CHAPTER 03

2748 Words
"YOU'RE late, Mr. Mondragon." "Maaari ba naming malaman ang dahilan kung bakit ka late?" ang sarkastikong tanong nito kay Carlos. Hindi naman pinansin ni Carlos ang professor at saka dumiretso pa ito papasok ng room at umupo sa isang upuan katabi ko sa may gawing likod. Biglang nanlaki ang mata ng professor. "Hindi ko sinabing pumasok ka sa silid na ito, Carlos! And sitting on that chair has no even permission. What kind of behavior was that Mr. Mondragon?!" ang galit na bulyaw nito sa kaniya. Ngunit imbes na sagutin ni Carlos ang sambit ng aming professor sa kaniya ay kinuha pa nito ang kaniyang cellphone. Ginamit pa niya ito habang sinisermunan siya ng aming proessor. "Mr. Mondragon!" ang ulit ng guro. Wala siyang sagot na nakuha sa kaniya. Ako naman ay nataranta at hindi ko alam ang gagawin ko. Tumikhim ako para mapansin ako niya nguni't hindi rin niya ako pinansin. Tahimik... "Mr. Mondragon! Ano na?!" "Kayo talagang mga anak ng mayaman, oh." "Ganyan ba ang ugali ng anak ng isang huge tax payer dito sa bansa?" Pagkasabi no'n ng aming propesor ay bigla na lamang tumayo si Carlos sa kaniyang inuupuan at mabilis niyang tinignan ng masama ang aming professor. Tahimik... Lahat naman ay nabigla sa ginawa ni Carlos. "What's your problem, Crone?" ang tanong niya. "Gusto mo i-report na kita ngayon kay Mr. Alfonso para last day mo na ngayon? Alam mo ba na isang tawag ko lang sa kaniya eh kaya na kitang paalisin dito?!" ang galit bulyaw niya. Nanlilisik ang mga mata ni Carlos na parang hindi ito natatakot sa aming propesor. Lahat ng tao sa silid ay nagulat. Pati ang aming professor ay nabigla rin at napaatras dahil sa pagkabigla. Marami na kasing guro rito ang nawalan ng trabaho dahil lang sa isang pagkakamali ng mga ito. Isang maling hakbang mo lang dito ay pwede ka na nilang patalsikin dahil saklaw iyon ng kanilang unibersidad na maibigay ang lahat ng tama sa kanilang mga estudyante. Samahan mo na rin ng napakamahal na matrikula na binabayad dito. Hindi rin binibigyan ng permiso ang mga guro na magkamali ng turo dahil mahal nga ang bayad sa sweldo nila rito. Sampung beses na mas mataas ito kaysa sa pinakamataas na suweldo ng mga gurong nagtuturo sa public school. "Ano pa ang kailangan mo?!" ang tanong ulit niya. "Okay, I'll tell you this," ang paliwanag niya. "Late ako dahil galing kami ng S4 building at may inaasikaso kaming event na hindi na saklaw ng paaralan niyo. Happy now? Mamayang gabi sa bar ng mga Montenegro ay imbitado ang lahat ng mga magaganda at sexy para sa isang party at kaming mga mayamang gwapong lalaki lang ang pwedeng pumasok. Not the ugly woman like you!" ang pagyayabang pa niya sa buong klase sabay tawa. Tahimik... "What?! Ano pa ang tinitingin-tingin mo d'yan, Tanda?" ang mayabang na tanong niya sa aming professor. Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na sa ulirat ang aming professor. Kaagad niyang nginitian si Carlos. "Ah, hehehe. Nothing, Mr. Mondragon. You can get back and take that seat behind you again. I apologise," ang paghihingi niya ng tawad kay Carlos at saka humukod pa dahil sa takot na maisama rin siya sa mga gurong nawalan ng trabaho. "Tsk." Wala naman sa ganang bumalik sa pagkakaupo si Carlos at padabog na inilagay ang kaniyang bag sa may upuan. "Anyone of you, take your seat and let's just continue our topic." At nagsimula nang magklase ang aming professor. Samantalang si Carlos ay patuloy lang ang pakikipag-chat sa isang babae. Wala siyang pakialam sa aming professor na patuloy pa rin sa pagtuturo ng lesson. Mayamaya ay napatingin naman siya sa akin at nagtama ang mga mata namin sa isa't isa. "Anong tinitingin-tingin mo diyan?" ang tanong niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko siya pinansin at itinuon ang tingin sa professor namin. "Gusto mo?" ang tanong ulit niya at saka kunwari ay ibibigay niya ang kaniyang cellphone sa akin para asarin ako. "Luh, asa ka. Akala mo naman kung maganda ka," ang panunukso niya at saka tumawa ng malakas. Alas-singko ng hapon nang matapos ang aming klase. Isinubkit ko ang aking bag at lumabas na rin ng classroom. Bumitiw ako ng isang malalim na buntong hininga habang pinagmamasdan dito sa 5th floor ang mga estudyanteng naglalakad sa campus ground palabas. Mayamaya ay may umagaw ng atensiyon ko kung saan ang apat na babae ay may ipinapahiyang isang estudyante. Isa silang grupo ng mga babaeng nagrereynahan dito sa campus. Tanyag sila sa tawag na SLG o kung ang ibig sabihin ay Sexy Leaves Girls. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang pangalan nila pero ang alam ko lang ay sila ang grupo ng mga apat na babaeng nagrereynahan dito sa campus. Lahat sila ay anak ng mga negosyanteng may malaking tax na ibinabayad sa gobyerno. Sa madaling salita, anak sila ng mga mayayamang pamilya. Dinig na dinig ko ang kanilang pag-aaway habang itinutulak ng leader nila na si Queenery ang transferee student sa isang damuhan. "Walang hiya ka! Bakit mo 'ko tinapunan ng tubig?! How dare you?!" ang maarteng bulyaw ni Queenery sa babaeng nakatapon sa kaniya ng tubig sabay tulak dito ng malakas dahilan para sumalampak ito sa damuhan. "Hindi ko naman talaga sinasadya. Bigla ka kasing dumaan kaya hindi kita nakita. Hindi ko talaga intensiyong matapunan kita ng tubig. Pasensya ka na. Aray!" ang paghihingi niya ng tawad ngunit hindi rin nagpatinag ang isa pa nilang ka-miyembro na si Flowers dahil muli rin nitong itinulak ang babae sa may damuhan. "Dapat lang sa 'yo iyan! And besides dito ka nag-aaral, isa ka lang palang scholar. Kayong mga mahihirap ay mga patay gutom. Hindi kayo nararapat sa university na ito. Dapat ito–" Lumapit si Flowers sa babae at walang pasubaling iginiit ang mukha niya sa lupa. Sumubsob ang mukha ng babae at ang kaniyang itsura naman ay nakadikit na sa napakaduming lupa. "Dapat damo ang kinakain niyo! Sige kumain ka, kainin mo 'yan!" ang wika ulit ni Flowers at mas lalo pang iginiit ang mukha niya dahilan para ang mukha nito ay bumaon sa damuhan. Tawanan silang apat samantalang ang mga tao sa paligid ay nakatingin lamang sa kanila at walang ginagawa. Hindi magawang lumaban ng babae dahil nanghihina na ang kaniyang katawan. Wala siyang ibang nagawa kundi ang umungol na lang at hayaang patuluin ang mga luha dahil sa kahihiyan. "Tama na," halos bulong na usal niya sa kanila. Tawanan ulit silang apat... "Ikaw na hungkag na babae ka," sabay duro ni Queenery sa babae. "Hindi mo ba alam na kami ang pinakasikat at pinakamagandang babae dito sa campus? At saka bakit mo 'ko tinapunan ng tubig?! Did you ever know na itong damit ko ay mas mahal pa sa buhay mo?! Sumagot ka!" Sa mga sandaling iyon ay sabay na pinagsisipa ng SLG ang babae na hindi man lang magawang manlaban. Wala itong ibang nagawa kundi ang humagulgol na lang. Ang mga tao sa paligid niya ay nakatingin lang sa kaniya. Wala ni isa ang nagkusang tulungan siya. Ilang minuto ang lumipas ay bigla na lang sumulpot sa kanilang harapan ang isang lalaki para tulungan siya. Iyon ay walang iba kundi ang isa sa pinakatanyag at pinaka-astig na artista na si Lucas Brylle Montefalco. Siya ang striktong kuya ni Kendra. Bukod diyan ay siya rin ang nag-iisang tagpagtanggol ni Kendra sa tuwing may nagtatangkang aaway sa kaniya. Ang malungkot nga lang ay isa siyang irregular student kaya hindi niya palaging naipapagtanggol si Kendra kina Philip. "Hey, tama na iyan!" ang sigaw ni Lucas habang tumatakbo ito palapit sa kanila. Maingat niyang inalalayang mabuti na makatayo ang babaeng nakahilata sa damuhan. "Huhu, that girl kasi Lucas 'e. Tinapunan niya ng tubig itong napakagandang damit ko. Mas mahal pa naman ito sa life niya," ang maarteng sagot ni Queenery kasabay ng peke niyang iyak. Biglang nanlaki ang mata ni Lucas nang biglang may lumabas na kaunting dugo sa mukha ng babae. "Miles, may dugo," ang bulong niya kaagad rito. Hinarap ni Lucas ang SLG at saka sinigawan sila. "Anong karapatan niyo kung bakit niyo 'to nagawa sa kaniya?! Hah?!" ang galit na bulyaw ni Lucas sabay duro sa kanilang apat. "Mga wala kayong kwenta! Magkano ba 'yang damit mo dahil babayaran ko ngayon na! Ano? Magkano na?!" ang sambit nito nanggagalaiti ito sa galit. Tiim bagang niyang tinititigan sina Queenery. Napanganga naman si Queenery. Wari'y nagulat pa siya dahil mas ipinagtanggol pa nito si Miles kaysa sa kanilang apat. "What the hell was that, Lucas?! You're protecting that poverty-ridden girl instead of me?! I can't damn believe on this. Pare-pareho kayong mga lalaki!" hindi makapaniwalang sambit ni Queenery. Inilagay nito ang kamay niya sa noo nito na tila pilit iniintindi ang mga pangyayari. "Umalis na kayo at huwag niyo nang hintayin na magdilim pa ang paningin ko sa inyo! Pati kayong lahat na nandito," sabay duro sa mga taong nagkukumpulan sa paligid. "Sigurado akong mapapahamak din kayo 'pag hindi kayo umalis!" ang pagbabanta niya. Agad namang nagsitakbuhan ang mga tao sa paligid palayo sa kanilang kinaroroonan. Pati ang grupo nina Queenery na tumitili pa habang tumatakbo palayo. Ang kanina'y mga nagkakagulong estudyante sa kanilang kinaroroonan ay biglang naglaho na parang bula. Marami kasing kaibigang siga rito si Lucas sa loob ng campus. At halos lahat ng mga tao rito ay takot na maisama rin sila sa mga listahan ng mga sigang nambibiktima. Tahimik... Inalalayan ni Lucas si Miles na makalakad patungo sa kaniyang kotse. Hindi ko alam kung sino siya sa buhay ni Miles at kung bakit ganoon nalang siya ka-protective at maingat dito. Samantala, napatitig naman ako sa mga iilang mga artistang palakad-lakad sa buong campus. Halos lahat ng artista rito ay galing pa sa mga sikat na media at entertainment company. Hindi rin maitatanggi na kahit saang anggulo ka tumingin ay makakakita at makakakita ka ng mga gwapong estudyante. "Hawakan mo na 'to. Bilis!" ang iritableng sabi niya at inabot sa akin ni Carlos ng kaniyang bag na may sandamakmak na laman at mga gamit. "Umuwi ka na dahil may pupuntahan pa ako. Kumuha ka na lang ng taxi diyan," ang pagtataboy niya sa akin. "Hindi ka pwedeng umalis dahil may pupuntahan ang mommy at daddy mo bukas. Gusto ka nilang makasama ngayon sa dinner niyo," ang pagpigil ko sa kaniya. Napahilamos siya ng kaniyang mukha. Tila yata nainis siya sa akin. "Bakit ba madami ka pang satsat diyan?! Sundin mo na lang ang sinasabi ko sa 'yo dahil nga may pupuntahan ako ngayon! Isa pa, ikaw na ang bahalang magdahilan sa kanila, at huwag na huwag mo rin itong sabihin sa kanila kundi malalagot ka talaga sa akin," ang pagbabanta niya at agad na pumasok ng kaniyang kotse. "Sila dapat ang kasama mo ngayon dahil hindi mo sila makikita nang mga ilang araw. Mas dapat mong unahin muna iyang pamilya mo kaysa sang girlfriend mo," ang tugon ko. "Hindi, kaya umalis ka na! Nakakasira ka lang ng araw ko. Teka, tandaan mo 'yong mga sinabi ko sayo. Sundin mo 'ko dahil ako ang nagpapa-sweldo sayo at hindi sila. Alalay lang kita kaya dapat mo akong sundin, okay? Dahil ako ang boss mo. Ako ang master mo. At alipin lang kita!" ang sambit niya at saka pinaandar ang kaniyang sasakyan. "Teka nga pala, tama nga ang sabi mo. Magme-meet up kami ng girlfriend ko ngayon," ang dagdag pa niya kahit hindi naman talaga niya dapat pang sabihin ito. Tumuwid ako ng tayo dahil hindi ko na matiis ang mga sinasabi niya sa akin. "Grabe ka, Carlos. Ganyan na lang ba kaliit ang tingin mo sa akin? Kailan ka ba magsasawa sa pagtawag mo sa akin ng alipin, ha?" ang tanong ko. Tahimik... "Okay sige na, alipin mo na ako. Pero ito lang ang tatandaan mo, hindi niyo alam na kapag wala kami ay wala rin kayo! Kayo talaga itong mga mayayaman, napakalaki ng mga ulo niyo!" hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa matinding sama ng loob. Simula kasi noong unang dating ko rito ay hindi ko pa naranasan na naging mabait siya sa akin. Umpisa una hanggang huli ay puro sermon niya na lang ang nilalamon ko. "Dami mong sinasabi. Ang arte-arte mo! Sige na, umuwi ka na. Bahala ka na nga d'yan!" ang naiiling na sambit niya sabay paharurot ng kaniyang sasakyan. Naubo pa ako dahil sa usok na dumapo sa mukha ko. Napabuntong hininga na lang ako at napailing. Inilagay ko sa isang shed ang napakaraming mga folders at mga librong binigay niya sa akin. In-open ko ang aking cellphone at saka nag-book online ng transportation sa isang app. Napangiti ako nang suwerte kong napili si Kuya Harvey na maghahatid sa akin. Umupo muna ako sa bench para hintayin siya. Ilang sandali ang lumipas ay naisipan kong i-open muna ng aking social media. Wala naman ang naging bago. Walang messages at wala ring notifications. Wala naman kasi akong masyadong friends dahil binaliktad ko ang spelling ng pangalan ko. Tanging sila Kedra, Sophia, Jenny lang, at mga kamag-anak ko ang nakakaalam. Sinubukan kong i-open ang nakalimutan ko ng password at ang totoo kong account kung saan buong pangalan ko ang nakalagay pero wala pa rin talaga. Lumipas na lang ang ilang minuto hanggang sa dumating na si Kuya Harvey nguni't hindi ko man lang ito nabuksan. Napalabi na lang ako at wala sa ganang isinukbit ang aking knapsack. Ang bag ni Carlos ay inilagay ko sa aking harapan at agad din itong isinukbit. Si Kuya Harvey na ang nagkusang kunin ang mga ibang gamit ni Carlos at tinulungan akong ilagay ito sa kaniyang kotse. "Ba't mukhang malungkot ka ata ngayon?" ang tanong sa akin ni Kuya Harvey sa akin. Ngumiti ako bilang tugon. "Pagod lang po dahil sa dami ng mga requirements," ang nakangiting sagot ko. "Naku, isa rin 'yan sa mga problema ko no'ng college ako, eh. Ang hirap pala talaga at halos hindi ka makatulog dahil sa tambak na mga activities," ang tugon niya habang natatawa pa. "Nakapagtapos ka po ba ng college?" ang pang-uusisa ko. "Second nga lang, eh. At dahil na rin sa maaga akong nakabuntis kaya tumigil na ako sa pag-aaral," ang sagot niya. "Anong course naman ang kinuha mo?" ang pang-uusisa ko. "Criminology, d'yan lang sa CSU. Dati akong varsity ng basketball doon, at saka dati ring member ng isang frat," ang sagot niya. "Frat? 'Di ba 'yan iyong may sinasaktan kayong member? Halaaa!" ang pagtataka ko na parang inosente sa mga tanong ko. Bigla siyang natawa. "Ano ka ba naman, hindi ganon ang ibig kong sabihin," habang natatawa. "Grupo kami ng limang mga lalaki roon at saka lahat kami ay kinagigiliwan ng mga babae. 'Yong frat namin ay hindi lang gawa-gawa. Mayaman kasi ang mga magulang namin kaya kami nabuo," ang sagot niya. "Eh, mayaman naman po pala ang mga magulang mo?" ang tanong ko. "Oo, pero ayaw kong umasa na lang sa mga yaman nila. Gusto kong buhayin ang pamilya ko galing sa sariling pagod ko. At isa pa, itinakwil na nila ako," ang sagot niya. Bigla akong napaisip. Ganon naman pala sila kayaman? Kaya pala ganito siya kaputi. Parang hindi naaarawan at nakakasilaw tignan ang kaniyang maputing katawan. At wala ring bahid na kahit ano ang kaniyang inosenteng mukha. Ilang sandali akong natahimik. Seryoso lamang sa pagmamaneho si Kuya Harvey habang nakatuwid ang tingin sa daan. "Saan ka po ba nakatira, Kuya? Kayo ng asawa mo, saan kayo nakatira?" ang tanong ko nguni't wala akong sagot na nakuha. Tila nakaramdam ako ng pagkahiya kaya tumahimik na lang ako at isinandal ang ulo ko sa bintana ng kotse. Tahimik... Ilang metro na lang malapit na naming marating ang bahay nina Carlos nguni't hindi pa man kami nakarating doon ay agad na niya itong itinigil at itinapat ang kaniyang kotse sa katabi ng malaking bahay nina Carlos. "Diyan pa po ako sa may kabilang bahay, hindi dito," ang nakangiting sagot ko dahil baka nakalimutan lang niya kung saan ako talaga ako bumaba. Ngumiti siya. "Kita mo 'yang bahay na 'yan?" ang sabi niya sabay turo sa hinintuan naming maganda at malaking bahay. Malaki rin ito katulad sa bahay nina Carlos. Tumango ako. "Diyan nakatira ang mga magulang ko. D'yan din ako dati nakatira," ang sagot niya dahilan para mamangha ako. Ibig sabihin pala ay napakayaman din ang mga magulang niya katulad nina Carlos?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD