His soft and fragile side

3809 Words
"Amen." I ended my prayer at nag sign of the cross na rin ako. My classmates sat on their seats after I finished my prayer. Nagklase ulit kami and as usual, ako'y nakikinig lamang. Natapos ang klase sa Filipino and sa AP. We just went to the canteen para bumili ng pagkain. After that ay dumating na rin si Ma'am Devera, ESP teacher namin. "Ang aralin na ating tatalakayin para sa araw na ito ay ang..." pinutol ni Ma'am ang sasabihin dahil may kung ano syang pinindot sa kanyang laptop. "Pamilya bilang natural na institusyon." pagpapatuloy nya. Nagflash sa television ang powerpoint na ginawa nya. Nag-umpisa na ang kanyang diskusyon pero maikli lamang iyon. "Kumuha kayo ng isang buong papel at magsulat kayo ng talata tungkol sa inyong pamilya. Pipili ako ng limang estudyante na magbabasa ng kanilang ginawang talata sa unahan." maawtoridad na utos ng guro. Isinisilid na nya ang kanyang laptop sa kanyang bag. Hindi naman na kami nagreklamo sa gawain na ipinapagawa nya. Umingay ang paligid nang humingi ng papel ang iba kong mga kaklase. Itinago ko ang isang buo kong papel dahil baka maubos ito. Humingi pa rin ako ng papel sa aking kaklase upang hindi maubos ang papel ko. I'm an alpha kid. I start to write an essay. Many ideas popped in my mind so I wrote more than fifteen sentence. We passed our papers forward after the time ended. Our ESP teacher randomly chose five papers. She start calling the name of my classmates who were going to read their written essays. Joyce Ann start to read her essay. Sya ang unang napili na magbasa ng talata na kanyang naisulat. Nagbasa pa ang ilan kong kaklase kaya nakinig na lang ako sa kanila. "Salamat anak." nakangiting sabi ni Ma'am kay Angel, sya ang pangalawa sa huli na nagbasa ng kanyang talata. Iminuwestra nya ang upuan kay Angel, pahiwatig na pwede na syang bumalik sa kanyang upuan. "Ang panghuling magbabasa ng kanyang sinulat na talata ay si Alistair Dwin Austria." Ma'am Devera was smiling genuinely. Iniabot nya ang papel kay Aldwin. Tinanggap naman ito ni Aldwin at nagpakawala muna sya ng mabigat na hininga. Umayos ako ng upo. My ears were so excited to listen to the words that he will going to say. I want to know about his family para magpalakas sa kanila. Nakapangalumbaba ako habang nakatitig sa kanya. I was smiling happily while staring at him. Matikas sya kung tumindig. Wala pa syang ginagawa pero ang bilis na agad ng t***k ng puso ko. Hindi pa sya nagsasalita pero ngumingiti na agad ako. "Sa murang edad ay namulat na ako na mahalaga ang pamilya. Sila ang humubog ng aking personalidad at ng aking pagkatao. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang pinakabunso." he took a quick glance to us and then, he shifted his eyes back in his paper. "Kami ay palaging masaya ng aking pamilya pero nagbago ang lahat ng iyon nang mamatay ang I-Inay." he broke down in tears. Tinakluban nya ang kanyang mukha gamit ang kanyang kamay. Medyo basa na ang kanyang papel pero nagpatuloy pa rin sya sa pagbabasa. "Mayroon syang cancer, stage four... anim na taong gulang ako noon nang nilisan nya a-ako." tumalikod sya sa'min upang punasan ang kanyang luha. My classmates make a sad sound specifically 'aw shit.' Ang ilan kong mga kaklase ay umiiyak na lalong-lalo na ang mga tropa ni Aldwin. I don't know why did I find this situation emotional. Siguro ay dahil ramdam ko ang bigat na nararamdaman nya. "M-miss ko na sya. S-sobra." nameke sya ng tawa. Napaawang ang labi ko nang dahan-dahan syang napaupo sa sahig na kanyang kinakatayuan. Umub-ob sya sa kanyang tuhod at bumuhos na ang kanyang mga luha. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nya sa papel. Puro 'awit' ang naririnig ko mula sa'king mga kaklase Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa'kin upang lapitan sya. Kumunot ang noo ni Ma'am Devera pero wala na akong pakialam sa kanya. Ang mga kaklase ko naman ay nagulat dahil sa'king ginawa. Lumuhod ako upang daluhan si Aldwin. Tumunghay sya kaya't kinuha ko ang ulo nya. Isinandal ko iyon sa'king balikat at hinagod ko ang likod nya upang pagaanin ang kanyang loob. Napangiti ako nang maramdaman ko na niyakap nya ako. Sari-saring reaksyon ang narinig ko galing sa mga kaklase. Karamihan sa kanila ay kinikilig dahil sa'ming posisyon ngayon. "Tahan na..." I calmly said. Imbes na tumigil sa pag-iyak ay mas lalo pa nyang nilakasan. Hindi ba sya nahihiya? Kalalaking tao pero napakalakas umiyak. Tss! Napagtanto nya siguro na nasa classroom kami kaya lumayo sya sa'kin. He wipe away his tears and he run his hands through his hair. He pretend that he doesn't know me. Nakakatuwa ang reaksyon nya, hiyang-hiya na talaga. "Iyakin ka pala. Haha." pang-aasar ko sa kanya habang malakas na tumatawa. I did not mind the stare of my teacher and my classmates. It was the perfect timing to flirt with him. It was now or never. I was about to speak but Ma'am Devera interrupt my words. "Mga anak, tapos na ang ating klase. Austria, pakatatag ka." Ma'am Devera smile again. He tapped Aldwin's ahoulder before he walked out from our classroom. I sat back on my chair for a meantime. His friends came kaya wala na akong papel dahil iko-comfort na sya ng mga friends nya. Wala ng kwenta kung nandoon ako kasama ni Aldwin. May mga kaibigan sya na magpapagaan ng kanyang loob kaya't walked out muna ako. I stared at the blackboard infront while thinking deeply about what happened earlier. It was really hard for Aldwin to continue his life without his Mom. Well, his Dad was there for him but it was still different if his Mom was there to guide him. I bet, he cried so hard for the death of his Mom. Napakabata nya pa para mawalan ng ina. Maswerte pa nga ako dahil may mga magulang ako na gumagabay sa'kin. Paano nya kaya nalagpasan ang pagsubok na iyon sa kanyang buhay? Did he cried silently in his room? Is he just smiling to hide the pain? Does he always go to cemetery to visit his Mom's tomb? The thought of him suffering makes me in pain too. He was very strong, at the young age, he experienced the loss of a loved one but he remained strong. Kung hindi pa sya natawag kanina ay hindi ko pa malalaman na nawalan sya ng mahal sa buhay. Mabuti na lamang at nagkaroon ng ganitong aktibidad. Dahil dito ay nalaman ko ang tungkol sa kanyang pamilya. I stopped from thinking some things when I saw Aldwin standing infront of him. My eyes full with wonder while looking at him. My eyebrows furrowed, and my eyes were made to ask him what he was doing here. "Usap tayo." He scratched his head, embarrassed. I smiled and I did not hesitate to agree to what he said. We were standing in the corridor of our building. His hand rested on the yellow railings. Medyo mahangin kaya nililipad ang aking buhok. I pinned a few strands of hair to my ear. I no longer hope that he will do that because he has no sense of humor. Hindi nya ugali na magdisplay ng affection at isa pa ay wala naman syang dahilan upang gawin ang bagay na iyon. Nilalaro nya ang gray wristband bracelet na suot nya sa kaliwang kamay. I swallowed the lump of my throat before I decided to took the initiative to talk. "Ano bang pag-uusapan natin?" naiinip na tanong ko. He did not answer me. He fished out his wallet from the pocket of his Khaki pants. I frowned as I watched what he would do next. He opened his black wallet. He showed me their family picture. Wallet size lamang ang sukat ng litratong iyon. "Anong gagawin ko rito?" kunot-noong tanong ko, nagtataka kung bakit nya sa'kin ibinibigay ang litrato. "Ito si Mama." itinuro nya ang babae na kamukhang-kamukha niya. Nakita ko rin 'yung Papa nya and I must say na gwapo rin ito. No doubt kung bakit gwapo si Aldwin. Gwapo ang amahin kaya gwapo rin ang supling. Nagkwento si Aldwin tungkol sa Mama nya pero hindi ako nakikinig. Napako na ang tingin ko sa isa pang lalaki na nasa litrato. Nakaakbay sya kay Aldwin so I already knew that they are siblings. Family picture nga e! "Ang gwapo nitong lalaki na nakaakbay sa'yo." I pointed out to the man beside him. "Si Kuya 'yan." I noticed that Aldwin's voice wasn't sad anymore. Naging normal na ito. "Anong pangalan nya? Magsesend ako ng fr sa kanya. Ang gwapo oh! Grabe talaga genes nyo! Well, gwapo ka naman pero lamang ng 5℅ ang kuya mo. Kumbaga, nasa gitna ka lang pero 'yung Kuya mo, nasa tuktok." I giggle. Totoo naman kasi na gwapo 'yung kapatid ni Aldwin. Parang gusto ko na tuloy na itigil ang panlalandi kay Aldwin. 'Yung Kuya na lamang nya ang lalandiin ko tutal crush ko na agad e. "Talaga lang huh?" he sounded so jealous or am I just assuming things? Upang masiguro na nagseselos sya ay ipinush ko na gwapo talaga ang kapatid nya. Let's see what will be his reaction. "Hindi mo pa sinasagot 'yung tanong ko. Ano ngang pangalan ng kapatid mo? Gusto kong maging friend sya sa f*******:. Ang gwapo nya kasi ih. Hihihi. At saka gusto ko syang maka video call at late night talks. Gusto ko syang tawagan gabi-gabi kasi ang gwapo nya." I said while flashing my sweetest smile to him to show that I had a crush to his brother. "Tanong mo sa pagong." he rolled his eyes to me. I do not know if I will be happy or annoyed with what he told me. He looks so jealous but I don't want to assume some things. Pero still, gusto ko pa rin syang asarin. Ang sarap nyang tingnan kapag pikon. "Para ka namang tanga kausap. Balato mo na sa'kin ang kapatid mo. Ireto mo naman ako sa kanya. Pleaseeeee." I almost begged him. "Ayoko nga. Hindi kayo bagay." naka poker face na lamang sya. Wala na akong makikitang kahit isang ekspresyon sa kanyang mukha. "Kung ganoon, sino ang lalaki na bagay sa'kin? Ikaw?" turo ko sa kanya. "Oo, kaya ako na lamang ang tawagan mo kung gusto mong makipag video call sa gwapo." he said and he left me hanging. My heartbeat was louder than a waves of the ocean. My chest will about to explode because my heart go crazy wild. I was frozen in my place. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. OMG!! Did I hear it right?! Totoo ba na sinabi nyang bagay sya sa'kin? Totoo ba na sinabi nya na makipag video call ako sa kanya? f**k!!! This is f*****g so good to be true. I stared at the window while listening to our TLE teacher. Hindi ako nakikinig. Nakatulala lang ako buong oras. Malamig ang panahon ngayon kaya nakakabagot makinig sa diskusyon ng aming guro. "Goodbye class." our TLE teacher said. Tapos na ang aking klase. Niligpit ko na ang gamit ko. I search for my umbrella but unfortunately, I forgot to bring it. I walk down the stairs to went to the ground floor of our building. Our buiilding consist of two floors. Nasa baba ang room ng kabilang pilot samantalang ang aming room ay nasa second floor. Nakatayo ako sa pathway ng aming school. May bubong dito kaya hindi kami nababasa. Naglilibot ako ng tingin sa paligid. I was waiting until the rain stopped. Maraming mga estudyante ang nag-iintay na tumigil ang ulan. I looked up in the sky in a while. The dark smoky clouds was visible in the sky. The weather was really bad because the rain was pouring relentlessly and heavily. Some of my classmates were patiently waiting until the rain stopped. Naramdaman ko naman na may tumabi sa'kin. Aldwin looked at me but when I caught him staring, he looked away. He open his bagpack to get an umbrella, I guess. I let out a sigh to prepare myself to run. It was obvious that the rain will not stop. Matatagalan ako kung hindi ako tatakbo kaya't naging pinal ang aking desisyon. Iyon ay ang tumakbo hanggang sa makasakay ng dyip. I was about to run but someone suddenly stopped me simply by holding my wrist. I stared at his hand for a long period of time. "Sukob tayo sa payong ko. Magkakasakit ka kapag ika'y tumakbo." he said worriedly. He opened the umbrella and held my hand. I was a bit far from him because I find this situation so awkward. Naglalakad kaming dalawa nang magkahawak ang kamay. Binitawan nya ang aking kamay at inakbayan nya ako. Hinapit nya ako papalapit sa kanya. "Ang layo mo sa'kin. Maliit lang ang payong natin kaya lapit ka rito ng kaunti para hindi ka mabasa." hinapit nya ulit ako pero this time ay through waist na. I was smiling like an idiot. Parang ayoko ng tumigil ang ulan. Kung ganito kami palagi ay ayaw ko ng matapos ang araw na ito. Naglalakad na kami sa kalsada upang sumakay ng dyip. Malakas pa rin ang ulan pero wala na akong pakialam. Hinigit ako ni Aldwin sa braso kaya nagtaka ako. "Palit tayo ng pwesto. Dito ka sa pedestrian lane. Patanga-tanga ka pa naman, baka mamaya'y masagasaan ka ng sasakyan." Kikiligin na sana ako pero iniinsulto nya ako. Putang--- Hindi naman ako patanga-tanga. Engot lang ako minsan sa kalsada. Ipinara nya ako ng dyip pero puno na kaya naghintay ulit kami ng ibang darating. Pumara ulit sya at nagsi-unahan na ang mga estudyante sa pagsakay. "Sumakay ka na. May pupuntahan pa ako. Oh, eto ang payong. Baka magsakit ka, napakapayat mo pa naman." hinawakan nya ang aking kamay at pilit nyang ibinigay ang payong sa'kin. He ran as fast as he could. Sumakay na rin ako ng dyip. Nakatitig lang ako kay Aldwin habang sya'y tumatakbo. Nangibabaw ang pag-aalala sa'kin para sa kanya. Hindi kaya sya lagnatin kinabukasan? Tumakbo sya habang umuulan! Hindi ba nya naisip na lagnat ang aabutin nya sa kanyang pinaggagawa? Nawala na rin sya sa paningin ko. Pinirmi ko na lang ang aking tingin sa'king bag. Binuksan ko iyon upang tiyakin kung nabasa ang aking mga notebooks. So far, hindi naman masyadong basa, slight lang. Pagkarating ko sa bahay ay nagpatuyo agad ako ng aking buhok. Nagbihis na ako ng pantulog na damit. Kararating-rating lang din ni Ate. Basang-basa ang kanyang buhok, halatang nakalimutan nya ring dalhin ang kanyang payong. "Ang dugyot mo Ate." nandidiring sabi ko. She looked at me irritably while taking off her socks. She get the towel to dry her hair. "Nakalimutan kong magdala ng payong. Akala ko kasi ay hindi uulan." paliwanag nya. "Daig kita Ate. Pinahiram ako ni Aldwin ng payong. Ayaw na ayaw nya talagang magkasakit ako. Patay na patay sa'kin 'yung kupal na iyon." She stopped from drying her hair. She looked at me in disbelief. "Talaga? Parang hindi naman. Kabaligtaran ang aking nakikita. Ikaw yata ang patay na patay sa kanya." she laugh at her own words. Kahit kailan, panira talaga sya sa mga pagpapantasya ko. Letse! Tutulog na sana ako pero tumunog ang aking cellphone. Dala ng pagkasabik ay chineck ko kung sino ang nagchat. From: Alistair Dwin Austria Nasa bahay kna? Impit ang naging sigaw ko dahil sa kilig. Ate Maxine curiously looked at me as if she wants to know who chatted me. "Si crush." I bit my lower lip. Ibinato nya ang towel sa kung saan. Bigla nya na lamang inagaw ang aking cellphone. Nagpanic kaagad ako nang makita ko na nagtatype sya. "Akin na 'yan Ate. Ako na makikipag-chat sa kanya." natutulirong agaw ko sa phone. "Ako na sis. Ako bahala." pacool na sagot nya. I had no choice but to accept my fate. Wala na akong magagawa dahil hawak na ni Ate ang aking phone. She sat on the bed so I sat down as well. She haven't replying to Aldwin so I'm really bored. I watch her as she was typing something on my phone. First, she changed Aldwin's nickname. Mula sa Alistair Dwin Austria ay naging 'crush' na ang nickname nya with heart emoji pa. "Ate, bulgar na bulgar naman 'yung mga moves mo. Wala pa nga akong balak umamin sa kanya pero isiniwalat mo na agad na crush ko sya." "Hayaan mo na para umusad na ang lovelife mo. Magconfessed ka na sa kanya." pamimilit nya sa'kin. "Ayoko nga, baka dumami ang aking kaibigan." napuno ako ng takot. I'm not ready to confessed to him. Ayoko pang maranasan ang rejection. Chill muna ako, chill muna kami. I prefer us with this kind of bond. Okay na iyong ganito, atleast nag-uusap kaming dalawa. At least nakakasama ko sya. At least, he treat me special. Nagulantang ako nang tumunog ang aking phone. Ang walanghiya kong Ate ay basta na lamang binato iyon. "Tumatawag crush mo." sabi niya. Sinalo ko ito nang may nangangatal na mga kamay. Damn!!! Tinotoo nga nya 'yung sinabi nya na gusto nya akong maka video call. "Ikaw sumagot. Hindi pa ako ready. Salo!" utos ko at saka binato pabalik sa kanya ang phone. She catch it but she eventually throw my phone to me. "Kausapin mo 'yan, aba! Ginusto mong landiin sya kaya panindigan mo ang iyong desisyon." Sinalo ko ulit ang aking cellphone. "Ate, kinakabahan ako. Ikaw na lang sumagot." Same routine ulit ang ginawa namin. Binato ko ang phone at sinalo nya naman ito. "Arte neto. Sige na nga, sasagutin ko na ang tawag." she sigh before she answer the call. [Ah, hello po. Nandyan po ba si Ashley?] I gestured her to say that I was not here. Bumulong ako sa kanya na sabihin na tulog na ako. Ayos na sana ang lahat, paniwalang-paniwala na si Aldwin na wala nga ako rito pero nahagip ako ng camera. "Oh, gising na pala sya e. Kakausapin mo?" tawang-tawa na tanong ni ate kay Aldwin. [Opo sana. Kung pwede.] sagot ni Aldwin. Bumaling si Ate Maxine sa'kin ng tingin. "Sis, kakausapin ka raw. Bwahahaha!" humagalpak ng tawa si Ate. "Bwiset ka. Umamin ka, sinadya mong likutin ang camera para mahagip ako 'no?" nanghuhuling tanong ko pero mahina lamang ito. "No comment sis. Bwahahahaha!" "Putanggala. Lumayas ka. Nandidilim paningin ko sa'yo." binato ko sya ng unan. Binato nya naman ang aking phone sa'kin. Sinalo ko ito at sinagot ang tawag ni Aldwin. Nagbihis na si Ate ng damit pangtulog nya. Umakyat na sya sa kanyang kama upang bigyan ako ng privacy. "Hoy!" I greet him naturally. He was wearing a black hoodie. He was sitting on their sofa. I just noticed that he is very wrapped up right now. I mean, he was wearing a hoodie and then there was also a blanket who was wrapped around his body. Is he cold? Is he sick? Does he have a fever? Aish, why did he keeps on worrying me? "May lagnat ka ba?" hindi ko na kinaya na tanungin lamang ang aking sarili. Nag-aalala na ako sa kanya! "Nilalamig lang ako." nangangaligkig sya sa lamig at umuubo-ubo pa sya. "Sending na 'yung yakap ko Aldwin. Natanggap mo na ba?" paandar ko. "Mm. Ang warm ng iyong yakap. Sarap sa pakiramdam." he smile to me while hugging hisself. Poor him! "Hayaan mo Aldwin, ako mag-aalaga sa'yo bukas if ever na lagnatin ka pero huwag naman sana." mahinang sabi ko. I don't want to disturb my sister's sleep. Natutulog na sya ngayon kaya dapat ay quiet lang ako. "Uhm, oo nga pala. Bukas ko ibabalik 'yung payong mo. Thank you nga pala sa pagpapahiram sa'kin ng payong. Salamuch talaga." nasabi ko na lamang. Wala na akong maisip na topic dahil hindi naman sya pala-salita. I stopped from talking when I saw who was the man standing behind him. Oh my God !! It was his older brother, I'm pretty sure it was his older brother. Ang gwapo nya pala kaysa kay Aldwin. Kapag nagsama ang genes ko at genes nya, sigurado akong ang magiging anak namin ay magiging gwapo at maganda. "Aldwin, may... may..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa kilig. Paano, nakatopless lang 'yung Kuya nya? Busog na busog tuloy ang aking mga mata sa pandesal. "May?" Aldwin asked in a modulated voice. "May gwapo. May gwapo. Ayun sya! Ayun sya." I pointed to his older brother. Aldwin rolled his eyes to me. Para syang babae kung makaasta. Bakit ba nya ako iniirapan e di ko naman sya inaano dyan! "Hi Ms. ganda." the guy who was topless shyly waved his hand to me. Mahihimatay na ako sa kilig dahil binati ako ng Kuya nya. "Oh my God! Oh my God! Hello! Hi!!" hyper na bati ko. "Crush daw ako pero nilalandi nya naman ang Kuya ko. Two timer ang hinayupak." bulong ni Aldwin pero hindi ko na lang sya pinansin. I talked to Aldwin's older brother about various things. Aldwin always rolled his eyes to me but I no longer care. He can do what he wants to do but don't he dare stop me from flirting with his brother. "Kayo na nga lang mag-usap na dalawa. Tutulog na ako." sabi ni Aldwin pero itinuring namin syang hangin. I and his older brother continue to chit chat some various things. "Ang saya mong kausap. Hindi ka boring at ang hyper mo lagi. Accept mo fr ko. Vc tayo next time." sabi ni Aldous, older brother ni Aldwin. Hindi ako nakasagot dahil biglang bumalik si Aldwin. His eyes were so dark as if he wants to kill someone. Pero sino naman at ano ang dahilan? Lumikot ang camera dahil inagaw ni Aldwin ang kanyang phone mula sa kanyang kuya. "Lagot ka sa'kin kapag inaccept mo ang fr ng Kuya ko. Huwag mo akong subukan Ashley Janed Calayag. Maghahalo talaga ang balat sa tinalupan. Tandaan mo iyan." he warned me and then he ended the video call. Napaisip tuloy ako sa sinabi nya. Nagseselos ba sya? Did he like me too? Parehas ba kami ng nararamdaman para sa isa't isa? Seryoso ba sya sa sinabi nya kanina? Nagjojoke ba sya o nantitrip lang? Tumunog ang aking phone kaya't natigil ako sa pag-iisip. I received a message from him. I feel uneasy after reading his message. From: Crush❤ Nilalagnat ako kaya alagaan mo ako bukas. Nasapo ko ang aking noo. Damn! Magiging nurse nya ako bukas? Dapat ba akong matuwa o mailang? ➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡ ツ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD