He tripped

3619 Words
"Siraulo." tinawanan ko na lamang ang sinabi nya pero ang totoo ay kinikilig ako. Potek! Crush ko na nga itong kupal na ito. Napakalakas kasi ng karisma nya. Every girls would wished to be his girlfriend. Kahit ako ay nangangarap na maging nobya nya pero kailangan kong pagtrabahuan ang bagay na iyon. I must do the art of seduction. If ever na hindi gumana ay kikidnapin ko na lamang sya! Chour! Umalis na rin sila ng mga tropa nya. Alam ko na ang pangalan nila dahil classmates namin ang tropa niya. Si Andre 'yung matangkad na maputi. Si Eron naman 'yung pandak pero may itsura pa rin naman. Si Justin iyong payat na may pagkamoreno. Si James naman iyong matangkad na may pagka-moreno rin. May tropa pa si Aldwin at si Zhen iyon. If I will describe him, well... he has a natural curly hair. Inborn yata. Moreno din sya and somehow, he was handsome. Ang last na tropa ni Aldwin ay si Ren. He was a little chubby. Masarap pisilin ang pisngi nya pero magiging rude naman ako kapag ginawa ko iyon. His facial features was perfect and well created. Overall, he was also handsome. Well, lahat naman sila ay gwapo pero para sa akin, si Aldwin ang mas nakakalamang. Gano'n naman kapag crush mo ang isang tao. Magiging maganda ang tingin mo sa kanya kasi nga crush mo sya. Hindi mo pupunahin ang bad side nya kasi nga gusto mo iyong taong iyon. Despite of his imperfections, I was still attracted to him. Sinundan ko lamang sya ng tingin habang umaalis. Gwapo rin naman ang mga tropa nya kaya lang ay hindi ko pa rin type. Lakas amats ako kay Aldwin. Nagkukwentuhan kami habang naglalakad pabalik sa classroom. Nagkukuwento si Joyce Ann kay Irish ng mga happy moments namin noong Grade 7. Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa dahil sinusundan ko pa rin ng tingin ang tropa nila Aldwin. "Hoy, nag-aala giraffe ka na dyan." puna ni Joyce Ann. Hinarangan nya pa talaga ang tinitingnan ko. "Potek! Huwag kang magulo. May tinitingnan ako." iginala ko ang aking paningin upang hanapin sya. Nawala agad si Aldwin sa paningin ko kaya binunton ko ang lahat ng sisi kay Joyce Ann. "Ayan tuloy! Napaka gulo mo kasi! Panira ka!" parang bata na maktol ko. "Ba't ako? Ikaw itong napakabulok maghanap e." natatawang pagdepensa nya sa sarili. "Tch! Bakit mo kasi hinaharangan ang tinitingnan ko? Ayan tuloy, nawala sa paningin ko si Aldwin. Lalandiin ko pa naman iyon. 'Yan! Paano ko na sya lalandiin ngayon?" "Ashley..." "Oh ano?" napapikit ako dahil sa stress. Nag-iisip na rin ako ng strategy kung papaano sya lalandiin. "S-sa likod mo." bakas ang hiya sa boses ni Joyce Ann habang itinuturo ang tao sa likod ko. I slowly looked at the person behind me. I swallowed the lump of my throat while smiling awkwardly. Bumungad sa'kin si Aldwin na nakasandal sa railings ng building namin. Nakangiti pa sya na animo'y enjoy na enjoy sa pakikinig sa'king sinasabi. Umuna na si Joyce Ann sa paglalakad. She pretend that she doesn't know me to exclude herself in this embarassing situation. Si Irish naman ay hindi nahihiya dahil komportable na sya kay Aldwin. However, she still walked away probably to give the two of us some privacy. Nahihiya kong binalingan ng tingin si Aldwin. I realized that it was really hard to flirt with him. Parang nawala ang kakapalan ng mukha ko nang kaharap ko na sya. "Aral muna bago landi ha." sabi nya bago nya ako iniwang tulala. My brow slowly furrowed when I realized what he said. Was he rejecting me? Is that an advice? God! This is so confusing. I don't know what to do. Natulog tuloy ako na may bumabagabag sa'king isipan. Hanggang sa bahay ay dala ko ang isiping iyon. I am very confused kung good idea ba ang landiin sya pero at the end, I still follow what my heart desires. Nilandi ko na nga sya kinabukasan but not in a vulgar way. Chill lang ang paraan ng panlalandi ko sa kanya. Bwahahaha! Kasalukuyan akong nakaupo sa hagdan ng aming building upang abangan ang pagdating nya. Nakahalumbaba ako habang nakatitig sa aking relo. Inaabangan ko ang pagdating nya and at the same time ay nagpapractice na ako kung papaano sya ia-approach. Pinagtitinginan na ako ng mga estudyante rito pero ano namang pakialam nila? "Hoy! Napapaano ka dyan?" epal na tanong ni Joyce Ann. Kararating-rating lamang nya dahil nakasakbit pa ang kanyang bagpack sa kanyang balikat. Bahagya ko syang itinulak pagilid dahil hinaharangan nya ang daan. Some students can't passed by because she was blocking the way. "Kasama ko sila." sabi ni Joyce Ann at saka inakbayan ang babaeng nakasuot ng eye glasses. Oh! I knew her very well but I don't know her name. May mga kasama rin siyang babae na nakasuot ng eyeglasses. Ang isa ay maputi at ang isa ay morena. "Ashley," baling ni Joyce Ann sa'kin. "Si Yeye, Angel, at Mimi." Joyce Ann introduce them. Ako na ang nagpakilala ng sarili ko. Halata naman kasing walang balak si Joyce Ann na ipakilala ako sa kanilang lahat. Upon chit chatting some things ay nakapalagayan ko sila ng loob. Angel was a little noisy so I didnt have a hard time to get along with her. Si Yeye ay may sense din kausap, as well as Mimi. Sa sobrang dami naming napag-usapan ay nakalimutan ko na ang aking pakay kung bakit ako nandirito sa hagdan. Nataranta tuloy ako nang dumating si Aldwin. I was busy staring at her figure. He was so handsome, well, palagi naman. "Hi!" may sariling isip ang kamay ko dahil kusa itong kumaway sa kanya. I swear to God that I looked so f*****g idiot right now. Natawa sina Joyce Ann kaya sinamaan ko sila ng tingin upang sila ay patahimikin. Binalik ko ulit ang tingin ko kay Aldwin. Seryoso lamang syang nakatitig sa'kin. Pakiramdam ko tuloy ay crush nya rin ako. Pakiramdam ko lang naman. Bwahahahaha!! "Good morning!" I greet him energetically. Nagtuloy sya sa paglalakad pero tumigil sya sa tapat ko. Nagwala ang puso ko at parang gusto na nitong lumuwa sa dibdib ko. The fact that we are so close from each other makes my heart fluttered. "Ang aga-aga pero ang landi mo na." he was in a serious tone. Tumayo ako at inayos ko ang aking uniform pati na ang plits ng palda ko. Kakausapin ko sana ulit si Aldwin pero umalis na sya habang umiiling. Tinawanan ako nila Joyce Ann nang makita nila ang nalugi kong ekspresyon. Inismiran ko sila at umuna na akong maglakad patungo sa classroom. I sat on my chair while staring at the black board. My mind are free to go everywhere but it always head in his direction. I can't get him out of my head. The thought of him rejecting me makes my blood boil. Nakakainis dahil wa epek ang pagpapapansin na ginagawa ko. Kung hindi sya makuha sa santong dasalan ay idadaan ko na lang sya sa santong paspasan. Chour! I stretch my head as well as my arms. Our Filipino teacher wasn't already here so everybody were free to do what they like. Ang ilan ay nagkukwentuhan samantalang ang ilan naman ay naglalaro ng killer games. I looked around and then I saw Aldwin who was roaming around the room. Papansin talaga sya dahil dito pa sya dumaan sa harap ko. He was pretending that he did not saw me. He continue to walk, ignoring my stare. I stretch my legs again dahil nangingimi ang mga binti ko. It feels like there's an electricity flowing through the veins of my legs. Inialis ko ang binti ko mula sa pagkakaunat nito. Natatawa kong binalingan ng tingin si Aldwin na ngayon ay iniinda ang sakit ng pagkakasubsob nya sa sahig. He looked at me in pain. Hawak-hawak nya ang kanyang tuhod na sa tingin ko'y lubhang napuruhan. Dumilim ang mga mata nya habang sinisisi ako sa pagkakasubsob nya sa sahig. "Oh? Ano? Bakit ka nakatingin sa'kin? Hindi ko kasalanan na lampa ka. Bwahahahaha!" I laugh so hard while holding my stomach. Mas lalong dumilim ang mga tingin nya. He clench his jaw and I also saw how he clench his fist. "Hindi kita sinisisi pero kailangan mong humingi ng sorry sa'kin." malumanay na sabi niya. Nagtaas ako ng kilay sa kanya, hindi nagustuhan ang kanyang sinasabi. "Ayoko nga. Ikaw itong lalampa-lampa kaya hindi ko kailangang magsorry sa'yo." I did not take down my pride. Aba, sya itong lampa kaya kasalanan nya iyon. "Flatitide ka ghorl?" he smirk while asking. My brow furrowed when I realized that he was tripping me. Sa ngisi pa lang nya ay masasabi ko talaga na ginagago nya ako. "Flat at attitude equals flatitude. Ikaw 'yon. Bwahahahahaha!" mas mahaba pa ang tawa nya kaysa sa tawa ko kanina. "Tawang-tawa?" I asked sarcastically. Humahawak pa rin sya sa tiyan nya habang tumatawa. Natigil lang sya nang dumating na ang Filipino teacher namin. She start to discussed a new lesson so I just listen to her for the sake of my grades. Mapabilang sa with honors ang goal ko this grading at sa mga susunod pang grading. I want to receive a medal at the end of this school year. Natapos rin ang pagdidiskusyon ni Ma'am Cortez. Mabilis lang din na natapos ang lahat ng subjects. Medyo bumagal nga lamang ang pagtakbo ng oras sa Math dahil doon ako nahihirapan na subject. But still, I successfully finished all my class. Ngayon ay uuwi na ako sa bahay para matulog at para pumasok ulit bukas sa school. Nagbihis lang ako ng pink satin panjamas at pink satin longsleeve. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko dahil tutulog na rin naman ako. Naabutan ko si Ate na humihilik na kaya tahimik lang akong nag-ayos ng bedsheet ng aking kama. She was probably tired in her school. I was about to sleep but I remember to log in to my social media accounts. Dahil doon ay kinuha ko ang cellphone ko at naglog-in ako sa aking f*******: account. I quickly search his name. 'Alistair Dwin Austria' I pressed the search button to find out his account. I want to stalk his pictures and at the same time, I want to send a friend request to him. Napangiti ako nang makita ko ang kanyang profile picture. Nakatayo sya roon suot ang kulay itim na stripes na damit. Nakasakbit ang itim na bagpack sa parehas niyang balikat. Medyo mataba ang kanyang cheek pero gwapo pa rin. It was like a sunkissed shot pero kaunting sikat lang ng araw ang tumatama sa kanyang mukha. Aksidente kong napindot ang like button sa kanyang dp. Nagpanic kaagad ako nang mapagtanto ko na baka lumabas ang pangalan ko sa kanyang notification. Pero lalabas pa rin kaya ang pangalan ko sa notif nya? Hindi naman kami friend sa fb... ngayon pa lang mangyayari iyon dahil magsesend na ako ng fr. I was just chilling while waiting for his name to pop up in my notification. I was really hoping that he will accept my friend request. Nagtingin-tingin ako ng ibang mga pictures nya. Ang cover photo nya ay nakasuot sya ng kulay puting damit. Penshoppe pa ang brand ng t-shirt na kanyang suot. He was wearing a shorts above the knee. Nagmukha tuloy syang sexy sa paningin ko dahil ang igsi ng suot nya sa pang-ibaba. Malayo ang camera sa kanya kaya nakuhaan ang buong view. Nasa mataas syang lugar pero nasisiguro ko na hindi iyon bundok. Nahahighlight ang mga puno at asul na kalangitan sa cover photo nya. I intentionally pressed the like button to make him notice me. Way ko na rin ito para ipaalam sa kanya na like ko sya. I scroll down pero nagsawa na rin ako dahil puro tungkol sa basketball ang mga sharedpost nya. Infairness, he wants to be a basketball player. Ang swerte ko pala kapag naging boyfriend ko sya. Hihi. I'll go cheer him when he was playing. Ako magpupunas ng pawis nya at sisigaw ako sa 'twing makaka-shoot sya. Kapag naman nakashoot sya ay titingin sya sa gawi ko na para bang sa'kin nya ang inaalay ang puntos na iyon. Hihi. Sige imagine pa! Tangina! Pero teka, sya pala ang swerte kasi marami syang pakinabang sa'kin. Luge pa pala ako. Hays! Biglaan akong napabangon nang makita ko ang pangalan nya sa'king notification. Finally, he accepted my friend request. Now that we are friends in f*******:, then it was the time to chat him. Wala ng hiya-hiya ito. Todo na! To: Alistair Dwin Austria Hi! Tulog ka na? Tumingala ako, umaasang magchachat sya sa'kin. Ibinalik ko na rin ang tingin ko sa hawak kong cellphone. I bit my lower lip from smiling when I saw that he was typing. From: Alistair Dwin Austria D pa Napasimangot ako nang mabasa ang kanyang chat. Napakaikli nya namang sumagot pero hindi pa rin ako susuko. Lalandiin ko pa rin sya kahit sa chat lang. To: Alistair Dwin Austria Ako rin, hindi pa ako inaantok. Gusto mo munang maglibang? Tara, laro! Duo tayo sa ml! Gusto kong pawiin ang mensaheng naipadala ko pero huli na ang lahat, na-seen na nya. Nagtaklob ako ng unan, hiyang-hiya na talaga. I don't know how to play mobile legends! Kusa na lang tinype ng mga daliri ko ang salitang iyon. From: Alistair Dwin Austria ge tara I let out a sigh and then I download a mobile legends application in my phone. Hindi naman ito ang gusto kong mangyari pero kailangan kong tanggapin ang aking kapalaran. Iisipin ko na lang na nagde-date kami sa battle field kahit hindi naman talaga. Aldwin taught me na si Layla ang piliin kong hero dahil magaling daw iyon. I just followed what he ordered tutal ay eksperto naman sya sa larong ito. Master na nga rank nya e! Magaling talaga! Kinabahan agad ako nang malaman ko na sina Andre at Justin ang kalaban namin. Tropa pa iyon ni Aldwin kaya nakakahiya kapag nalaman nila na bulok akong maglaro ng ml. Plus the fact na una akong nag-aya ng laro kaya nakakahiya na talaga. Now, I regret inviting him to play a duo game with me. Mahirap pala talagang lumandi. Nagsimula na ang laban. Hindi ko alam kung ano ang aking pipindutin kaya kung ano-ano na lang ang pinipindot ko. Bantay-kulangot lang ako sa base namin. Salamat naman dahil hindi nagpupush sila Andre at Justin ng aming turret. I was also thankful dahil hindi nila kinakalaban ang aming lord. Nakakapatay naman ako ng crips pero napapatay din nila ako. Palagi akong bawasan samantalang si Aldwin ay punong-puno pa ang buhay. Mag-isa nyang hinaharap sina Andre at Justin. Hay! Napakagaling niyang maglaro! Sampung beses na akong namamatay samantalang sya ay isang beses pa lamang. Nadagdagan tuloy ng two percent ang pagkagusto ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi'y magaling sya sa lahat ng bagay. Napuno na ulit ang buhay ko kaya nagdesisyon ako na sugurin ang kalaban. Mamatay na kung mamatay basta ayaw ko ng maging bantay sa aming base. In any way, I want to help Aldwin to kill our enemy. Kawawa naman sya, panigurado ngayon ay nagsisisi sya na kinalaro nya ako. Napakabulok ko kasi e! Mababawasan pa tuloy credits nya dahil sa'kin. Nakikipagsabayan na ako sa kanila. I attack them using my super skill. Nag ss ako kahit hindi naman ako marunong. Binilisan ko lang ang pagpindot sa mga controls and to my surprise, napatay ko si Aldous which is gamit ni Andre. And oh, I also kill Zilong na gamit ni Justin. OMG!! Double kill!!! I just killed the two of them! Achievement na 'yon for me. Bawasan na ako pero ayos lang, ang mahalaga ay napatay ko silang dalawa bago ako mamatay. Halos mabitawan ko ang aking phone nang marinig ko ang boses ni Aldwin. Voice chat iyon dahil nakaturn-on ang kanyang microphone. [Galing! Ayos!! Double kill ka! Oo nga pala, magrestart ka para mapuno ulit buhay mo. Well, going back, ang galing mo.] nakarinig ako ng palakpak sa kabilang linya. Itinurn-off na nya ang kanyang microphone dahil nabuhay na ulit 'yung dalawa. The game start again. Nakapagrestart na ako kaya puno na ulit ang buhay ko. Ginanahan akong maglaro nang marinig ko ang komplimento nya sa'kin. Tuloy ay nadestroy ko ang tatlong turret nila Andre. Not bad, at least may cooperation ako kahit papaano. Malapit ng maubos ang oras kaya sinugod ko na silang dalawa. Si Justin ay nagtatago lamang sa likod ng d**o. Bawasan na sya kaya magrerestart sya pero dahil sa nakita ko sya ay ginamitan ko agad sya ng aking ss. Gusto ko na talaga syang patayin para ideclare na kaming dalawa ni Aldwin ang winner. Ginamitan ako ni Andre ng ss kaya nabawasan ang buhay ko. Sinubukan kong tumakbo upang kahit papaano ay makatakas sa kanyang mga kamay. Eksakto namang pagdating ni Alucard, ginagamit na hero ni Aldwin kaya tumago ako sa likod nya. However, talagang may galit sa'kin si Andre dahil ako ang gusto nyang patayin. [Brad, huwag mong patayin si Ashley. Ako na lang patayin mo.] boses ulit ni Aldwin. I suddenly felt some butterflies teasing my stomach. Para kasing ang dating ng sinabi nya ay huwag akong sasaktan e! Oo na! Assuming na nga ako pero iyon talaga ang makatotohanan na katuwiran doon e. Hindi naman kaya may gusto rin sa'kin si Aldwin kaya sya pumayag na maka duo ako sa ml? Pero baka naman no choice sya kung hindi ang kalaruin ako dahil gabi na? Pinutol ko na ang aking sariling isipin. Natapos na rin ang aming laro. Panalo kami ni Aldwin pero hindi ako masaya ngayon. Hindi na kasi naulit ang voice chat nya sa'kin. Maglalog out na sana ako sa'king messenger nang biglang tumunog ito. From: Alistair Dwin Austria gnight sweet dreams I cover my mouth using my hands to stop my self from shouting. Baka magising ko si Ate kaya sinarili ko ang kilig na'king nararamdaman. Nagmessage sya sa'kin as if we were cold to each other. Although it was a short message but it has still a big impact to me. Pakiramdam ko talaga'y crush nya rin ako! Malakas talaga ang kutob ko na sya ang nakatadhana para sa'kin. Well, sana nga. Cupid, sana'y panain mo ang kanyang puso upang magustuhan nya rin ako. "See you on Monday." paalam ni Sir Alcaraz, Math teacher namin. Nagpaalam din kami sa kanya at nagligpit na ako ng aking gamit. Deretso uwi kaagad ako sa bahay upang makapagpahinga na ako. Days flies so damn fast. Weekend na naman so I'm kind'a sad dahil hindi ko sya makikita. On the other hand, I was happy because we have a break in academics. Napahinga ko rin ang utak ko sa numero. Saturday and Sunday is not really my rest day. Kahit nasa bahay ay napapagod pa rin ako. I do a lot of household chores. I sweep the backyard, wash the dishes, sweep the floor, and hang the clothes. I almost did all of the household chores samantalang si Ate ay señoritang-señorita. Aba! Unfair naman iyon! Walang equality sina Mama. "Ate, mamalantsa ka na. Idamay mo na rin ang uniform ko." sabi ko. Sunday na ngayon kaya namamalantsa na kami. Tomorrow is Monday so we have classes. "Para saan ang mga kamay mo kung hindi mo iyan gagamitin?" sarkastikong tanong niya. Alam na alam ko na agad na tatanggi sya sa'king utos. "Isusumbong kita kay Mama kapag hindi mo ako ipinamalantsa." pananakot ko. Sandali nyang inalis ang kanyang tingin sa kabayo. She looked at me playfully. "Hindi uubra 'yan. Ako ang batas dito sa bahay. Hindi si Mama, hindi si Papa, at mas lalong hindi ikaw kung hindi ako. Kaya huwag mo akong tatakutin little sis." mahinang tawa nya. Wala tuloy akong nagawa kung hindi mamalantsa ng sarili kong uniform. Letseng buhay 'to. Porke't sya ang Ate ay sya na ang batas! Unfair talaga! Kinabukasan ay ang sama ng gising ko. Hindi ko na sinubukan na landiin si Aldwin dahil badtrip ako ngayon. I arrived so early at school so I take the remaining time to sleep. I'm so sleepy dahil magdamag kong hinintay ang chat ni Aldwin. Kung hindi ba naman ako ulaga? Psh! Umub-ob ako sa'king armchair. Nararamdaman ko ang aking sarili na humihilik na dahil nga inaantok ako. Ibinaling ko ang aking ulo nang makaramdam ng ngalay. Napabangon ako bigla nang makita ko si Aldwin na nakangiti sa'kin. Sa halip na ngitian sya ay inismiran ko na lamang sya. "Good morning. Nandyaan na si Ma'am. Kanina ka pa tulog. Hindi ka na nahiya." disappointed na sabi nya. Nakaramdam naman ako ng hiya nang mapagtanto ko na ang lahat ay nakatayo na. "Ikaw daw maglilead ng prayer." Aldwin informed me. "Tangina. Bakit ako? Hindi ako handa. Kinakabahan ako." bulong ko sa kanya. I smiled to Ma'am Cortez who was patiently waiting to me. Tumingin ako kay Aldwin upang mustrahan sya na sya na ang maglead ng prayer. Nagkagat-labi ako dahil hindi ko sya makuha sa tingin. Sinenyasan nya lamang ako na pumunta na sa unahan. "Kinakabahan ako. Tangina." pagsiko ko kay Aldwin. "Ganyan talaga mararamdaman mo kasi demonyo ka..." nang-iinis na sabi nya dahilan para kumunot ang aking noo. "pero hindi naman halata na may lahi kang demonyo kasi mukha kang anghel." bawing sabi nya kaya't nagdiriwang na ang mga paru-paro sa aking tiyan. ➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡ ツ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD