ALAS-ONSE na ng gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog. Paano ba naman kasi ay nandito kanina si Carlos. Hindi maalis sa isip ko ang ginawa niya kanina sa labas ng bahay nina Ella. Siya pa ang may ganang magalit sa akin kanina matapos ang mga ginawa niya sa akin? Pero hindi na ako natinag. Hindi ba niya maintindihan na hindi na ako babalik doon sa kanila? FLASHBACK. "Carlos? Anong ginagawa mo rito?!" ang hindi makapaniwalang sambit ko sa pagkabigla. Napalingon siya sa akin. "Bakit ngayon ka lang? Bakit ka umuuwi ng gabi, ha?" ang sabi niya na may halo pang sigaw. Siya pa ngayon ang may ganang magalit matapos ang mga pinanggagawa niya sa akin? "Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?" ang tanong ko. "Manhid ka ba? Malamang sinusundo ka. Umuwi na tayo," ang sagot pa niya. "Aba, may

