TUWANG-TUWA ako sa sarili ko habang nakadapa at nagtatago ako rito sa may sahig sa guestroom nila Ella. Ginagawa ko kasi ang letter na ipinapagawa sa akin ni Jayson at maingat pa ako na baka mahuli pa ako niya ako. "Okay na 'to," ang bulong ko sa sarili ko nang sa wakas ay natapos ko na rin ang ipinapagawa niya sa akin. Sa halos ilang ulit ko kasi sa paggawa nito ay paulit-ulit akong nagkakamali at umuulit. Nagsimula ko nang ayusin ang lahat ng kalat ko sa may sahig at nag-umpisa na rin akong maligo. May sariling shower room sina Ella sa guestroom kaya hindi na ako nag-abala pang lumabas. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo kay Ella upang magpaalam na lalabas lang ako sandali dahil may pupuntahan ako. Pumayag naman siya kaya mabilis akong naghanap ng taxi p

