"IWAN mo na siya dito. I'll be guide her." Lasing ba siya? At saka ano raw? Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Mukha ba akong lamesa para sabihin niyang gusto niya akong i-table? Hihilain ko na sana ang aking kamay para umalis na nguni't mas lalo pa niya itong hinigpitan at saka tinignan ako ng matalim. Ano ba ang ginagawa niya? Kailangan ko pang salubungin ang mga taong pumapasok. "Ano?! Gusto mo siyang i-table? Mukha bang pokpok si Kelcy?" ang tanong ng manager. Parang nakuha ko kaagad ang ibig niyang sabihin kaya agad na uminit ang ulo ko. Magsasalita na sana ako at bawiin ang kamay ko sa kaniya nguni't nahila na niya kaagad ako paupo sa tabi niya. Para lang akong isang batang paslit habang hila-hila niya ang aking kamay paupo. Ang lakas-lakas niya kaya hindi ko na natuloy a

