siyang tubig hindi daw kase siya umiinom ng tubig kung saan saan. tinamaan ng magaling kung hindi ako nakapagpigil kanina ibinuhos ko sa kanya yung tubig na dala ko. "Ate cindy kuya rall shawn alis nako wala kase si Jinie ngayon umuwi sa kanila eh kaya pwede ba maaga ako umuwi baka sinunog na ni Cholo yung dorm namin." Joke lang cholo. "Sira paano naman susunugin ng pusa yung dorm niyo."- shawn "Joke lang naman bro. sige una nako."- "Ingat nakaenroll kanaba? sabay na kayo nitong si shawn sa isang araw."- ate cindy Yun nga pala yung ipinunta ko kanina sa office magaadvance sweldo sana ako kaso imbis na anghel na magpapaadvance sakin ng sweldo ang makita ko isang devil na mula sa ilalim ng lupa ang nakita ko. "Hindi pa.. yun yung ipinunta ko kanina sa office magaadvance sana ako ng sweldo ulit wala na kase akong pera dito eh naipangbayad ko na nung nakaraang sem." Biglang sulpot ng new boss namin. "Sobra mo naman atang inaabuso yung kabaitan ni ate Kaylee? magaadvance sweldo ka tapos ulit? anong ginagawa ng mga magulang mo bakit hindi mo sila hingan ng pang tuition mo?" Napayuko ako sa mga sinabi niya. nakakahiya ng kay maam kaylee na palagi nalang akong nagaadvance sa sahod pero anong magagawa ko? wala nakong ibang pagkukuhanan ng sweldo. "Hunter tama nayan.."- kuya rall "No, I know you ate cindy and shawn I can trust the three of you but to this girl? no way.. kung palaging magiging mabait si ate kaylee sa kanya baka sa huli hindi niya alam na pinagtataksilan na siya ng babaeng to." Paano niya naisip yung mga bagay nayon? paano niya nagagawang magsalita ng ganoon ng nasa harap kopa mismo? ang sakit niya magsalita. Hindi niya pa naman ako kilala. "Hunter tama na sabi eh."- kuya rall "Maybe I should talk to her guardians para sabihing walang pang tuition yung anak nila kase baka sa kung saan lang niya ginagastos yung advance salary na hinihingi niya kay ate kaylee give me your parents phone number." "Hunter tumigil kana."- ate cindy May mga tao pa palang ganito mag-isip sa kapwa. lola sasapakin ko na to kahit naiiyak nako. "Hindi ka siguro pinalaki ng tama ng mga magulang mo no wonder ganyan ang ugali mo." "Hunter!"- ate cindy I raise my head kahit umiiyak ako sobrang sakit magsalita ng tao nato tagos hanggang buto. "S-sorry sir.. h-hindi ko maibibigay ang phone number ng mga magulang ko dahil bata palang ako inabandona nako ng nanay ko. wala akong tatay yung umampon sakin namatay na wala akong guardian kaya wala akong maibibigay na number at kung kukuhanin niyo man ang number ko wala akong cellphone kase wala akong pambili at para sa kaalaman mo nag aadvance salary ako para sa pang tuition ko hindi sa kung ano." Pagkasabi ko non lumabas nako sa coffee shop. letseng buhay to oo. kasalanan ko ba dahil lumaki akong ganito? kasalanan ko bang wala akong pera kaya palagi akong nagaadvance sa sweldo? Bigo na nga sa pag-ibig bigo parin sa trabaho napagkamalan pang masamang tao. *sob lola mumuin niyo nga po yung halimaw  na bago kong boss para makaganti ako. Joke lang po. Kakalakad ko napahinto ako sa isang bar malapit lang din sa coffee shop. binasa ko yung sa karatula. WANTED: Singer MWF (6:00-8:00 pm) TTH (9:00-11:00pm) if you'Re interested please inquire inside. Maganda naman boses ko sabi din ni Jinie, pasok din to sa sched ko kahit may pasok ako sa school pwede nato para may isa pakong pagkukunan ng pera sakaling matanggal ako dun sa coffee shop bwisit kase na Hunter nayan isang napakalaking balakid sa buhay ko. Pumasok nako sa loob at kakausapin na yung may-ari nung bar Pero.. Anak ka ng sampung kabayo siya yung may-ari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD