AKMA ko na sanang lalapitan si Carlos nang biglang dumungaw sa aming harapan si Jayson. "Uy, Dre?!" ang sabi niya noong makita si Dave.
Ngumiti si Dave. "Long time no see," ang bati naman niya kay Jayson.
"Kumusta? Akala ko ba bukas ka pa darating? Ginulat mo 'ko doon, ah?" ang magiliw na sagot ni Jayson.
"Napaaga kasi dahil walang flight bukas. Under maintenance ang lahat ng eroplano sa Taiwan kaya ngayon na lang nila ni-reschedule ang lahat ng flights papuntang pilipinas," ang sagot niya.
Napunta naman ang mga mata ni Jayson sa akin.
"Kelcy, ikaw ba 'yan? Bakit nandito ka? Ba't magkasama kayo at saan mo siya na-hunting Dave, huh?" ang tanong ni Jayson sabay tawa ng malakas dahilan para batukan siya ni Dave.
"Arrekupp!" and daing ni Jayson.
"Baliw! Sinasamahan ko lang 'to dahil hinahanap daw niya ang boss niya. Kapag nagkataon kasi ay mayayari na naman siya sa mga magulang nito."
Bumaling sa akin si Jayson at napatingin sa aking suot na short. "Baka ipagtaboy ka lang niya rito. Bakit ganyan ang suot mo, napakaikli? Hindi mo ba alam na ang bar na pinuntahan mo ay bawal? Hindi mo alam kung sinu-sino ang makakasalamuha mo dito," ang salubong sa kilay na tanong niya sa akin.
"H-Hindi ko na kasi napansin kanina kasi nagmamadali ako," ang katuwiran ko.
Napailing na lang siya at dito ay may lumapit sa kaniyang isang magandang babae. "Oh, siya nga pala. Meet my girlfriend, Ella," ang sambit niya.
Si Ella ay ang kasalukuyang Miss Campus ng aming unibersidad. Maganda ito, mabait at saka mukhang mahiyain dahil mahinhin siyang kumilos. Hindi ko rin siya masyadong nakikitang may kaibigan siya.
Natalo niya sa pageant ang grupo nina Queenery kaya malaki na lang ang galit ng SLG sa kaniya.
"Sige, aalis na muna ako. May pasok pa kasi kami bukas ng umaga. Kailangan ko ng mapauwi si Carlos." Umalis na ako sa kanilang harapan.
"'Di ba sa APIU ka rin nag-aaral?" ang biglang tanong sa akin ni Ella kaya natigilan ako.
"Oo, bakit?" ang nauutal na tugon ko.
"Wala tayong pasok bukas. Hindi ka ba nagbukas ng social media mo? Naka-post doon sa page ng university natin na walang pasok bukas dahil ang lahat ng mga faculties and staffs ay tutungo sa cemetery kung saan nakalibing ang dating may-ari ng university natin. Anniversary kasi niya," ang paliwanag niya sa akin.
"Hah?!" Hindi kasi ako nakapag-open ng social media ko dahil kakaubos lang ng load ko kaninang umaga.
Hindi ko kasi alam ang password ng mga wifi roon sa mansion kaya kailangan kong magpa-load para sa sarili ko.
"Wala tayong pasok bukas?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo, wala. Wala ka bang social media?"
"Meron, wala lang kasi akong load kaya hindi ko nalaman kaagad," ang sagot ko.
"Oh, siya. Uminom na lang tayo. Wala naman pala tayong pasok bukas. Kailangan nating mag-enjoy ngayon dahil kakarating lang ng guest nating si Dave. Whohoo!" ang sabad ni Jayson sa usapan.
"Naku, hindi pwede. Uuwi na lang siguro ako," ang pagtanggi ko.
"Sige na, kahit konti na lang ang inumin mo, samahan mo na kami. Wala naman kayong pasok bukas. Bawi mo na lang 'to sa pagbayad ko sa entrance fee mo kanina," ang sabat ni Dave sabay higit sa aking braso at mabilis akong hinila dahilan para magkandautal ako sa paglalakad. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanila.
Iginiya niya ako sa isang table malapit lang din sa table nina Carlos na sobrang lawak pa ng ngiti habang nakalingkis ang mga kamay ni Queenery sa kaniyang bewang.
Ngayon ko pa lang siya nakitang ganito kasaya na nagbigay naman sa akin ng kaunting kirot dahil ni hindi ko man lang ito naranasang makuha sa kaniya kahit isang beses.
Simula noong dumating ako sa kanilang mansion ay pinahanga na niya kasi kaagad ako. Kahit npalagi niya akong inaaway ay masaya na rin ako sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti.
Kahit na para sa kaniya ay isa lang akong alipin at palagi pa niya akong pinapaliguan ng sermon.
Pero kahit ano pa ang sungit na ipinakita niya sa akin ay ni hindi ko man lang nagawang magtanim ng sama ng loob sa kaniya. Hindi ko alam pero ang alam ko lang ay meron akong paghanga sa kaniya kahit mababa lang ang tingin niya sa akin.
Pero sa kabila no'n ay pilit kong lahat itinatakwil sa isip ko na hindi pwede. Mayaman siya at ako naman ay mahirap lang, o kung alipin para sa kaniya.
Mababa lang ang tingin niya sa mahihirap na kagaya ko. Isa na sigurong dahilan kung bakit ay ang pagiging katulong ko lang.
"Kumusta ang buhay Taiwan natin? Since two years din no'ng huli tayong nagkita. Balita ko kinareer mo na rin ang pagmo-model doon? Grabe ka, Dre. Big time ka na talaga!" ang hirit ni Jayson kay Dave.
Natawa naman si Dave at pinunasan ang kaniyang labi na basa ng alak. "Hindi, Dre. Actually, kaka-tanggap lang sa akin ng isang sikat na modeling agency last month ago pero hindi pa napapalabas sa magazine ang mga kuha nila sa akin. Sa totoo lang hindi ko naman talaga gusto, eh. Alam mo na," ang natatawa niyang paliwanag.
"Hindi ka pa ba nakapag-move on doon? May boyfriend na 'yon at mag-iisang taon na rin sila. Napag-iwanan ka na niya kaya itigil mo na lang 'yan," ang sagot ni Jayson.
Natawa naman ulit si Dave. "Alam ko," sagot niya at napatungo.
Mayamaya ay itinuwid niya ang kaniyang tingin at saka muling nagsalita. "Kaya nga nandito ako ngayon para bawiin ulit siya," ang dagdag niya kasabay ng nakakalokong ngiti.
Napailing na lang si Jayson. "Pinakawalan mo kasi, eh. 'Yan tuloy."
Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanilang usapan. Nahihiya ako kapag napapatingin ako sa kahit saang sulok dahil panay kindat ng mga lalaki nakakatamaan ko ng mata.
Mas lalo akong nabilaukan nang mapapakagat labi ang isang lalaki habang nakatingin sa aking mga binti. Ang ginawa ko naman ay hindi na ako lumingon pa kahit kanino.
Mabilis kong tinabunan ng aking panyo ang binti ko. Hindi talaga ako komportable pero pinipilit ko lang ang sarili ko. At saka isa pa, dahil siguro first time ko lang dito kaya ito ang nararamdaman ko.
"Anong pangalan mo?" ang basag ni Ella sa akin dahilan para magising ako sa ulirat.
Ngumiti ako. "Kelcy, at ikaw naman si Ella." Inunahan ko na siya bago pa niya sabihin ang pangalan niya.
"Kelcy?" ang isip-isip niya. "'Di ba isa ka rin sa mga inaabangan ng SLG ngayon katulad ko? Nandito pa nga sila ngayon, eh. Ayan, oh. Nagtatago na lang ako dahil baka puntahan pa nila tayo mamaya rito 'pag nakita nila ako. Mayayari tayo."
Tumango ako at natawa rin. Mabait pala si Ella. Ang akala ko kasi hindi niya ko papansinin. Palagi ko siyang nakikita na walang kinakausap at hindi pumapansin ng mga estudyante sa university namin.
Napatingin naman ako sa basong may lamang alak sa aking harapan. Kaagad ko itong inilayo sa akin at ipinuwesto sa gitna ng table namin.
Nagtaka naman si Ella sa ginawa ko kaya natawa siya sa akin. Nagtaka rin ako dahil baka merong mali sa ginawa ko. Hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit siya tumatawa ngayon.
"Hindi ka iinom?" ang tanong niya sa akin.
"Hindi ako umiinom. Hindi ako pwedeng malasing dahil may trabaho pa ako bukas. Nandito lang ako para bantayan si Carlos," ang katuwiran ko.
Napangisi siya dahilan para magtaka ulit ako. "Ano ka ba, hindi iyan nakakalasing dahil 80% juice iyan at 20% naman ang alcohol. 'Wag kang mag-alala kung malasing ka rito dahil safe naman tayo kay Jayson. Kahit mukhang bad boy 'yan, grabe naman 'yan kung makapagtanggol sa akin. Parang ang swerte ko nga dahil naging katulad niya ang mga lalaking nababasa ko sa books. Alam mo iyon, iyong ayaw ng mga lalaki na may ibang taong humahawak sa girlfriend nila. Ganon siya sa akin, ayaw niya akong lumapit sa ibang lalaki," ang sagot niya sabay bigay ulit sa akin ng basong inilagay ko sa gitna.
Sinubukan ko itong inumin. Matamis naman pala ang lasa nito at hindi siya mapait.
Nilagyan ko ulit ang baso ako at agad kong ininom ang alak na ibinigay niya sa akin. Nilagyan ko ulit ang aking baso hanggang sa namalayan ko ng hindi na pala ako tumigil sa pagiinom ng alak.
"Nasaan ba ang boyfriend mo? Alam ba niya na nandito ka? Baka magalit pa siya sa 'yo kapag nalaman niyang nandito ka sa isang bar. Maikli pa naman ang suot mong short? At saka, sino ba iyang boss mo na 'yan. Bakit parang hindi ka mapakali?" ang sunod-sunod na tanong sa akin ni Ella.
Makulit si Ella sa akin at saka palangiti, iyan ang pansin ko sa kaniya. Iba ito sa kilos niya tuwing nasa campus siya namin dahil tahimik lang siya at mahinhin kung kumilos.
"Si Sir Carlos," ang sagot ko.
"Ha? Carlos, ano?" ang tanong ulit niya.
"Si Carlos Mondragon," ang sagot ko.
"Ah, si Carlos Mondragon. 'Di ba siya 'yong member ng S4?" ang tanong niya.
"Oo, ayan nga sila, oh. Nasa gilid lang ng table natin. Kasama nila ang SLG."
"So, kasama pala sila ng SLG? Siguro girlfriend nila ang S4?" ang usad ni Ella.
"Siguro nga," ang sagot ko.
Dito ay nilingon ko ang kinalalagyan nila Carlos. Napakasaya nilang lahat at maingay pa.
Umaagaw lang sa pansin ko ang ginagawa nina Carlos at Queenery. Hindi ko alam pero masakit ang pakiramdam ko habang nakatanaw lang sa kanilang kinalalagyan habang ang kamay ni Carlos ay nakalingkis sa bewang ni Queenery.
Hindi ko na namalayang kanina pa pala ako nakatitig sa kanila.
Ilang sandali ang lumipas ay bigla na lamang ako nagulat nang makita ako ni Carlos. Nagulat ako nang biglang magtama paningin namin sa isa't isa.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya mabilis kong iniwas ang sarili ko sa kaniya na kunwari'y hindi ko siya nakita.
Napatago ako sa dibdib ni Dave nang wala sa oras para lang hindi ako niya ako makita. Noong una ay nagulat siya nang makita niya ako. Nagtataka siguro siya kung ano ang ginagawa ko rito.
Akala ko pa naman ay magagalit siya at pupuntahan niya ako habang kasama ko sina Jayson para sermunan ako pero sa isip ko lang pala lahat iyon.
Umiwas na rin siya ng tingin sa akin. Mabilis niyang inilagok ng alak sa kaniyang harapan. Ang inasal niya ay isang malaking patunay na wala siyang pakialam sa akin at parang hindi lang niya ako kilala.
Hindi na niya ako tinignan pa ulit. Patuloy na ulit siya sa pakikipagkwetuhan sa mga kaibigan niya at ang makipaglandian kay Queenery. Masaya pa siya habang yakap-yakap niya si Queenery nang mas mahigpit pa sa yakap niya kanina.
Hindi ko alam kung bakit dahil sa ginawa niya ay mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Umaasa kasi ako na magseselos siya dahil may kasama akong ibang lalaki pero hindi naman pala.
Masaya pa siya habang patuloy ako sa pagyakap sa dibdib ni Dave at wala siyang pakialam sa ginagawa namin.
Hindi ko na alam ang gagawin ko at hindi rin ako makapag-focus. Parang gusto ko na lang umuwi at matulog buong magdamag.
"Sa APIU rin ba nag-aaral ang boyfriend mo? Baka kilala ko siya. Alam ko ang sa isip mo na tahimik lang akong klase ng tao, pero observant naman ako sa mga taong nasa paligid ko," ang tanong ni Ella sa akin.
"Wala akong boyfriend simula pagkabata pa."
"Ano?" ang hindi makapaniwalang sabi niya .
"Sa ganda mong iyan? Wala kang boyfriend? Makinis ka, maputi pa ang katawan mula ulo hanggang paa. Tapos wala pang bahid ang mukha mo. Wala ka pa ring boyfriend? Palagi ko rin kayong nakikita ng mga kaibigan mo at lahat kayo ay puro magaganda. Sa katunayan nga mas maganda pa nga kayo kaysa sa SLG, eh."
"Wala akong boyfriend dahil kailangan ko munang mag-focus sa pag-aaral ko ngayon. At saka isa pa, wala pa naman akong nagugustuhan sa ngayon," ang sagot ko.
"Hindi naman makakaapekto sa pag-aaral mo ang pagkakaroon ng boyfriend basta alam niyo lang dapat na dalawa ang limitasyon niyo sa mga bagay-bagay at isa't-isa. Katulad namin ni Jayson, hindi pa rin namin pinapabayaan ang pag-aaral namin hanggang ngayon," ang sagot niya.
"Wala pa naman sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend ngayon. Ang tanging sa isip ko lang ngayon ay makapagtapos ako ng pag-aaral at gumaling na si nanay."
"Ikaw ang bahala. Pero kung sakali mang magkaka-boyfriend ka soon, tandaan mo lang ang sasabihin ko na dapat alam niyo ang limitasyon niyo sa isa't isa," ang nakangiti niyang wika. Gumanti rin ako ng ngiti sa kaniya bilang tugon.
Ipinagpatuloy na lamang namin ang pag-inom ng alak. Habang lumalalim na ang gabi ay napaparami na rin yata ako ng inom. Ramdam ko ang pamimigat ng aking katawan.
"Dito ka," ang sambit ni Dave at mabilis niya akong niyakap ng mahigpit.
Nagtaka naman ako sa ginawa niya kaya tinanong ko kung bakit. Ang sagot niya ay hayaan ko lang daw muna siya sa ginagawa niya kasi nandito raw ang kaniyang ex-girlfriend na kakapasok lamang sa loob ng silid.
Hindi na rin ako umangal pa at hinayaan na lang siya sa kaniyang ginagawa. Gumanti na rin ako ng yakap para suportahan siya para sa plano niya.
Ilang minuto kami sa ganoong sitwasyon hanggang sa nagiging komportable na rin ako rito. Ngumiti ako at ninamnam ang kaniyang bisig sa akin. Para kasing nagugustuhan ko na ring matulog dahil sa ginagawa niya.
Napapikit ako na parang siya ang naging sandigan ko bilang unan sa paghiga.
Ngunit habang nasa ganoon kaming sitwasyon, biglang nanlaki ang mata ko nang mapansing kanina pa pala nakatitig nang masama sa akin si Carlos.
Badtrip ito at parang hindi na siya nasisiyahan sa ginagawa namin. Hindi na rin sila magkatabi ni Queenery.
Magkalayo na silang dalawa sa isa't isa. Busy si Queenery sa kakatingin at kakasundot ng kaniyang cellphone.
Hindi inaalis sa akin ni Carlos ang masamang tingin niya sa akin at mayamaya pa ay bigla na lang niya akong dinuro at may sinabi pa siyang hindi ko marinig. Hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin niya.
Bigla naman akong natakot kaya mabilis akong tumayo at inayos ang sarili ko.
"Teka, saan ka pupunta?" ang pigil sa akin ni Dave.
"Pupunta lang ako ng banyo. Saan ba ang banyo dito?" ang tanong ko.
"Ah, pumasok ka lang d'yan sa trail na iyan tapos hanapin mo na lang doon kung nasaan ang ladies restroom," ang sagot ni Jayson sabay turo ng isang makitid na footway.
Agad ko namang sinunod sinabi niya at ilang sandali pa ay nahanap ko na rin kung saan ang ladies restroom. Agad akong pumasok dito para ayusin ang sarili ko.
"Ouch!" ang ungol ng isang babae nang mabunggo ko ito habang papasok pa lang sana ako sa banyo. Si Queenery pala.
"Teka, ikaw na naman?! Arghh!" ang sambit niya nang makita ako.
Inayos niya ang nalukot nitong fitted na damit at walang prenong mabilis niya akong sinampal sa aking pisngi.
"Kahit kailan talaga, isa ka talagang malas sa buhay ko! You Goddamn slave! You so f*cking plague! Inaagaw niyo na nga ang S4 sa amin, then after that you did collide me?! Such a nasty lady, maid ka lang naman ng boyfriend ko!" ang sigaw at pang-iinsulto niya sa akin at akma na naman niya sana akong sampalin.
Mabuti na lang at may mas mabilis na kamay ang pumigil sa kaniyang braso. Ito ay walang iba kundi si Carlos.
"Enough," ang pagpigil niya rito.
Tahimik...
"Ako na ang bahalang kakausap sa kaniya," ang kaswal na pagkasabi niya habang nakahawak pa rin ang kaniyang kamay sa braso ni Queenery.
"Turuan mo nga ng leksiyon 'yang bastos na katulong mo na 'yan! Mukhang naghahanap ng gulo, eh. Hay naku, nakaka-badtrip!" ang mataray na sagot niya sabay alis sa aming harapan.
Naiwan kaming dalawa ni Carlos mag-isa. Ni hindi ko man lang siya kayang tingnan nang matuwid. Nakapamulsa ito habang ako naman ay napahawak sa pisngi kong kakasampal lang ni Queenery.
Tahimik lang kami sa isa't isa. Mayamaya pa ay bigla na lang dumapo ang tingin niya pababa sa pang-ibaba kong suot.
Biglang nagtangis ang mga ngipin niya at mabilis niya akong tinignan nang masama.
"We're going home. Umuwi na tayo," ang matigas sa tonong sabi niya. Hinigit niya ang kamay ko nang sobrang higpit para hindi na ako makatakas pa.