CHAPTER 05

2263 Words
BAHAGYA akong napalingon nang may tumamang tubig mula sa aking likuran habang hinahablot ang mga damong kumakapit sa mga bulaklak sa pader ng mansion. "Oh!" ang gulat na sambit ni Kuya Cedrick nang ako matamaan niya ng hawak niyang hose habang naglilinis siya ng kotseng ginagamit niya sa pagda-drive. Agad niya itong pinatay at agad ding na lumapit sa akin. Napapakamot siya ng kaniyang ulo. "Naku, pasensiya ka na. Akala ko kasi walang tao, eh. Nandiyan ka pala," ang usal niya sabay punas sa aking nabasang damit na agad ko namang tinanggal. "Huwag na, Kuya. Okay lang ako. Hindi pa naman ako nakakapagligo," ang sagot ko. "Sigurado ka?" ang tanong niya. Tumango ako. "Okay lang po ako." Nginitian ko siya at saka bumalik na sa aking ginagawa. Tulad ni Carlos ay gwapo rin itong si Kuya Cedrick pero ang kaibahan nga lang ay mad maputi si Carlos kaysa sa kaniya na moreno. Siya ay 26 na taong gulang na at wala pa ring asawa. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil maaga niyang itinaguyod ang kaniyang mga pamilya dahil sa kahirapan. Ngayon ay medyo gumaganda na rin ang buhay nila dahil sa trabaho nitong pagda-drive rito sa mansion. Nakapagtayo na sila ng panibagong bahay at nakabili na rin ng mga bagong gamit na galing lahat sa kaniyang bulsa. "Ah, teka lang. Meron pala akong chocolates dito. Binili ko lang kahapon para sa 'yo," ang usal niya. "Talaga?" ang magiliw na tanong ko sa kaniya at agad na tumayo. "Oo, at saka branded pa ito galing sa ibang bansa. Sandali, kukunin ko," ang sagot niya sabay tungo sa kaniyang kotse. May ngiti sa labi kong tinanggap ang kaniyang ibinigay niyang chocolate sa akin. "Salamat, Kuya. hayaan mo sa susunod dahil ako naman ang babawi sa 'yo. Teka, parang natikman ko na 'to dati noon sa isa mga bigay ng mga fans ni Carlos." "Wala iyon. Napapansin ko lang kasi na parang hindi ka bumibili ng mga gamit mo at palagi mo na lang pinapadala sa n Nanay mo. Wala ka na ring tinitira para sa sarili mo kaya ako na lang ang bumili," ang nakangiti niyang sagot. Napatungo ako. "Lumala na kasi 'yong sakit ni nanay. Noong last lang na test sa kaniya ay may bago na namang sakit na nadiskubre. Kidney failure at kinakailangan hanggang mas maaga pa ay maipa-dialysis na siya dahil malala na raw ang sakit niya. Complicated na nga raw ang sabi ng doctor," ang sagot ko. Lumapit sa akin si Kuya Cedrick. "Tama na nga iyan. Hayaan mo dahil kapag may sobra akong suweldo simula ngayon ay ibibigay ko kaagad sa 'yo," ang sagot niya. "Mas kailangan mo ang pero mo, Kuya. Ibigay mo na lang 'yan sa mga magulang mo. Hindi mo naman ako kadugo para tulungan mo," ang pagtanggi ko. "Ano ka ba? Para na ring kapatid ang turing ko sa 'yo. At para sa akin, ikaw na ang babaeng pinakamabait na nakilala ko sa buong buhay ko," ang sambit niya. "Maganda pa," ang dagdag niya dahilan para matawa ako. "Sino ba ang nagbabantay kay Nanay Zy ngayon?" ang tanong niya. "Si Ninang Marites, ang kapatid ni nanay," ang sagot ko. "Tahan na. Palagi namang may sobra sa suweldo ko kaya ibibigay ko sa 'yo iyon. Malaki naman ang pasahod dito kaya hindi na mahirap iyan," ang sagot niya sabay yakap sa akin. "Salamat, Kuya," ang sambit ko sabay singhot. "Sige na, tahan na. Huwag ka ng umiyak," ang sagot nito. "Hindi naman ako umiiyak, ah?" ang pagmamaktol ko dahilan para matawa rin siya. Ngumiti ako at pinunasan ang luha ko. Habang nasa ganoon kaming posisyon ay tumama naman ang mata ko kay Carlos na kakalabas lamang ng mansion. Patungo ito sa parking lot malapit sa aming kinalalagyan at hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi. Lumakad ako para salubungin siya. "Saan ka pupunta? Ang sabi ng mga magulang mo ay bawal ka raw lumabas ng mansion kapag hindi related sa school ang pupuntahan mo," ang bungad ko habang sinusundan siya sa paglalakad. Patuloy lang siya sa paglalakad at hindi ako pinansin. Tumigil siya sa kaniyang kotse at agad akong nilingon. Biglang naglaho ang ngiti sa kaniyang labi. "Bakit, magsusumbong ka ba?" ang tanong niya sa akin. Natigilan ako. Hindi ko alam kung sino ang susundin ko sa kanila dahil si Carlos naman talaga ang nagpapasweldo sa akin. Ang kita niya roon sa isang branch ng mall na ibinigay sa kaniya ng magulang niya ay ang perang nagpapasweldo sa akin. Umiling ako. "Ayon naman pala 'e. Kahit kailan talaga ay napaka-pakialamera mong babae ka. Umalis ka na nga diyan! Paharang-harang ka lang sa dinadaanan ko," ang pagtataboy niya sa akin sabay pasok sa kaniyang kotse. "Alis na!" ang sigaw pa nito dahil nakaharang pa rin ako sa kaniyang harapan. Hanggang sa nakalabas na ng gate si Carlos at wala akong nagawa para pigilan siya. Nilapitan ako ni Kuya Cedrick. "Hayaan mo na 'yon. Masanay ka na lang sa kasungitan niya," ang saad niya. "Sigurado akong mapapagalitan ako ni Ma'am Eden at Sir James nito kapag nalaman nilang pinabayaan ko si Carlos." Kinakabahan ako sa kung ano man ang pwedeng mangyari kapag nagkataong malaman nila na nakalabas ito ng mansion nang hindi ko sinasabi sa kanila. "Sigurado akong gagawa na naman iyon ng mga katarantaduhan dahil wala na naman ang mga magulang niya dito. Kung nandito lang ang mga iyon ay kanina pa 'yan nagmumukmok sa kwarto niya. At ang security naman ay wala man lang nagawa para harangin ang batugan na 'yan. Sila pa 'yong natatakot kaysa sa kaniya, hayst." "Susundan ko lang siya, Kuya. Baka maglasing ulit iyon, meron pa kaming pasok bukas ng umaaga," ang sagot ko. "Oh, ano pa ang ginagawa mo diyan? Sakay na!" ang sagot niya sabay pasok sa kaniyang kotse. "D'yan ako sasakay?" tanong ko. "Oo, tara na," ang sagot niya. "P-Pero baka–" "Halika ka na nga sabi, eh." Hinila niya kaagad ako papasok ng kaniyang sasakyan. Nang papalabas na kami ng gate ay hinarang kami ng security. Si Kuya Cedrick na ang nagpaalam sa kanila na susundan lang namin si Carlos at pumayag naman ang mga ito. Nang makalabas kami ng gate ay nahagilap pa namin ang sasakyan ni Carlos. Sinundan namin ito hanggang sa biglang huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking bar at ito ay ang bar na pag-aari nila Jayson. Bumaba si Carlos dito at saka agad na pumasok sa loob bar. Sinalubong siya ng isang babeng may maikling damit. Hinagkan siya nito sa bewang at inakay siya sa loob ng bar. "Dito ka na lang ako, Kuya. Ako na ang bahala pumasok sa loob," ang wika ko. "Sigurado ka? Baka mapano ka pa diyan sa loob?" ang tanong niya. "Hindi na, Kuya. Nandiyan din naman si Carlos sa loob kaya okay lang," ang sagot ko. "Wala akong tiwala sa lalaking 'yon. Tingnan mo nga 'yang shorts mo, napaka-ikli," ang sagot niya. Napatingin naman ako sa suot kong short. Oo nga pala, nakapang-sexy short lang pala ako. "At isa pa, maraming manyakis diyan sa loob, baka madisgrasya ka pa," ang patuloy niya. Napabuntong hininga ako. "Hindi na, Kuya. Okay lang ako. Kaya ko na ang sarili ko," ang sagot ko sabay ngiti sa kaniya. "Magco-commute na lang ako mamaya," ang dagdag ko sabay bukas ng pintuan ng kaniyang kotse. "Teka, may pera kaba diyan?" ang pigil niya sa akin. Namulsa ako para suriin kung may dala ba akong pera. "Patay!" ang sigaw ko sa sarili ko dahil wala pala akong pera. "Kunin mo na 'to. Mabuti na lang pala may dala akong pera," ang sabi niya sabay abot sa akin ng isang libo. "Salamat, Kuya!" ang sagot ko sabay kuha ng bigay niyang pera at saka nagpaalam na sa kaniya. Napatanaw ako sa isang napakalaking bar sa aking harapan. luscíσus вαr | ᴍᴏɴᴛᴇɴᴇɢʀᴏ Maganda ito na tila parang isang mall lang ang dating. Maraming mga lalaki ang pumapasok at ang iba naman ay may mga kasama pang mga babae. Puro mga bigtime at halatang mga mayayaman. Bagama't natatakot ay giit pa rin akong umakay na pumasok sa loob. Iwas ako sa mga taong nakakasalamuha ko habang lumalapit sa may entrance ng bar. Maya't maya ay bigla akong pinigilan ng isang security na babae. "Ang ticket mo, Miss?" ang tanong niya sa akin. Napatigagal ako dahil wala akong maihaharap sa sinabi niya. "K-Kailangan po ba ng ganyan para makapasok?" ang nauutal na tanong ko. "Oo, Miss. Kailangan mong kumuha ng ticket para makapasok ka." "Saan po ba ako makakakuha niyan?" ang tanong ko ulit. "D'yan sa may ticket station," ang sagot niya sabay turo sa isang booth na nasa isang sulok ng bar. "Salamat." Agad akong tumungo sa ticket station. Masyadong madami ang mga taong nakapila. Karamihan dito ay mga nasa kasing kaedaran ko lang at ang iba naman ay galing pang APIU. "Hi," ang narinig kong sabi ng isang lalaki mula sa aking likuran. Bahagya akong napalingon dito. Isang lalaking nakapamulsa sa suot niyang itim na hoodie at halatang nasa kasing kaedaran ko lang. Maputi ito at saka makinis ang katawan na tila parang hindi man lang nasikatan ng araw. Tumalikod ako at hindi siya pinansin. "Bakit?" ang bulong ko tamang-tama lang na marinig niya dahil baka hindi naman talaga ako 'yung kinausap niya. "Alone?" sa halip na sagot niya sa tanong ko. "Ako?" ang tanong ko. "Hmmn, yes." Tumango ako. "Bakit?" ang tanong ko habang tigagal. Natawa siya sa akin. "Bakit parang takot na takot ka? Ako lang 'to. Hindi ako kumakain ng tao," ang sabi niya sabay haplos sa aking buhok. Hindi naman ako sumagot at hinayaan ko lang siya sa kaniyang ginagawa. Tahimik... Napabuntong hininga ito. "I just want to be friends with you. Aren't you like?" ang tanong niya. "Bago lang kasi ako dito," ang sa halip na sagot ko. Napatango-tango siya. "Kaya pala parang takot na takot ka sa akin. Gusto mo, samahan na lang kita sa loob? Kabisado ko naman ang lahat ng rooms dito," ang alok niya. Umiling ako. "Hindi na, pumunta lang naman ako rito dahil may hinahanap lang ako sa loob," ang pagtanggi ko. "E 'di sasamahan na lang kita sa loob para hanapin iyang hinahap mo," ang sagot niya. "S-Sige," ang sagot ko na lang. Tahimik... "Anong klaseng ticket ang kukunin mo miss? First class, middle class, third class, or VIP? Basta, pumili ka na lang d'yan sa nakapaskil," ang wika ng babaeng nasa ticket station. "T-Third class po," ang sagot ko. "Okay, one thousand," ang sagot niya. "Ha?!" Paano ako makakauwi nito kung wala na akong pamasahe pauwi? May pasok pa kami bukas. "Bahala na," ang nasa isip-isip ko. "S-Sige isang–" Magbabayad na sana ako ng ticket nguni't kinabig ng lalaking nakausap ko ang aking kamay. "Ako na lang ang magbabayad. Miss, dalawang VIP ticket," ang sabi niya sabay abot ng isang card sa babae. "Sige, anong table ba kukunin niyo?" ang tanong ng babae sa amin. "Mamaya na lang siguro kami kukuha ng table dahil may hahanapin pa kami. Halika na," akay niya sa akin patungo sa loob. "Wait, teka lang. Anong pangalan mo?" ang tanong ko. "Dave, ikaw?" ang tanong din niya habang hila-hila niya ang kamay ko papasok sa loob. "Kelcy ang pangalan ko." "Kelcy? Good name, huh?" ang natatawa niyang sagot. Pagkapasok namin sa loob ng bar ay halos wala akong marinig dahil sa sobrang ingay ng mga tao. Haluan mo pa ng malakas na digabong ng music. Marami ang mga sumasayaw sa gitna pero hindi 'yon ang pinansin ko dahil agad na hinanap ng mga mata ko si Carlos. Palinga-linga ako ngunit hindi ko pa rin siya mahagilap. "Napakalaki nitong bar para mahanap mo 'yang hinahanap mo!" ang sigaw sa akin ni Dave para marinig ko ang boses niya. Hindi pa rin ako mapakali. Kailangan kong mapigilan si Carlos dahil meron pa kaming kailangan gawin bukas. At isa pa ay bawal ang mga lasing na estudyante para pumasok sa loob campus. "Doon tayo," ang mungkahi ko sabay turo sa isang sulok ng bar sabay hila sa kaniya para hanapin si Carlos doon. "Teka, sino ba iyong hinahanap mo? Mayaman ba iyan? Pang third class ang lugar na ito, eh. Nasa itaas iyong VIP area," ang wika niya sa kalagitnaan ng aming paghahanap kay Carlos. "Iyong boss ko kasi, may pasok pa kasi kami bukas at nagpunta siya rito. Bawal doon sa university namin ang mga lasing kaya dapat ko siyang mapigilan bago pa ako mayari sa mga magulang niya," ang tugon ko. "Mayaman pala iyan, eh. Edi sa itaas natin siya hanapin," ang sabi niya sabay hila sa akin at agad kaming pumasok ng isang elevator. Pagdating sa itaas ay kakaunti lamang ang mga tao at katamtaman lang din ang ingay ng music. Kakaunti lang ang mga sumasayaw sa gitna. Agad na hinanap ng mga mata ko si Carlos. Sa isang sulok ay nadatnan ko siyang kasama ang mga kaibigan niya. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang mga katabing babae. Nakalingkis ang kamay ni Tristan sa balikat ni Flowers. Si Philip naman ay panay ang kiliti kay Lady na isa ring miyembro ng SLG. Katabi naman ni Queenery si Carlos. Panay lingkis ng kamay nito kay Carlos. Samantalang si Carlos naman ay sobrang lawak pa ng ngiti. Kaibahan naman kay Mark Ian na tahimik lang at wala siyang ginagawa. Nakaupo lang siya sa isang sulok habang nakatulala na tila may malalim na iniisip. Kita ko naman ang pagkadismaya ng pinakahuling miyembro ng kanilang miyembro na si Bamby. Nakaupo lang ito sa isang sulok habang nakasimangot dahil siya lang ang walang kasama sa kanilang apat ng mga kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD