"That's all for today. You may now take your lunch."
Nagsilbi iyong hudyat sa'kin upang ligpitin ko ang aking mga gamit. I put my stuffs inside my bag. Wala akong lunchbox ngayon kaya sa karinderya ako kakain kasama sina Angel.
Tapos na akong magligpit ng aking mga gamit. Nagtungo na ako sa kinaroroonan nila Angel. Lumingon ito sa'kin and she just gestured me to wait outside because Joyce Ann was still fixing her stuffs.
Napapabuntong hininga akong lumapit sa kanya. Kahit kailan ay napaka-kupad kumilos ni Joyce Ann. Ang sarap tuktukan! Chour!
Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng aming silid-aralan pero natigil din ako nang makita ko si Aldwin na nakakapit sa dilaw na railings ng koridor. Mabagal nyang hinuhubad ang suot nyang shoerug. He was acting as if he was sick. Wait, hindi nga ba? Yesterday, he told me to be his nurse so absolutely, he was sick.
I looked at him, inaalam ko sa physical appearance nya kung may sakit ba sya o wala.
He looked so skinny as if he did not eat his breakfast earlier. His hands were shaking gently while taking off his shoerug. He looked so pale and he doesn't act so energetic at all.
I looked away when our eyes met. Binuksan ko ang aking bag upang hanapin ang kanyang payong. Lumapit ako sa kanya upang ibalik ang payong na ipinahiram nya sa'kin kahapon.
"Oh, salamat sa payong." I shyly approached him.
Walang imik nya iyong kinuha sa'kin. Nanibago tuloy ako sa iniasta nya.
"May lagnat ka ba? Bakit parang matamlay at maputla ka?" hindi ko na napigilan ang aking sarili na tanungin sya.
Aldwin's friends just came along so he did not have a chance to answer my question. Later on, Angel, Joyce Ann and some of my friends came out from the classroom.
Angel said enthusiastically that we cam leave so we cheerfully walked down the stairs. Pakanta-kanta pa akong naglalakad pababa ng hagdan. Kumunot lamang ang aking noo nang mamataan ko si Aldwin na nakahawak sa railings ng hagdanan.
We can't passed by because Aldwin was blocking our way.
"Pre, kaya mo pa ba? Bibili ka na lang namin ng kanin at ulam. Sa canteen ka na lang kumain." one of his friend suggested. If I am not mistaken, his name was Ren.
"Hindi. Masakit lang ulo ko pero kaya kong maglakad." that was more than a whisper. Sa sobrang hina noon ay muntikan ko ng hindi marinig. Mabuti na lang at malakas sumagap ng chismis ang aking tainga.
"Sa canteen ka na lang kasi kumain. Nilalagnat ka kaya at saka masakit pa ulo mo. Tirik na tirik pa naman araw ngayon oh! Baka mamaya'y himatayin ka." nag-aalalang sabi ni Eron.
"Di 'yan. Arat na." Aldwin managed to walk but he eventually stopped when he vomit. Chunks of partially digested food stream from his mouth.
Nataranta ang mga kaibigan nya, hindi malaman ang gagawin. Napatakip ako ng aking bibig, hindi inaasahan na ito'y mangyayari. Nakaawang ang labi ko habang kunot-noo na pinagmamasdan si Aldwin.
He feels so uneasy and weak. I can hear his loud cough and he was also choking. Nakakapanghina syang tingnan. God!
"Hala!! Sinisinok sya! Painumin natin sya ng tubig." pagsiko ni Justin sa katabi.
"Tanga! Edi namatay 'yan. Pabayaan muna natin syang magkalat dyan." pabirong sagot ni Zhen pero nag-aalala ang kanyang tono para sa kaibigan.
Ren rubbed Aldwin's back to make him feel better. Aldwin continue to vomit and I swear to God that this was really terrible for him. Aba'y mahirap ding sumuka. Danas!
Nakahawak na si Aldwin sa parehas nyang tuhod. He was still vomiting some partially digested food. Sweat was pouring down her forehead. I also saw him in tears while vomiting. Masama nga talaga siguro ang pakiramdam nya.
"Pre, nafood poisoning ka ba?" James asked but Aldwin did not answer him due to his condition.
Bahagyang inalis ni Eron ang I.D. ni Aldwin upang hindi ito masukahan. Justin stroke his hair to make him feel fresh.
"Ang dugyot mo na pre. May panyo ka ba?" tanong ni Justin pero hindi sya sinagot ni Aldwin.
Malamang ay hindi sya sasagutin dahil sumusuka ito. Hindi nya ba naisip iyon?
"Kayo mga pre? May panyo ba kayo?" baling ni Justin sa mga kaibigan.
"Wala." they answered while shooking their heads.
"Ano ba 'yan? Mga walang silbe. Tss." Justin sounded so disappointed.
"Ikaw ba? May panyo ka?" tanong ni James kay Justin.
"Wala rin." mahinang sagot niya.
Nakatanggap sya ng batok galing kay James. He dramatically massage his head as if it hurts so bad.
"Wala ka rin palang silbe! Tss!"
The two of them hit each other in the arm. Nagtatawanan pa ang mga ulaga habang kunwaring sinusuntok ang isa't isa.
"Para silang mga tanga. Bwahahahaha." komento ni Angel. Natawa tuloy kami sa kanyang sinabi.
Pinagmasdan namin kung paano nila tratuhin si Aldwin. Nadismaya ako dahil nagpauyuhan pa sila kung sino ang maglilinis ng suka. Nagbato-bato pik pa talaga ang mga ulaga na animo'y parang mga bata. Bandang dulo ay si Andre ang natalo kaya bumalik sya sa room para kumuha ng gamit panglinis.
"Paano na 'to? Ang dugyot na nya. Wala pa naman tayong panyo, towel, tissue, wipes o kahit anong pwedeng ipamunas. Hays!" problemadong saad ni Justin.
An idea suddenly hit my mind upon hearing the word wipes. Binuksan ko ang aking bag and fortunately, I bring my thing. Inilabas ko ang wipes, handa na akong pumunta sa direksyon nila pero umepal naman si Joyce Ann.
"Sa'n ka pupunta?" nakakunot ang noo na tanong nya.
"Bibigyan si Aldwin ng wipes. Ang dugyot e." I honestly answered.
"Ikaw na rin maglinis ng suka nya para bida-bida ka. Bwahahahaha!!" Joyce Ann joked but it wasn't funny at all. Akala nya siguro nakakatuwa.
I gave her my death glare so she shut up. I gestured them na umuna na silang maglunch. Hindi ko pwedeng pabayaan si Aldwin sa ganitong kalagayan. Syempre, girlfriend material ako e.
His friends were shocked when I wipe the side of Aldwin's lips.
"Excuse me Ms? Sino ka? Syota ka ba nya?" nag-uusisang tanong ni Ren.
Tumigil ako sa pagpupunas ng gilid ng labi ni Aldwin.
"Hindi, nagmamalasakit lang." palusot ko.
Ayokong sabihin sa kaniya na crush ko ang kanyang kaibigan. Nakakahiya kaya iyon.
"Ah, nagmamalasakit..." they nod their heads like an idiot. Para talaga silang may saltik!
"Sayang naman pala kung hindi kayo magkasintahan. Bagay pa naman kayo." komento ni Justin na syang dahilan kung bakit uminit ang pisngi ko.
Shuta!!! Wtf?! Boto na sa'kin kaibigan ni Aldwin!!! Dapat talaga ay ipush ko na ang panlalandi sa kanya.
"Ah, Ashley di'ba?" nangungumpirmang tanong ni Eron.
"Mm." pagtango ko sa kanila, hindi pa rin inaalis ang tingin kay Aldwin.
"Pwede bang maiwan muna namin sa iyong pangangalaga itong si Aldwin? Magla-lunch pa kasi kami e." humimas si Eron sa kanyang tiyan, nagpapaawa.
I did not hesitate to agree to do him a favor. Bukal naman ito sa loob ko e.
Hinintay muna nila si Andre na matapos sa paglilinis ng suka ni Aldwin. Pagkatapos noon ay kumaripas na sila ng takbo na animo'y magbabago ang isip ko.
I offered my bottled mineral water to him. Hinang-hina nya iyong kinuha sa'kin. Naghilamos sya ng kanyang mukha at sinubukan ng tumayo.
"Hindi ka pa naglulunch. Kumain ka na. Uuwi na ako." pagtataboy nya sa'kin kaya kumunot ang aking noo.
Hindi ba sya nakakaramdam na gusto ko syang makasama?
Mabilis kong idinampi ang aking palad sa noo nya. Natigilan sya pero nang makarecover sa reaksyon kanina ay inalis nya ang aking palad mula sa pagkakadampi sa kanyang noo.
Nagsalubong ang aking kilay nang mapagtanto na sobrang init nya. Bakit pa kasi sya pumasok? Gustong-gusto nya ba talagang makuha ang perfect attendance award kaya hindi sya lumiban sa klase?
"Kumain ka na. Uuwi ako sa bahay namin. Hindi ka pwedeng sumama. At saka may klase, ayokong magcutting classes ka dahil sa'kin." his voice was very weak but he still have the strength to pick a fight with me.
Bakit kasi napaka-tigas ng ulo nya? Nakikipagtalo pa sya sa'kin e may sakit na nga sya!!
"Aalis na ako." he said.
"Sige pero sasama ako." nauuna pa akong maglakad kaysa sa kanya.
"Ang kulit ng lahi mo. Mas lalo mo lamang pinasasakit ang ulo ko." nai-stressed na sabi nya habang hinihilot ang kanyang sentido.
"Magka-cutting classes ako ngayon kasi nilalagnat ka. Huwag ka ng magmatigas pa dahil sa ayaw at sa gusto mo, ako ang mag-aalaga sa'yo. Ngayong araw na ito, ako ang magiging nurse mo." kumindat ako sa kanya at saka inagaw ang kanyang payong na pinahiram nya sa'kin kahapon.
I opened the umbrella because the sun was shining so bright. Baka mas lalong sumakit ang kanyang ulo kapag hindi kami nagpayong. Tirik na tirik pa naman ang araw ngayon!
Nakaalalay lang ako sa kanya incase na mahimatay sya. Hanggang sa paglalakad, sa pagsakay ng jeep at hanggang sa makarating sa bahay nila ay nakaalalay ako sa kanya.
Tumigil kami sa isang bahay na hindi kalakihan ngunit hindi naman ito kaliitan. Sakto lamang ang sukat nito para sa kanilang pamilya.
Puti ang pintura ng kanilang bahay at ito ay sementado. May maliit na balkonahe na syang unang makikita pagkababa namin ng jeep.
Aldwin lead the way inside their house. Kanilang bahay ito kaya marapat lamang na sya ang paunahin ko.
Tahimik ang buong loob ng bahay. Wala akong naririnig na kahit anong ingay maliban sa yabag ng paa naming dalawa ni Aldwin. Pumasok si Aldwin sa isang kwarto kaya sinundan ko sya. Hinagis nya ang kanyang bag sa kama at patumba syang humiga dito.
Hindi pa sya nagbibihis at hindi nya man lamang hinuhubad ang kanyang medyas o I.D. Binalot nya ang katawan ng kumot na animo'y ginaw na ginaw sya.
Bahagya ko syang inuga upang ipaalam na hindi pa sya nagtatanghalian.
"Magbihis ka muna. Basa pa ng pawis iyang uniform mo e." concern na sabi ko.
Mahinang tinig ang narinig ko mula sa kanya.
"Lalabas muna ako. Magbihis ka muna ha?" paalala ko.
"Mmmmm..." paulit-ulit na iyon lamang ang sinasabi nya.
Marahan kong sinara ang pinto ng kwarto nya. Nagtungo ako sa sala upang magtingin-tingin ng mga painting. Napako ang tingin ko sa mga picture frame na nakadisplay sa ibabaw ng drawer.
Family picture nila iyon. Their family consist of five members. Mama nya, Papa, Ate, Kuya at sya bilang bunso. Napangiti ako at hindi namalayan na kanina pa ako nakatitig sa larawan.
Ang saya-saya nilang tingnan sa larawan. The smile of his mother was so natural and beautiful. His sister resembles a lot from his mother. Ang Kuya nya ay hawig sa kanyang Papa samantalang si Aldwin ay kamukhang-kamukha ng Mama nya.
Inalis ko ang tingin sa picture frame dahil may nakita akong notebook na nakapatong sa drawer. May kung anong nag-uudyok sa'kin na buklatin iyon kaya kinuha ko ang notebook.
Sa front page ay nakita ko agad kung sino ang nagmamay-ari nito. This stuff belongs to Aldwin so I hesitate to read it pero sa huli ay pinakialaman ko na rin ang gamit nya.
Sa unang pahina ay nakita ko ang drawing ni Aldwin. He draw his family including his mother, father, sister and brother. Stickman iyon kaya alam ko na bata pa lang sya noong ginawa nya iyon.
May tumulong luha sa pisngi ko nang makita ko kung paano nya ginuhit ang kanyang ina. May bilog syang iginuhit sa itaas ng ulo nito. May pakpak din syang iginuhit na naglalarawan na ang kanyang ina ay isa ng anghel.
I flip the paper to the next page. Binasa ko ang nakasulat sa kwaderno.
Inay, graduate na ako ng elementary. Sayang at wala ka na rito pero mananatili ka sa'king puso. Mahal kita Inay.
Nangilid ang aking luha habang inililipat ang papel sa sunod na pahina.
Nakatapos na ako ng Grade 7 Inay. With honors ako kaya't nakatanggap ako ng medalya. Sa'yo ko iaalay ang achievement na ito. I love you.
I flip the paper to the next page after reading what's written on the second page.
Inay, sa tingin ko'y umiibig na ako. Nakakabading pero iyon ay totoo. Malapit ko ng ibigay sa babaeng mahal ko ang singsing na ibinigay nyo sa'kin. Magtatapos ako ng pag-aaral at maghahanap ng magandang trabaho. Kikita ako ng maraming pera at kapag kami ay malaki na, pakakasalan ko na sya. Bubuo kami ng pamilya at mamahalin ko sya habang buhay.
Nakangiti lamang ako habang binabasa ang nakasulat sa kwaderno. May parte sa'kin na umaasa na sana ay ako ang babaeng iniibig nya pero alam ko naman na isang porsyento lamang ang tsansa ko sa puso nya. Gayunpaman, natutuwa pa rin ako dahil may plano na agad sya para sa hinaharap. How I wish that I ended up with him but out of all the seven million in this world, I knew that it was very impossible to happen. Hindi lang ako ang babae sa mundo kaya hindi na ako umaasa na magugustuhan nya rin ako pabalik.
Ibinalik ko na ang notebook sa ibabaw ng drawer. Nagtungo ako sa kwarto ni Aldwin upang tiyakin kung ayos lamang sya. Baka nagkukumbulsyon o nagdedeliryo na sya e.
"Inay..." he uttered and I saw how a single tear fell from his cheek.
Ibinaling nya pakaliwa at pakanan ang kanyang ulo na para syang binabangungot.
Lumuhod ako sa tabi ng kanyang kama upang icheck kung mainit pa sya. Agad kong inalis ang aking kamay nang mapaso dahil sa mataas na temperatura ng kanyang katawan.
Mabilis akong pumunta sa kanilang kusina. I get a basin of water and a white towel. Binuksan ko ang kanilang refrigerator. Nang makita na mayroong yelo ay kinuha ko ito. I chopped it into medium pieces and I placed it in the basin of water. Bumalik din ako sa kanyang kwarto. Piniga ko ang puting bimpo at inilagay ko iyon sa kanyang noo. Mas lalo ko syang kinumutan dahil nilalamig talaga sya.
I saw that he was still wearing our school uniform. Nag-aalala ako dahil pawis pa ang kanyang likod. Paniguradong natuyuan na sya ng pawis!
Hinubad ko na lamang ang kanyang black shoes dahil suot nya pa rin ito. Itinaas ko ang kanyang paa dahil laylay ito sa kama. Hinubad ko na rin ang kanyang medyas at kinuha ko ang kanyang bag. Inilagay ko ang kanyang bagpack sa sahig.
I sighed before I decided to cook in the kitchen. Aldwin hasn't eaten yet so I'll cook arroz caldo for him. He can't take his medicine when his stomach is empty.
Parang gusto kong maglaho na parang isang bula nang makita ko ang Kuya ni Aldwin na kumakain sa dining table. Nakasuot sya ng uniform ng aming school. Black slacks ang suot nya at white uniform. Nag-angat sya ng tingin nang makita nya ako na paparating.
"Kain tayo. Naglunch ka na ba?" tanong nya.
Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nya ako hinusgahan. Expected ko na na sasabihan nya akong akyat bahay gang, kawatan o magnanakaw pero inalok nya pa akong kumain. 'Yan tuloy! Naging crush ko sya lalo!
He did not wait for my answer. He stopped from eating just to served me food. Hindi tuloy ako nakatanggi sa alok nya pero ayos na rin ito. Di pa rin kasi ako naglalunch e.
I eat hotdog and fried rice now. Iyon ang niluto nya e, magiging choosy pa ba ako? I felt awkward to eat my food because I felt like he was staring at me. Bakit ba nya kasi ako tinititigan? Nakakaconscious tuloy.
"Huwag mo sanang mamasamain pero ano ang ginagawa mo sa bahay namin?" ingat na ingat sya sa pagtatanong. Nakakatakot siguro sya na baka mamis-interpret ko ang kanyang tanong.
"Ah, may lagnat po kasi si Aldwin. Masama po pakiramdam nya. Kanina po ay nagsuka po sya sa school. Sinamahan ko na lamang po sya sa pag-uwe dahil nakapangako po ako sa kanya na aalagaan ko po sya kapag nilagnat sya." paliwanag ko.
"Para-paraan din si utol. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit hindi sya uminom ng gamot kahapon." bulong ng Kuya ni Aldwin. Hindi ko ito narinig dahil ang hina nyang magsalita.
Hindi ko na lang tinanong kung ano ang kanyang bulong. Yes, I am curious but I don't want to be a chismosa.
After I finished eating my food ay bigla kong naalala ang reason kung bakit ako nagpunta sa kanilang kusina.
"Hindi pa nga pala kumakain si Aldwin ng tanghalian. Magluluto po ako ng arroz caldo para po magkaroon po ng laman ang kanyang tiyan. Di pa po kasi sya umiinom ng kanyang gamot e." niligpit ko na ang aking pinagkainan pero pinigilan ako ng kanyang Kuya na gawin ang bagay na iyon.
"Ako na magluluto para kay utol." pagpigil nya sa'kin.
Wala akong nagawa kung hindi sundin ang kanyang sinabi. Bumalik ako sa kwarto ni Aldwin. Naabutan ko sya na tulog pa rin.
Kinuha ko na lamang ang aking bag. We have so many assigment today. Apat ang assignment na aming gagawin; English, Filipino, AP, ESP and Math. Sinimulan ko na ang pagsasagot noon. Pagkatapos kong sagutin ang aking assignment ay sinagutan ko ang kay Aldwin. Sure naman ako na tama ang aking sagot dahil parati akong nakikinig sa discussions. Math lamang ang hindi ko sinagutan dahil hindi ako sure kung tama ang aking sagot. Magpapaturo pa ako mamaya kay Ate Maxine e.
I put Aldwin's notebooks inside his bag. As I was doing that, I heard him speak softly.
"Ang lamig." sobrang hina na sabi nya.
I panicked when I saw how he shake his body as a sign that he was cold. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko na lamang sya. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa'kin na gawin ang bagay na iyon. Nataranta na ako kaya ko iyon ginawa.
I smile when I felt that he hugged me too. I checked his temperature by simply touching his forehead. Hindi na sya masyadong mainit kaya napanatag ako.
I fell on the bed probably of shock because Aldwin's older brother suddenly came. All of a sudden, Aldwin wake up from the bed when his Kuya Aldous hit him using a pillow
"Kuya, ganito ka ba magtrato ng may sakit?" Aldwin voice was different from before. Hindi na mahina ang kanyang boses.
"Kumain ka 'tol. Nagluto ako ng arroz caldo. Magbibihis lang ako." sabi ng kanyang Kuya, ignoring what Aldwin said earlier.
Kinuha ko ang isang sulyaw ng arroz caldo na nakapatong sa side table ng kanyang kama.
"Di ka pa naglalunch. Kumain ka." sabi ko habang ipinupwesto ang kutsara upang subuan sya.
Umiling sya sa'kin ng sunod-sunod.
"Wala akong gana. Isusuka ko lamang iyan."
"Be obedient. Your stomach is empty. Paano ka iinom ng gamot kung hindi ka kakain?"
For the second time, he shooked his head to me.
"Ayaw."
"Psh! Para kang bata. Kumain ka na kasi!"
Umayos sya ng upo. Diretso nya akong tiningnan sa mata.
"Kapag kumain ako, anong magiging premyo?"
I did not expect him to asked this thing. Ano bang ibig sabihin nya doon?
"Kapag hindi ka kumain, lagot ka sa'kin." pananakot ko.
Natawa sya sa'king sinabi bago nya kinuha ang bowl ng arroz caldo sa'kin. I watched him as he was swallowing his food!! Damn!! His adams apple was so attractive.
"Kanina ang caring ng mga tropa mo 'no? Concerned na concern sya sa'yo e." I open a topic para naman hindi awkward.
Tumigil sya sa pagnguya at tumingin sya sa'kin saglit. Ngumiti sya sa'kin ng nagyayabang na para bang proud sya na may kaibigan sya katulad nila Zhen.
"Next time nga, ireto mo ako sa kanila. Pwede kay Justin. Gwapo naman sya at caring din. Hindi rin ako magrereklamo kung kay Zhen mo ako inireto. Mukha syang mabait at gwapo rin sya. Pwede mo rin akong ireto kay James, Eron, Ren at Andr-----"
Padabog na inilapag ni Aldwin ang kanyang kutsara sa side table. Nagulat tuloy ako at natakot dahil bigla syang nagtransform sa isang mabangis na hayop.
"Napapa'no ka?" natatawang tanong ko.
Sumeryoso rin ako nang makita ko na salubong ang kanyang kilay. Napapa'no ba kasi sya? Bipolar talaga!
"Mga gago ang mga tropa ko kaya huwag mong subukan na makipagrelasyon sa kanila."
"Luh! Parang hindi naman? Sinisiraan mo lang sila sa'kin e. Haha." I laugh to change the atmosphere. Napapalibutan kasi kami ng dark aura e.
Tahimik syang kumakain kaya nagpatuloy ako sa pamimilit na ireto nya ako sa kanyang mga tropa.
"Dali na kasi. Ireto mo na ako sa kanila."
"Ayoko!"
Paulit-ulit na iyon ang isinasagot nya sa'kin kapag sinasabi ko na ireto nya ako sa kanyang mga tropa.
"Ireto mo na kasi ako sa mga tropa mo. KJ mo naman." pag-irap ko.
Hindi naman sa atat akong magkajowa. Gusto ko lang magkaroon ng inspirasyon at saka curious lang ako kung ano ang pakiramdam kapag taken ka.
"Ashley," he called me in a serious tone.
"Ano?!" sigaw ko sa kanya, naiinis na.
My heartbeat does a tango when he slowly brought his face closer to mine. Napalunok tuloy ako ng sunod-sunod, hindi malaman kung ano ang aking gagawin.
"Irereto ko ang aking sarili para sa'yo, tantanan mo lang mga tropa ko."
Napakurap ako ng ilang beses. Hindi ko pa nagegets ang kanyang sinasabi.
"H-Huh?"
Napasapo sya sa kanyang noo. Mas lalo nya pang inilapit ang kanyang mukha sa'kin.
"You deserve someone better. Hindi ka babagay kay Ren, Zhen, Justin, Eron, James at Andre. Inshort, ako ang bagay sa'yo." he whispered.
Napapikit ako ng saglit, iniintindi kung ano ang kahulugan ng kanyang sinabi.
"A-Ano?" tanong ko kahit na naintindihan ko ang kanyang sinabi. Mahirap lang talagang paniwalaan ang mga salita na kanyang binitawan.
"Di ka pwedeng ireto sa iba dahil magagalit ako. You deserve someone better and that someone was me." he smile so beautifully as if he was tripping me.
Futa!!! He was confusing me!!
➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡
ツ