First day of school

3751 Words
"I hope, we can all be friends." Nakapangalumbaba lang ako habang nakikinig isa-isa sa introduction ng mga kaklase ko. Halos lahat ng kaklase ko ngayon ay kilala ko na. Sila rin 'yung kaklase ko noong Grade 7. English ang subject namin ngayon so technically, we need to introduced ourselves in English language. I already introduced myself to all of them. Now, I'm here, sitting comfortably on my armchair. Bored na bored na ako pero kailangan ko pa ring makinig sa mga sinasabi nila. "Good morning everyone.." a guy scratch the back of his head, mukhang nahihiya sya. Umayos ako ng upo upang tingnan ang kabuuan nya. Nagcross legs ako habang tinititigan sya. His hair was perfectly fixed. He was small but somehow, he was taller than me. I'm not sure about it. Sige, tatanong ko mamaya kung ano ang height nya para makasigurado tayo. "My name is Alistair Dwin Austria..." he smile shyly. Bagong salta lamang sya. First time nya yatang mapabilang sa pilot class. Hindi na ako nakaramdam ng pagkabagot nang marinig ko ang boses nya. Hearing his voice makes me alive. I mean, his voice was energetic but I can feel that he was nervous. Nahihiya siguro sya. Why is he being shy, by the way? "You can call me Aldwin. I'm 13 years old. I'm a shy type person so I hope that we can all get along. I'm expecting everyone to treat me nice. I hope that I can be your friend. That's all about me, thank you." he smile so bright but he was still shy. My classmates smile for his introduction. Ako, naiwan akong nakatulala. Nanatiling nasa kanya ang aking tingin. "More than friends sana." I said to myself in a modulated voice. He smile to me playfully as if I said something funny. Oh wait, what did I just said?! More than friends?! Iyon ba ang sinabi ko?! f**k!!! Walang halong biro, iyon nga ang nasabi ko!! Naglakad sya papunta sa upuan nya pero tumigil sya mismo sa harap ko. "Crush mo ba ako?" he smirk that's why I thought that he likes flirting with me. Nagkagat labi ako habang paulit-ulit na sinasabi sa'king isip ang tanong na ibinabato nya sa'kin. Nakakunot na ang noo ko dahil napakastraight forward ng taong kaharap ko. I took a quick glance to Sir Jonathan, english teacher namin. Lumabas pala sya saglit dahil may kausap yata sya sa phone. Head yata iyon ng English department. "Ano sa tingin mo?" balik na tanong ko. Hindi ko rin kasi alam kung crush ko rin sya. Nagwapuhan lang naman ako sa kanya, crush na bang matatawag 'yon? Dumating na rin si Sir Jonathan kaya hindi nagkaroon si Aldwin ng pagkakataon na sagutin ako. Nyetang timing, sarap sapakin! Sir Jonathan start to open up a new lesson in English for the first grading. We all listen to him just because I'm afraid that I will got scolded by him. Mukha pa naman syang strikto. Katakot kapag napagalitan o napuna ka nya. Saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag nang magsulat na sya sa board. I get my notebook from my bag to write the lectures that he was copying. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa pisara at sa kwaderno. I stopped from writing when someone call my name. "Ashley right?" she asked, whispering. She has a good facial features. She was very healthy. Her face was chubby but she was still pretty. "Ashley Janed Calayag. 13 years of age. Sophomore student." inilahad ko ang kanan kong kamay. "Irish." she shortly answered and we do the shakehands. Katabi ko lamang sya pero hindi muna ako nakipagkwentuhan. I'm still shy to do the first move. Bumalik ako sa pagsusulat. I eventually stopped when someone call my name again. Sumisitsit sya kaya ako'y nairita. Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses na iyon. Umirap na lamang ako dahil mukhang pinagkakatuwaan lang ako ng mga kaklase ko. Pagtingin ko sa armchair ko ay may nakita akong kapirasong papel na nakasingit sa'king notebook. I look around to figured out who was the person behind this trip! Napansin ni Irish na tinititigan nya ako kaya tumingin sya sa'kin pabalik. Itinuro ko na lamang ang papel na nakasingit sa gitnang pahina ng aking notebook. Mukhang naintindihan nya ang aking tanong dahil sumagot sya sa'kin pabalik. She didn't utter any single word. Ininguso nya lang ang inuupuan ng mga lalaki naming kaklase. Nakita ko roon si Aldwin na ngumingiti sa'kin. Namangha ako dahil nagsusulat pa rin sya kahit pa sa'kin sya nakatingin. He gestured me to looked what's written in the piece of paper. Inalis ko ang kanyang tingin sa kanya. Binuklat ko ang papel at binasa ang kung anong nakasulat doon. 'Sa tingin ko crush din kita.' Napangiti ako habang binubuklat ang isa pang page ng one fourth ko. I can't stop myself from smiling because his handwriting is very neat. Napakaganda nyang magsulat. Damn! Crush ko na ba itong kupal na ito? 'Izza prank! Better luck next time!' Halos lukutin ko na ang papel na hawak ko. I looked at Aldwin for a while to show to him that I'm really pissed. Ang hinayupak, tumatawa pa imbis na makisimpatya sa nararamdaman ko. "Ang ganda ng prank mo!!! Letse ka!!! Makatapak ka sana ng tae sa pag-uwe!!!" I shouted when our class finished. Matagal kong kinimkim ang lahat ng inis na'king nararamdaman. Nang matapos ang klase namin sa mga major subjects ko ay saka ko pa lamang sya kinompronta. I immediately leave him there when I realized na gusto nya lamang akong asarin. I was about to leave the classroom when someone called my name! Again! "Cleaner ka ngayon ghorl!" sabi noong babae na nakasuot ng eye glasses. Humigpit ang hawak ko sa strap ng bagpack ko. Pansamantala kong inilagay ang bagpack ko sa ibabaw ng aking armchair. "Lagot. May plano ka pang tumakas ha? Hule ka ngayon!" epal na sabi ni Aldwin. Inirapan ko na lamang sya dahil binubwisit nya ako! Close ba kami para kausapin nya ako? Tss! I went to the cabinet to get some cleaning materials specifically broom and dustpan. Walis tingting na lamang ang natira kaya ito na lang ang aking kinuha. Pwede na siguro 'tong pangtanggal ng agiw ng kisame. Ayoko kasing magfloorwax o kaya ay magwalis kaya ito na lang ang gagawin ko. I pulled the monoblock chair na inuupuan ni Aldwin. Sinadya ko talagang gawin iyon para magpapansin sa kanya. "Ang daming upuan dyan oyy! Bakit 'yung inuupuan ko pa ang gusto mong kuhanin?" nagmamaktol na tanong nya. Pinanlakihan ko sya ng mga mata, inis na inis na talaga. Napapabuntong hininga sya habang tumatayo. Hindi pa talaga sya nakuntento dahil pinaparinggan nya pa ako. "Papansin ka talaga." umirap sya sa'kin na parang isang babae. Nagkunwari ako na hindi ko sya narinig. How dare he talk to me like that?! We're not even that close!! How rude of him! Hinila ko ang monoblock chair para makapag-kalis ako ng mga agiw sa kisame. I start to balance myself on top of the white monoblock chair. Kinailangan kong tumiad dahil hindi ko maabot ang kisame. Nanatiling nasa taas ang aking tingin. Tutok na tutok ako sa aking ginagawa. Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na tinitingnan ako ni Aldwin pero hindi ko na lang sya pinansin. I enjoyed cleaning the ceiling not until I lose my balance causing me to fell on top of... him. He catch me because we ended up in this position, me on top of him while he was below me. Both of my hands were placed in his shoulder while his hands were placed in my waist. This situation serve as my opportunity to examined his face. His eyes were mesmerizing deep and catastrophic. His eyebrow was so dark but it was not that really thick. His dark eyebrow sloped downwards in a serious expression. His skintone was tanned. He has a prominent cheekbones and a well-defined chin. He had a high bridged and pointed nose. His pinkish lips was so ripe in kissing. I wanted to touch it but I decided not to do so. His sharp jaw was angular in shape that's why he looked more devilishly handsome. His facial features were so alluring as if God do everything he can to come up with this perfect facial features. "Unang araw pa lang minahal na kita..." Wala sa sarili akong napatayo dahil sa biglaang pagkanta ng mga kaklase ko. Inayos ko ang suot kong uniform at ang plits ng aking palda. Wala sa sarili kong tinali ang ribbon ng uniform ko. Ni hindi ko magawang tumingin ng diretso kay Aldwin. Nasa baba lamang ang aking tingin. "Ah.. nafall.. sinalo ko lang." putol-putol na sagot ni Aldwin, mukhang nahihiya rin sya. "Sana all sinasalo kapag nafofall!!!" sigaw ng isang babae na nakasuot ng eyeglasses. "Angel, ang ingay mo! Magwalis ka na nga lang dyan!" sabi sa kanya ng isang babae na may suot din ng eyeglasses. "Oo na Yeye! Eto na nga magwawalis na!" sigaw nito sa babaeng kausap. Nagtataka kong binalingan ang lalaking katabi ko. Mukha namang hindi sya cleaners kaya ano pang ginagawa nya rito?! Ano sya, supervisor?! Pinapanood nya lamang kaming maglinis! Napakatamad naman niya. He noticed that I'm staring at him so he shot his brow to me. "Huwag mo akong titigan." naiilang na sabi nya. "Bakit? Nafofall ka ba sa'kin?" ngumisi ako. I did not really mean what I say. Gusto ko lang talaga syang asarin. "Medyo." he chuckled. Kinuha na nya ang bagpack nya at nilisan na nya ang silid-aralan. I watched him as he was walking away from me. Naiwan ang labi ko na nakaawang, naguguluhan sa kanyang sinabi. Anong klaseng sagot ba iyon? Nakakabobo ampotek! Pwede nya namang sabihin na 'oo, crush kita' o pwede rin namang 'I think I like you' para malinaw pero hindi e... pinagulo nya lamang ang sitwasyon. Hanggang sa'king pagtulog ay naaalala ko pa rin ang kanyang isinagot sa'kin. Medyo?! Ang ibig bang sabihin noon ay crush nya ako?! Siguro, baka, pwede... oo yata, crush nya ata ako! Hays!! Ewan!!! "f**k!!!" I cursed dahil gulong-gulo na ang utak ko. Nagkanda buhol-buhol na ang brain cells ko kakaisip sa sagot nya. "Woy! Napapa'no ka?" rinig kong tanong ni Ate Maxine. We share one room and we also share the bed. Double deck ang kama na aming hinihigaan. She slept in the upper part while I slept in the lower part. "Woy!" she called again causing me to get back on my senses. "Nababaliw na ako." sagot ko sa kanya habang hinihilot ang aking sentido. "Matagal na sis. Ngayon mo lang nalaman? Bwahahahahaha." malakas na tawa ni Ate Maxine. Good thing is sound proof itong kwarto namin kaya hindi maririnig nila Mama ang aming mga boses. I throw my pillow to her. Bumalik din naman ito agad sa'kin dahil binato nya rin ako pabalik. "Matulog ka na sis. Maaga ka pa bukas." she reminded. This time, she became serious. Pinaiiral na nya ang pagiging Ate nya. "Mm. Good night Ate." I said to her but she didn't answer me. Natutulog na siguro sya. I decided to close my eyes to fall asleep. I have my class tomorrow so I need to wake up early. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may pasok ako ngayon. I wear my skirt na lagpas tuhod ang haba. Kulay itim at puti ang kulay ng aking palda. Stripe ang design no'n tapos lima lamang ang plits. Next, I wear my sando and then uniform. Kinuha ko na ang ribbon ko and then I tied it. Lastly I get my I.D. and then I wore it. Kinuha ko ang medyas ko at isinuot iyon. I also wear my black shiny shoes. Nahiya ang black shoes ko noong nakaraang taon dahil sa sobrang kintab ng sapatos ko ngayon. Well, that was a year ago. Bago na ang black shoes ko dahil panibagong taon na naman ito. I let out a sigh after I ready myself to school. Heto na, isang taon na naman ang bubunuin ko sa pag-aaral sa paaralang Recto Memorial National High School. This is will be the second day of my life as an grade 8 highschool student. Wish me luck guys. Chour! "Good morning Ashley." a voice of a guy greet me right after I enter the classroom. Oh, it was Jake pala. He was my friend. He was also my classmate when I was a first year highschool student. I was close to him among of the boys in our class. I was very comfortable when I am with him. We share the same interest and habits. That was probably the reason why I find myself happy everytime I am with him. "Oy, good morning din." I greet back and gave my sweetest smile to him. Inilagay ko na ang aking bag sa'king armchair. Si Irish ang seatmate ko. I wasn't that noisy when I am with her because I'm still shy. Second day of school pa lang kasi. Kumuha ako ng tambo sa cleaning cabinet namin. We are assigned to clean the stairs of our class building. We will just sweep it to remove the dirt of the stairs. Napakagabok kasi noon dahil maraming estudyante ang dumaraan sa hagdanan na iyon. Wala na kasing alternative stairs kung hindi ito lamang. Pakanta-kanta akong naglakad papunta sa hagdanan. Hawak ko ang dustpan sa kanan kong kamay samantalang ang walis tambo sa kaliwa kong kamay. Tumambad sa'kin ang isang babae na nauna ng nagwawalis. She was sweeping the third steps of the stair. Nakatalikod sya sa'kin kaya hindi ko sya makilala. I walk near her to stopped her from sweeping the steps of the stairs. "Ako na ang magtutuloy." I volunteered. Tumigil sya sa pagwawalis. Pansamantala nyang itinigil ang ginagawa upang tumingin sa'kin saglit. "Ako na Ashley." Joyce Ann insist. Kilala ko na rin sya because were classmates when we were in Grade 7. Joyce Ann and I were same in height. She wasn't that tall pero hindi mo rin naman masasabi na sya'y pandak. Sakto lang ang height nya. Her features was perfectly molded. Her eyes were captivating, her high brige nose was so alluring and her lips was so perfect in kissing. I did not mind what she said to me. Nagwalis ako dahil responsibility namin na linisin ang area na ito. I was focused on what I am doing pero nadistract din ako kaagad sa bibong pagsigaw ng kung sino. "Sipag!" someone complimented. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin and to my surprise, Aldwin was standing infront of me. Isang strap lang ng bagpack ang sakbit nya sa kanyang balikat. Hindi ko alam pero nagwapuhan ako sa postura nyang iyon. I just find him hot and somehow, cool. "Thank you." I answered so fast while smiling from my eyes. "Hindi ikaw. Si Joyce Ann. Haha." baritonong tawa nya. I bit my lip to stop myself from hitting him. This guy infront of me was so annoying. Pasalamat sya't gwapo sya. Kung nagkataon na pangit sya ay baka kanina ko pa sya dyan nahampas. Nagpasalamat si Joyce Ann sa komplimento ni Aldwin sa kanya. She took a quick glance to me as if she wants to know if I am alright. Dinakot ko na ang aming nawalis na mga basura. Itinapon ko iyon sa basurahan at ibinalik ko na rin ang dustpan at walis tambo sa cleaning cabinet. Ilang saglit lang ay dumating na ang aming Filipino teacher. Panitikan ang pinakaunang aralin na aming tatalakayin. Nagtatanong si Ma'am Cortez pero hindi ako sumasagot. Bahala na sila dyang sumagot para sa recitation. Basta ako, sa writing outputs ako mas nagfofocused. Natapos ang time ng Filipino na hindi man lamang ako nakatayo para sumagot. I just want to listen rather than to answer in her question. Baka mamaya mali pa ang sagot ko tapos pagtawanan nila ako. Pagkalabas ni Ma'am Cortez ay sya namang pagdating ni Ma'am Chaves. She was our history teacher. Nagpahalumbaba ako habang nakikinig sa mga lessons na sinasabi nya. Namangha ako sa paraan nya ng pagtuturo sa'min. She was just sharing her knowledge about the certain topic. Chill lang sya magturo and hindi ako nabobore. Sometimes, she was telling some jokes para maging energetic ang buong klase. She didn't read the lesson on the book, I can say that the words was already store in her brain. I mean, she was very creative when it comes in teaching her handle class. Di sya gumagamit ng power point or kahit anong learning materials. Sinusulat nya lamang ang key words sa black board pero binibigkas nya sa'min ang meaning. Natapos ang AP time na hindi sya nagtatawag ng mga name ng student para sagutin ang tanong nya. She was literally my ideal teacher. She puts no pressure to us. Iyon kaagad ang nagustuhan ko sa kanya. My favorite time came and that was recess time. Iyon ang pinakagusto kong oras dahil nakakapagtakaw ako. Kasa-kasama ko si Joyce Ann and si Irish. Friend na ni Joyce Ann si Irish so automatically, I consider her as my friend. Hindi pa nga lang kami madaldal sa isa't isa because it was still awkward. Nagpunta kami sa likod ng campus. Tinawag itong likod because it was located at the back of the campus. Many vendors sell different foods that we can't buy in the canteen. I bought some candies because I like to eat some sweets. I also bought turon so that I can feed my small and large intestine. Bumili na rin ako ng palamig upang may panulak habang kinakain ko ang turon. Joyce Ann and Irish bought the same as mine. Gaya-gaya ang mga hinayupak e. Chour. Haha. We looked for a vacant seat para umupo. We spend our time eating our foods. In the middle of eating our foods ay nagbukas si Irish ng topic. Nagulat pa ako dahil nakakapagsalita pala sya. Chour. Just kidding. Bwahaha. I thought that she can't speak dahil napakahinhin nyang kumilos. Mukha syang hindi makabasag pinggan. Idagdag mk na rin ang maamo nyang mukha kaya inakala ko na tahimik syang tao. "Pilot kayo dati?" she curiously asked. "Oo." I answered proudly. "Oy, 'wag kang magyabang. Haha." suway sa'kin ni Joyce Ann habang ngumunguya. "Mahirap sa pilot class?" muling tanong nya. "Hmm... hindi naman. Pinepressure ka nga lang ng mga subject teachers mo and marami silang expectations kasi nga pilot class kayo. They will think that pilot students weren't having a hard time pero pucha, we are struggling. Napakahirap mapabilang sa pilot class. Para kang tinotorture." I can still remember how I overcome the stage of depression. Puta, muntik na... muntik na akong tumalon sa double deck naming kama. Bwahahahahaha! Nakatanggap ako ng batok mula kay Joyce Ann kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Huwag mong takutin, gaga. Baka magpalipat 'yan sa ordinary section." nakokonsumeng suway ni Joyce Ann. Tumigil na ako sa pananakot sa kanya kahit na hindi ko intensyon na takutin sya. Nagsasabi lang naman ako at nagkukwento based sa experienced ko noong Grade 7. "Pero eto real talk, mahirap mapabilang sa pilot class pero masaya naman at tiyak na mag-eenjoy ka." bawing sabi ko dahil mukhang may balak nga syang magpalipat sa ordinary section dahil sa sinabi ko kanina. She sipped in her lemonaide and she slowly chew her food. Nilunok nya ito bago nagsalita ulit. "Pansin ko lang, mukhang famous ka ah. Halos lahat ng kaklase natin ay kilala mo." puna nya. "Ah, naku. Hindi ah." humble na sabi ko habang kunwaring nagpapaspas ng langaw. "Kilala ko mga classmates natin ngayon dahil classmates ko na rin sila noon. Ang ilan ay hindi ko kilala dahil mga bagong salta lamang sila." sabi ko. "Oo nga 'no? Ang daming bagong salta ngayon. Sino-sino nga sa kanila 'yung mga kilala ko na? Hmmm..." kunwaring nag-iisip si Joyce Ann pero wala naman syang isip. Utak lang meron. Chour. Jowk! Bwahahahahaha. "Aha! Alam ko na, si Aldwin." nagpalagutok sya ng daliri. "Ah, iyon ba? Kaklase ko sya noong Grade 7 kami. Loko-loko iyong kupal na 'yon pero hindi ko maitatanggi na sya'y gwapo." Irish said a matter of factly. "Gwapo? Ano sa tingin mo Ashley? Gwapo ba si Aldwin para sa'yo?" Joyce Ann wants to hear my opinion. "Ha?" nagulat ako sa tanong nya. Napainom tuloy ako sa'king lemonaide ng wala sa oras. Joyce Ann repeated the same question while smirking. I lick my lower lip while thinking of an answer. "Ahh.. may.. may itsura sya." kinuha ko ulit ang lemonaide at ininom ko iyon ng hindi man lamang tinitingnan. " 'Yun naman pala e. Kung ganoon, bakit hindi mo jowain si Aldwin?" "Si Aldwin? Jojowain ko? Haha!" natawa ako sa sarili kong tanong. "Huwag na lang uy! Sakit lamang sya sa ulo. Matik na sya'y babaero dahil sya'y gwapo." nai-stressed na sagot ko. Matapos kong sagutin ang tanong ni Joyce Ann ay biglang tumahimik ang paligid. It was like there's an angel passed by. O di kaya naman ay ang taong pinag-uusapan namin ay nandirito na sa'king harapan. "f**k!" mura ko sa'king sarili habang kagat-kagat ang aking labi. Aldwin was here together with his friends. Mga bagong salta rin ang mga boys dahil hindi sila pamilyar sa'kin. "Iba ako sa kanila." he was so dead serious. Wait, did he f*****g heard what I say? Well, sigurado iyon. Kaya nga nya ipinaglalaban ang sarili nya. "Scam ka. Well sorry ka, iba rin ako sa kanila. Hindi ako tanga kagaya nila." hindi ko rin alam kung ano ang pinaglalaban ko. His eyebrow formed a most serious expression. He clench his jaw as a sign that he was starting to get mad at me. Wait, nainsulto ba sya sa sinabi ko na babaero sya? "Sinabi kong iba ako sa kanila!" he repeated while darting his serious eyes to me. Tinitingnan lamang sya ng mga tropa nya. Ang ilang tropa nya ay naglalaro ng mobile game sa kanilang phone samantalang ang iba ay kumakain ng kanilang biniling pagkain. "Maniwala ka, iba talaga ako sa kanila. For example, kapag sinabi kong mahal kita... ibig sabihin noon ay ikaw lamang, wala ng iba." a smile slowly crept in his face as if he really meant what he said. ➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡ ツ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD