Chapter 5

1911 Words
Betty~ A-anong? "Oh? Miss Diwata anong ginagawa mo dito?" Tumalikod ako at nagalakad na palabas.. Shit naman kung hindi ka nga naman minamalas bakit nandito yung kaibigan ni Hunter? tapos nakaupo pa siya sa upuan ng boss ng bar nato wag niyong sabihing siya yung boss?. "Wait Miss Diwata.. bakit ka nagpunta dito?" Humabol pa.. nako Betty baka para sayo talaga yung trabaho nayan. "K-kase nabasa ko sa labas na kailangan niyo ng singer.." Sa palagay ko malayo at magkaiba naman sila ng ugali ni Hunter kaya pwede na rin tsaka sayang yung opportunity kailngan ko talaga ng pera. "Ah oo may kilala ka ba na pwede?" Ayos. "Ano ba mga kailangan para makapasok?" Nagliwanag yung mukha niya. mukhang kailngan talaga nila ng singer. "Boses. boses lang ang kailngan tapos kapag nagustuhan ko pwede na." Ayos pala wala nang papel na kailangan. "Pero syempre may contract na pipirmahan so? sino na yung ipapasok mo?" "Ako." Nagulat siya sa sinabi ko. bakit? may kagulat gulat ba dun? "A-ah.. hehehe ikaw ba osge sundan mo nalang ako." Mukha siyang dissapointed. "Baket?"- tanong ko "Kase narinig na kitang kumanta dati sa classroom patay yung boses mo." Patay? grabi naman baka yun yung time na pinilit akong pakantahin ng teacher namin dahil late nga daw ako. sinadya kong pangitan boses ko don. "Ahhh.. so hindi ako tanggap?"- Binuksan niya yung pinto na parang recording room tas pinapasok niya ako. "Ta-try ko ulit pkinggan so ano ba ang kakantahin mo?"- Wait ano nga ba? "I wouldn't mind nalang by he is we." "Osge." Luminga linga ako at nakakita ako ng gitara. Bingo. "Pahiram gitara ha?"- "Marunong ka niyan?"- "Oo.. sige simulan ko na" Nag Go siya kaya nagsimula nadin akong kumanta. *strumm... I WOULDN'T MIND by HE IS WE Merrily we fall Out of line, out of line I'd fall anywhere with you I'm by your side Swinging in the rain Humming melodies We're not going anywhere until we freeze I'm not afraid, anymore I'm not afraid.. Cole~ Nagulat talaga ako nung sinabi niyang siya mismo yung kakanta. hello? narinig ko nang kumanta tong si Miss Diwata eh at laughtrip talaga yon hahaha halos lahat ng kaklase namin non tumatawa late kase siya ang punishment pakantahin ang late haha pero ano kaya ang naisipan niya at mag aapply siya na singer dito sa club ko. Sabi niya I wouldn't mind yung kakantahin niya well alam ko naman yon kaya okay lang. Tapos nagulat pako ng manghiram siya ng gitara marunog pala siya non? Nang magsimula na siyang magstrum nakatutok lang yung paningin ko sa kanya kung humawak siya ng gitara parang professional ah.. *strummm.. Merrily we fall Out of line, out of line I'd fall anywhere with you I'm by your side Swinging in the rain Humming melodies We're not going anywhere until we freeze I'm not afraid, anymore I'm not afraid Teka? parang.. parang hindi naman yan yung boses niya nung pinakanta siya ng teacher namin ah? kakaiba yung boses nayun sa boses nato. Forever is a long time But I wouldn't mind spending it by your side Carefully we're placed for our destiny You came and you took this heart, and set it free Every word you write or sing is so warm to me, so warm to me I'm torn, I'm torn to be right where you are I'm not afraid, anymore I'm not afraid Tch- may itinatago palang talent tong si Miss Diwata hindi lang pala siya matalino.. pero bakit naman kaya siya nagaapply dito? tinanggal kaya siya ni Hunter sa trabaho kanina kase nagkasagutan sila knowing hunter hindi magpapatalo yon mataas pride nun eh lalo na't may babae palang hindi nakakakilala sa kanya. Well si Hunter kase sikat na Model sa US highest paid model siya doon at halos lahat ng babae dito at sa pilipinas o kahit saan kilala siya siguro tinamaan yung ego niya ng malaman niyang hindi siya kilala ni Miss Diwata. Forever is a long time But I wouldn't mind spending it by your side Tell me everyday I get to wake up to that smile I wouldn't mind it at all I wouldn't mind it at all You so know me Pinch me gently I can hardly breathe Forever is a long, long time But I wouldn't mind spending it by your side Tell me everyday I get to wake up to that smile I wouldn't mind it at all I wouldn't mind it at all Pero sa palagay ko nakahanap na ng katapat niya yong si Hunter. "Cole. huy Cole. nakinig kaba? tapos nako kumanta hindi ka naman ata nakinig eh." Natingin ako kay Bettina nung magsalita siya tapos na pala siyang kumanta. "Ah.. oo nga tapos na nga." Sabi ko.. Ibinaba niya yung gitarang taban niya at hinarap ako. "So? tanggap bako o hindi?" Nagthumbs up lang ako siguro naman gets niya na yon. "Bukas kana magsimula hindi ka naman siguro tinanggal ni hunter sa trabaho kaya ka nagapply dito right?"- Nag-iba yung itsura niya pagka banggit ko plang kay hunter. "Yung kaibigan mo na ipinaglihi sa sama ng loob? tch- hindi niya ako tinanggal nakakainis lang siya masakit masyado magsalita ah basta kailangan ko pa kase ng isang raket para sa pag-aaral ko eh kaya salamat talaga ha?"- Pagkasabi niya non nginitian niya ako halata mo talaga sa itsura niya na masaya siya. bakit kailangan magtrabaho nito ng sobra? wala kaya tong kapaguran tsaka wala kayang nagsusustento sa kanya? "Ah, excuse me lang Miss Diwata pero bakit mo pa kailngang magtrabaho dito kung may trabaho kapa sa coffee shop? hindi ka kaya mahihirapan non? dalawa trabaho mo tapos malapit narin ang pasukan wala bang nagsusustento sayo? i mean nasaan yung parents mo?" Yung ngiti sa mukha niya nawala tapos naging seryoso. "A-ah.. its okay wag mo nalang sagutin yung tanong ko pasensya na sige na makakaalis ka na tatawagan ka---." "Pinadala ko ng nanay ko sa bahay ampunan hindi na daw niya ako kase kayang pag-aralin bata pako non. wala akong tatay yung umampon sakin kamamatay lang last year yun dati kong tirahan pinalayas ako tsaka wlaa pala akong cellphone hindi ko na naaasikasong bumili kase mas inuuna ko yung mga basics needs eh.." Seriously? Kaya pala.. kaya pala sobrang subsob niya sa pag-aaral at dalawa pa ang kinuha niyang trabaho.. Ilan kaya kaming nakakaalam na ganito yang klase ng buhay na meron siya? "Pasensya na hindi ko alam naitanong kopa." "Okay lang boss nadin naman kita ngayon eh. kaso wala talaga akong cellphone kaya--- "Here take this. sayo nalang to." Inilagay ko sa kamay niya yung cellphone ko. "H-ha?! nako hindi na. " "Don't worry i can buy tons of cellphones sayo nalang to since sakin ka narin magtatrabaho kailngan may contact ako sayo diba? kaya ayan sayo nalang i'm not doing this because i pity you i'm doing this only just for work." Ayokong aminin na naaawa ako sa kanya kase baka magbago yung desisyon niya sa obserbasyon ko kase ayaw niya ng kinakaawaan siya. She's tough. well she's not alone palagi kong nakikitang kasama niya si Jinie. Actually Jinie and Hunter are siblings. hunters mother died when he was born close naman si hunter sa mga kapatid ni Jinie well kay jinie din kaso naaasar si Jinie dito kay hunter kase palagi niya itong inaasar but they love each other. si ate Kaylee yung may-ari ng coffee shop cousin siya ni Hunter sa side ng mama niya. "Sige na nga sabi nila masamang tinatanggihan ang grasya kase baka takbuhan ka na sa susunod mabagal pa naman akong tumakbo baka hindi ko mahabol hahaha, uy salamat dito ha?"- Sabi niya pagkatapos iwagayway yung cellphone ko. ngumiti lang ako sa kanya. Mahirap din pala yung pinagdadaanan niya. "So paano bayan kita kita nalang tayo bukas?"- Sabi ko sa kanya pagkahatid ko sa labas. "Oo sige salamat ulit dito ha? hindi naman siguro to mahirap pag-aralan ." Sabi niya habang tinitingnan yung cellphone. "Oo matalino ka naman eh sige.." Hindi ko ineexpect na ganoong klaseng buhay pala meron siya. hayy. sa palagay ko kailngan kong sabihan si hunter na wag niyang masyadong pahirapan si Miss Diwata lalo pa't ang init ng mata niya dito. Betty~ Ano ba namang katangahan merom ka betty nakabike ka kanina tapos umuwi ka at iniwan mo yung bike mo sa coffee shop?! juice ko naman. Pagkarating ko sa coffee shop hingal na hingal ako agad kong kinuha yung bike ko at inuwi pero kapag minamalas ka nga naman. "Kuya wala ho akong pera." "Ano ba naman yan miss alam mo na agad pakay ko?" Inirapan ko si kuyang holdaper. "Aba manong itatanong ko paba?" "Aba't pilosopo ka ah.." Biglang tumunog yung Cellphone sa bulsa ko agad namang natingin doon si kuyang holdaper. pambihira sino kaya itong tumatawag? "Kung wala kang pera yang cellphone mo nalang!" Huwaaaaa.. biglang tumakbo palapit sakin yung kuyang holdaper at ako naman eh tumatakbo narin. Tiningnan ko naman yung cellphone kung sino yung tumatawag. ano to? HUN.. HUNTER CALLING?! Sinagot ko naman. "Hello!? Cole nasaan kaba? ano yung nabalitaan ko kay Elliot na magtatrabaho na diyan sayo si--- "T-tulong!" "Ano hoy?! sino ka? bakit nasayo yung cellphone ni Cole?!" "H-hunter si.. si Betty to! hinahabol ako ng (HOY! BABAE HUWAG KANG TUMAKBO!!)" "BETTY?! teka sinong betty?" Anak naman ng pating oh! "Si Betty! yung waitress diyan sa cofee shop ni ate Kaylee! h-hinahabol ako ng holdaper!" "Ano? bakit nasayo yung cellphone ni Cole?!" Ughhh- "Ngayon ko pa ba sasabihin?! hinahabol nga ako ng holdaper diba?! ay ewan!" Ibinaba ko agad yung tawag at hinarap yung holdaper. "Ikaw! ginagalit mo talaga ako eh no?! at talagang hinabol mo pako." Umakto ako na makikipag boxing ... "Hah.. akala mo ba miss kaya moko?! " Juice ko lored iligtas niyo po ako . "HIYAAAAAA..." "Joke lang kuya ! joke lang hindi kita kaya! huwaaaa lolaaa! " Napaupo ako sa takot at niyakap yung tuhod ko habang nakayuko ako. "Ayoko na .. suko nako.. *sob lola.. lola.. *sob" Umiiyak lang ako sa takot tapos napansin ko na hindi nama ako inaatake nung holdaper. iminulat ko yung mata ko at.. "Ay palaka!" Nagulat ako ng mukha ni Hunter bumungad sakin. "Sa tutuo lang no? " Nakakatawa pala siya magtagalog. "Tanga kaba dapat tumakbo ka nalang what if that guy do something to you?" Tumayo ako at pinagpagan yung damit ko na nadumihan. "Cellphone lang naman habol niya eh." "As if cellphone lang by the way bakit nasayo to? did you stole--- Tiningnan ko siya ng masama. "Kahit mahirap ako hinding hindi pumasok sa utak ko ang magnakaw" Sabi ko sa kanya at tinalikuran ko na siya. "Hey i'm still your boss!" "Che! wala tayo sa trabaho kaya tumigil ka!" Naglakad lang ako ng naglakad at ng makita ko na yung bike ko sinakyan ko na yon gumagabi narin kase baka maulit pa yung nangyare kanina. "Hindi ka manlang ba magte thank you sa pagsagip ko sayo?"- Aba't indi parin pala siya umaalis. "THANK YOU!" "Ayan isaksak mo sa baga mo yung thank you ko." Pagkatapos kong sabihin yon umalis nako. nakakapanginit ng ulo ang loko. tinulungan nga ako tapos aakusahan pakong ninakaw ko yung cellphone ng kaibigan niya aba kahit mahirap ako pinangaralan naman ako ni lola na kahit mahirap lame wag na wag kaming magnanakaw lalo na ang paginteresan ang gamit na hindi sa amin. Kaimbyerna talaga yung hunter nayon sarap ipakain sa tiger ng buhay. Malapit na talaga akong maniwala na sa sama ng loob ipinaglihi yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD