ISANG maaliwalas na araw ang gumising sa akin. Nakakapanibago lang dahil mukhang payapa ang buhay ko ngayon habang tinatahak namin ang daan patungong campus. "Okay ka na?" ang tanong sa akin ni Ella habang nilalagyan niya ako ng hairpin habang inaayos niya ang aking buhok. Ngumiti ako at saka tumango. "Salamat," ang tanging sagot ko. Pagdating namin sa aming campus ay sabay kaming bumaba ni Ella sa kanilang kotse. Nagtataka ang mga taong dumadaan kung bakit hindi si Carlos ang kasama ko kundi si Ella. Nagbubulong-bulungan ang mga ito habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila tungkol sa akin basta nakaramdam lang ako ng hiya. Napatingin ako sa maikli kong damit at patago ko itong tinakpan ng aking kamay. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang matanaw ko ang k

