MADALING araw ay nagising akong yakap-yakap pa rin si Carlos. Iminulat ko ang aking mata at saka tumingin sa kaniya na sobrang lalim pa rin ng tulog at mukhang pagod. Unti-unti akong gumalaw para sana kumalas na sa pagkakayakap nguni't bigla na lang sumimangot ang kaniyang maamong mukha at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Wala akong nagawa kundi ang hayaan na lang siya at saka muling ipinikit ang aking mga mata. Kinabukasan, pagkagising ko ng umaga ay wala na si Carlos sa tabi ko. Gumapang ang aking kamay nguni't hindi ko na siya mahanap sa buong kuwarto. Sinubukan kong lumabas ng kuwarto at naabutan ko siya sa kusina habang abala sa pagtingin sa isang video para sundin ito habang nagluluto. Nakaramdam ako ng ibayong kilig habang suot-suot niya ang apron ko at m

