CHAPTER 09

2434 Words
SANDALI kaming nakipagtitigan sa isa't isa. Sinubukan ko na labanan ang mga titig niya sa akin ngunit hindi ko kinaya kaya ako ang unang bumitaw. Nakapamulsa siya habang nakasandal ang kaniyang balikat sa may tarangkahan. "Ano na naman ang ginawa mo?" ang kaswal niyang tanong sa akin. "Wala akong ginagawang masama, Carlos." "Anong wala? Bakit mo sinabunutan si Queenery? Ganyan ka na ba talaga?" ang bulyaw niya sa akin. "Siya 'yung nauna para sabunutan ako at alam ko sa sarili kong wala akong kasalanan," ang pagtatanggol ko. "At pinatulan mo naman? Hindi ka na nag-isip. Napakalaki mong kahihiyan alam mo ba 'yon?" ang tanong ulit niya. Pilit kong tinatanggap ang mga paratang niya sa akin kahit hindi naman totoo. "Hindi ko siya pinatulan dahil si Sophia ang may gawa no'n at hindi ako," ang sagot ko. "At sa tingin mo ba maniniwala ako sa sasabihin mo? Hindi mo na ko binigyan ng kahihiyan!" "Hindi ko na kailangan pang magpaliwanag sa 'yo dahil alam kong hindi ka naman maniniwala sa akin kahit ano pa ang sabihin ko," ang sagot ko at saka pumasok sa loob ng gate para iwan siya. "At nagawa mo pa talagang makipaglandian sa harap ko kanina, ha?! Sa harap ko pa talaga. Hindi ka man lang nahiya sa akin?!" ang sambit niya habang sinusundan ako. "Wala akong alam sa mga sinasabi mo, Carlos. Kung anu-ano 'yang iniisip mo." "Anong walang alam? May payakap-yakap ka pang nalalaman kanina. Tapos pati contact number mo ibinibigay mo pa sa kahit kaninong lalaki?! Napakalandi mo talaga!" ang sagot niya. "Hindi ko basta-basta na lang ibinibigay ang number ko kahit kanino. At saka saan naman ang paglalandi doon? Niyakap ko lang naman si Jayson at walang malisya 'yon. Napakakitid naman ng utak mo para sabihin 'yan," ang katuwiran ko. "At sumasagot ka pa ngayon?! Ikaw na nga ang may kasalanan, ikaw pa ang may ganang sumagot?!" ang sambit niya. "Hindi kita sinasagot dahil puro mali-mali na lang ang lahat na ibinibintang mo sa akin. Sa susunod, kung ayaw mong sagutin kita, huwag kang magtanong para hindi ako sinasagot!" ang sarkastikong sagot ko. Napatingin naman siya sa hawak-hawak kong gift bag. Napamura siya. "Itapon mo iyan," ang pagbabanta sa tinig niya. "At bakit ko naman 'to itatapon? Regalo ito ni Jayson sa akin at wala kang karapatan na utusan nang ganiyan dahil hindi na 'to parte ng trabaho ko sa 'yo!" "Sinabi ko na ngang itapon mo nga iyan, eh!" ang sambit niya sabay agaw sa akin ng bitbit kong regalo. Para siyang bata na nagtatampo. Binuksan niya ang laman nito para tignan ang laman. Tumingin siya sa akin at mabilis na itinapon sa pader ang regalong ibinigay ni Jayson sa akin. "Huwag!" ang sigaw ko. Mabilis akong tumakbo para sana iligtas ito nguni't wala na akong naabutan pa dahil nasira na ito at hindi na magagamit pa. Naging pira-piraso na ang ibang mga parte nito at hindi na pwedeng gamitin. Pinulot ko ito isa-isa at inipon. "Anong ginawa mo?! Bakit mo ginawa 'yon?!" ang tanong ko. "Sa susunod, huwag ka ng tumanggap ng kahit na ano sa kani-kanino dahil mas lalo ka lang nagiging kawawa tignan. 'Yung mga binigay ko ngang mga gamit sa 'yo ni hindi mo man lang kayang tanggapin!" ang sagot niya. Tumayo ako para humarap sa kaniya at saka sumagot. "Dahil iyon lang ang kaya kong gawin para sa sarili ko, ang tumanggap ng regalo ng kahit kanino. Pero naisip mo rin ba kung bakit hindi ko tinatanggap ang ibinibigay mo sa akin? Dahil nahihiya ako, nahihiya ako kasi hindi naman talaga para sa akin iyon, dahil para talaga 'yon sa 'yo. Galing 'yon sa mga fans mo na ibinigay sa 'yo. Alam mo ba kung ako ang papipiliin, hindi ko gustong magtrabaho habang nag-aaral ako 'e. Kasi pagod na 'yung utak ko, pagod na ang katawan ko, pagod na pagod na 'yung buong pagkatao ko. Ang gusto ko lang naman ay matulungan ko ang sarili ko at pati ang nanay ko, Carlos. Gusto ko lang na makapagtapos ako ng pag-aaral para matulungan ko si nanay. May pangarap din ako na gusto kong matupad. Ngayon, kung kasalanan ko na ganito lang ako ay pasensiya ka na. Sorry kung mahirap lang ako, sorry kung wala akong pambayad ng tuition fee, at sorry rin kung nag-ambisyon akong matulungan ang sarili ko sa paraang kaya ko. Ako lang ito 'e, ako lang ito Carlos, ang walang kwentang katulong dahil kahit ni isa ay wala akong nagawang tama para sa 'yo!" ang umiiyak na sagot ko sabay tulak ng mahina sa kaniyang dibdib. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa matinding emosyon. Tumakbo ako palayo sa kaniya habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Tinawag pa niya ako pero hindi ko na siya nilingon pa. Patuloy ako sa paglalakad, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko ng makapaglayo dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Habang patuloy ako sa paglalakad ay siya rin ang pagbuhos ng napakalakas ng ulan sa gilid ng daan. Pilit kong ininda ang lamig ng tubig na pumapatak sa aking buong katawan. Napatingin ako sa paligid ko habang wala ng tao ang dumadaan rito. Habang patuloy ako sa paglalakad ay bigla na lang nasira ang suot na sandal. Wala na akong nagawa kundi ang umupo na lang sa may gilid ng kalsada at niyakap ang sarili kong tuhod habang nakikinig sa mga buhos at patak ng ulan. MUSIC PLAYING WITH A SMILE BY ERASERHEADS Lift your head, Baby, don't be scared Of the things That could go wrong Along the way You'll get by With a smile You can't win at everything But you can try. Baby, you don't have to worry 'Coz there ain't no need to hurry No one ever said That there's an easy way When they're closing All their doors And they don't want you anymore This sounds funny But I'll say it anyway. Girl, I'll stay Through the bad times Even if I have To fetch you everyday We'll get by With a smile You can never be too happy In this life. (Habang nasa ganoong posisyong umuupo si Kelcy sa may gilid ng kalsada at dinadamdam ang kantang naririnig niya ay ipinapakita naman sa eksena ang mga nagawang hindi kanais-nais sa kaniya ni Carlos simula pa noong unang trabaho pa lang niya bilang katulong.) In a world Where everybody hates A happy ending story It's a wonder love Can make the world go round But don't let it bring you down And turn your face into a frown You'll get along With a little prayer And a song. Too doo doo doo... Too doo doo doo... Too doo doo doo Doo doo doo doo doo doo... Let me hear you sing it Too doo doo doo... Too doo doo doo... Too doo doo doo Doo doo doo doo doo doo... Dahil sa narinig ko ay parang nabuhayan akong magpatuloy lang at mas lalo pang maging malakas. Damang-dama ko ang malalim na kahulugan ng kantang narinig ko. Ngumiti ako at tumingin sa itaas para damhin ang pagbuhos at pagpatak ng ulan. Nakalimutan ko na may dala pala akong bag. Mabuti na lang at waterproof ito kaya hindi mababasa ang mga notes at gamit ko sa loob nito. Habang nasa ganoong posisyon ako ay may bigla na lamang humintong sasakyan sa aking harapan. Lumabas dito si Ella na may dala-dalang payong at saka nilapitan ako. "Kelcy, anong ginagawa mo rito? Bakit ka nagpapabasa sa ulan? Alam mo ba na delikado rito?" ang tanong niya sa akin. Umiling ako sa kaniya at saka nginitian siya. Hinayaan ko lanag siya at muling dinamdam ang pagbuhos ng malakas na ulan. "Pumasok ka na sa sasakyan, bilis!" ang mungkahi niya. "Hindi na, okay lang ako dito Ella," ang pagtatanggi ko pero bigla na lang niya hinawakan ang kamay ko at mabilis akong hinatak papasok sa loob ng kaniyang kotse. Tahimik... "Ano nangyari sa 'yo? Bakit ka nagpapaulan sa may gilid ng kalsada? Alam mo bang delikado ang lugar na 'yun? Mabuti na lang at umuulan kaya wala masyadong tao ang nakatambay," ang sabi niya habang tinutulungan akong punasan ang aking buong katawan. "Matagal-tagal na rin kasing hindi umuulan kaya naligo na ako. Okay lang naman ako, sana hindi ka na nag-abala pa," ang sagot ko. "Bakit mapula 'yang mga mata mo? Bakit ka sinisipon? Siguro umiyak ka?" "Hindi kaya ako umiyak. Napuwing lang ako kanina kaya namula ng sobra ang mata ko." "Bakit naman nasira 'yang sandal mo? Saan ka ba nagpunta? Naglakad ka lang siguro pauwi sa inyo?" ang pang-uusisa niya. "Hindi, nasira na talaga 'to kanina pa. Hindi ko na pwedeng maayos kaya hinayaan ko na lang." Kinapkap niya ang leeg ko. "May sakit ka ba? Bakit ka sinisipon?" ang tanong ulit niya. "Naku, wala 'to. Okay lang ako, huwag kang mag-alala. Dahil lang 'to sa lamig ng buhos ng ulan." Makalipas ang ilang sandali pa ay huminto ang sinasakyan namin sa isang malaking bahay. Bumukas ang gate nito at saka pumasok ang kotse. Malaki ito pero mas malaki pa rin ang bahay nila Carlos. Lumabas ang driver at pinagbuksan kami nito ng pintuan. "Dito ka na muna magpalipas ng gabi. Bukas ka na lang umuwi sa inyo kapag humupa na ang ulan. Meron kaming guestrooms diyan kung saan pwede ka munang matulog at magpahinga." Tumango ako bilang tugon. "Salamat sa 'yo, Ella." Ngumiti siya sa akin. Hindi na ako tumanggi pa dahil alam ko namang wala rin ako pagtutulugan ngayon. Inaya na niya ako papasok sa loob ng kanilang bahay. Naabutan namin na kumakain ang mga magulang niya. Masaya ako dahil tinanggap nila ako sa kanilang bahay at pinakain pa kasabay nila. Dito ay nalaman nila kung bakit kasama ako ni Ella sa bahay. Nagtataka sila kung ano ang ginagawa ko sa may gilid ng kalsada habang umuulan umano ng malakas pero nagsinungaling ako. Sumagot naman ako pero hindi ko sinabi sa kanila ang totoong nangyari. "Isa po akong estudyante habang nagtatrabaho naman bilang isang katulong sa isang malaking bahay. Ang kapalit niyon ay ang pagpapa-aaral nila sa akin at pagpapagaling sa nanay kong may sakit. Kanina po ay nagpasya akong maglakad pauwi sa bahay na pinagtatrabahuan ko dahil naubos na 'yong huli kong sweldo dahil sa pagpapadala kay Nanay. Malayo po ang university namin sa mansion kaya halos inabot na ako ng gabi. Habang patuloy po ako sa paglalakad nang bigla na lang nasira ang suot kong sandal at siya rin ang pagbuhos ng malakas na ulan. Kaya wala na akong nagawa kundi ang umupo na lang sa gilid ng kalsada at niyakap ang sarili ko," ang sagot ko sa kanila habang kumakain. Sinabi kasi ni Ella sa mga magulang niya na naaubatan daw niya akong nagpapaulan sa may gilid ng isang kalsada habang yakap-yakap ko ang sarili ko mag-isa. "Naku, kawawa ka naman pala, Hija. Hayaan mo dahil maraming sandal diyan si Ella na hindi pa nagagamit. Kunin mo na kung may magugustuhan ka doon. Huwag kang mahiya sa amin dahil welcome na welcome ka rito sa bahay." Grabe ang pasasalamat ko kina Ella dahil sa pagtulong niya sa akin at pati na rin ng mga magulang niya. Dinala pa niya ako sa kaniyang kwarto upang pahiramin ako ng mga damit niyang mukhang bago pa at hindi pa nagagamit. "Okay na ba iyan para sa 'yo? Kasi para sa akin, bagay na bagay iyan dahil maputi ka naman at ang sexy mo pa." Sinusukat niya sa akin ang isang denim na mini skirt at crop top na peach blue ang kulay. Sinusukatan niya ako ng damit para sa susuutin ko sana bukas ng umaga patungong paaralan. Sinabi ko kasi sa kaniya kung ano talaga ang totoong nangyari sa bahay nina Carlos habang pumipili siya kanina ng mga damit na ipapalit sana sa nabasa kong suot. Nakiusap naman ako sa kaniya na dito muna ako tutuloy dahil wala akong mapuntahan at pumayag naman siya. Kaya sobra naman ang naging pasasalamat ko sa kaniya at pati na rin sa mga magulang niya. Pwede raw akong tumira sa kanila hanggang sa kailan ko gustong tumira. "Hindi ba parang mukhang sexy ito para sa akin? Sobrang iksi," ang tanong ko dahil hindi talaga ako sanay na sumuot ng mga maiikling damit. "Hindi 'no, bagay na bagay nga sa 'yo, e. Kaunting ayos na lang ng buhok at mukha mo 'e pwede ka ng matawag na isang prinsesa," ang sagot naman niya. Natawa naman ako sa kaniya dahil parang wala naman talagang nagbago sa mukha ko. Dahil lang sa suot kong damit at mini skirt kaya medyo naging maayos akong tignan. "Hindi kasi ako sanay sa mga ganito na nakikita legs ko habang nasa public. Nasanay lang akong sumuot ng jeans sa maraming tao," ang katuwiran ko. "Ano ka ba? E di it's time to change your outfits na. Mas mabuti na iyan dahil sayang ang ganda mo kung hindi mo man lang kayang gamitin. Masasanay ka rin nextime," ang sagot niya. Napatingin ako sa isang buong salamin, marahil ay tama nga siya, sayang lang ito ko kung hindi ko man lang gagamitin. Kahit na pakiramdam ko ay wala akong laban sa ibang mga napakagandang babae riyan dahil simple lang naman akong tao. Hindi ko rin masasabing maganda ako dahil marami na rin akong nakikitang ibang babae na kung ikompara ko ang sarili ko sa kanila ay paniguradong talo na kaagad ako. Siguro ay ito na rin ang tamang oras para subukan kong sumuot ng mga ganitong klaseng damit at maging totoo sa sarili ko. Inayos ko ang itsura ko at saka sinuklay naman ang aking buhok upang mas maging presentable pa akong tignan sa salamin. "Oh, tignan mo? Mas lalo ka pang gumanda. Hayaan mo 'yang si Carlos na iyan dahil insecure lang talaga siya sa 'yo. Umalis ka na lang doon sa kanila at dito ka na lang sa amin. Baka sa susunod pa ay mapapahamak ka lang doon at masaktan ka pa niya," aniya habang nakatingin sa akin. Tumango ako bilang pasasalamat. Ito ang unang pagkakataon na papasok akong ganito kaikli ang suot ko kaya medyo kinabahan ako para sa sarili ko. Baka pa kasi may sasabihin pa ang ibang tao na masama sa akin. Sinabihan naman ako ni Ella na umiwas na lang sa mga tao nakakasalamuha ko para hindi na nila ako mapansin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD