CHAPTER 14

3053 Words

"TAMA na, okay? Tumahan ka na. Huwag mo na lang siya pansinin. You are beyond for him. Bakit ka pa kasi sumama sa kaniya?" Patuloy pa rin kami ni Sophia sa pagkandili kay Kendra. Si Philip naman kasi, napahiya na naman siya dahil sa kaniya. Sumama kasi si Kendra rito at dahil doon ay kinuyog siya ng mga fans ni Philip. "Wala naman kaming ginawa ni Philip. Sinamahan ko lang siya at kumain kami tapos umuwi na rin ako. Hindi ko naman alam na may makakakita pala sa amin at pinicturan kami tapos akala nila eh nagde-date kami ni Philip kahit hindi naman," ang dahilan ni Kendra. "Eh, ano sa tingin mo ang tawag doon? Hindi ba date 'yon na kayong dalawa lang ang magkasama tapos kumain pa kayo? Mag-isa lang kaya 'yon." Pinunasan ni Sophia ang luha niya. "Oo nga, Kendra. Nag-date naman talaga kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD