CHAPTER 02

2168 Words
NAGISING ako mga bandang alas-singko ng umaga. Bumangon ako sa aking kama at inayos ito isa-isa. Ilang sandali pa ay lumabas ako ng kwarto ko at saka dumiretso sa kusina para ipagluto si Sir Carlos ng kaniyang alamusal. Ako kasi ang nakatalaga na magluto ng almusal niya araw-araw. Naglatag ako ng fried chicken at kanin sa hapagkainan at saka lumabas na ng mansion. Natanaw ko si Manang Minda na nagwawalis ng bakuran. “Good morning, Manang Minda!” ang bati ko sa kaniya. “Ikaw pala, hija. Magandang umaga sa iyo,” ang bati rin niya. “Ako na ho ang bahala d'yan, mukhang pagod na po kayo kanina pa,” ang mungkahi ko. “Naku, hindi na dahil hindi pa naman ako pagod. Araw-araw ko nang ginagawa ito sa mansion kaya sanay na itong katawan ko sa kakalinis,” tanggi niya sa alok ko. “Sigurado po akong pagod na kayo. Ako na po ang bahala diyan, sigurado akong kanina pa kayo pagod dahil sobrang dami niyo ng pawis,” ang pagpupumilit ko. Agad niyang pinunasan ang mga namumuong pawis sa kaniyang mukha. “Naku, kahit kailan talaga ay napakabait mong bata ka. Oh, siya, ikaw na muna ang bahala rito dahil may lilinisin lamang ako sa loob,” ang sagot niya sabay bigay ng walis at dustpan sa akin. “Sige po, salamat,” sagot ko at saka ipinagpatuloy ang pagwawalis sa bakuran. Tahimik… “Ehem.” Napalingon ako nang may narinig akong tumukhim sa aking likuran. Si Kuya Cedrick, busy siya sa kakaayos sa kaniyang pantalon. “Pakiayos nga nitong pantalon ko dahil napakahaba, hindi ako makagalaw ng maayos. Ang sikip,” ang pakiusap niya. Inilatag ko sa may damuhan ang walis at dustpan na hawak ko at saka lumapit sa sa rito para tiklupin ang mahaba niyang pantalon. Tahimik… “Hey, Kelcy!” ang narinig kong sigaw sa akin ni Sir Carlos. Mabilis akong tumayo at agad na kinuha ang walis at dustpan sa damuhan. “P-Po?!” ang sigaw ko rin para marinig niya ang boses kom Matalim na naman siyang nakatitig sa akin. Tumaas ang kaniyang kilay. “Come here!” ang utos niya. Nagpaalam ako kay Kuya Cedrick at saka agad na lumapit kay Carlos. “A-Ano po ang kailangan niyo, Sir Carlos?” ang tanong ko habang nakatungo dahil hindi ko kayang tignan ang kaniyang gwapo at seryosong mukha. Hindi niya ako pinansin. Kinutusan niya muna ako bago siya tumalikod at muling pumasok sa loob ng mansion. “Serve me the food! Are you dumb? I told you to prepare my breakfast! Why don't I see any food in the plate?!” Nakaharap ito sa dining table habang hinihintay akong lagyan ko ng kanin ang kaniyang plato. Halos mag-echo na sa buong dining table dahil sa taas ng boses niya. Agad akong lumapit ako malapit sa kaniya at nilagyan ng kanin at ulam ang kaniyang plato. “Where's the ketchup? Bakit wala pa rin dito? Didn't I tell you this before already?! Get it for me! Bilis!” ang sambit niya kaya natigagal ako at natakot. Mabilis akong bumalik sa kusina para kunin ang ketchup na hinahanap niya. Inilatag ko ito sa kaniyang harapan at umusod ng kaunti para hintayin kung ano ang susunod na utos niya sa akin. Tahimik… Tila napansin niyang nananatili akong nakatayo sa kaniyang harapan kaya napalingon siya sa akin. Matalim ulit niya akong tinignan kaya napatungo na naman ako. “Are you still here for what? Umalis ka na,” ang pagsusungit niya kaya medyo napaatras ako. Wala akong nagawa kundi ang lumabas na lang ng mansion at saka ipinagpatuloy ang aking ginagawang pagwawalis sa bakuran. Tahimik… “Kelcy, ipinapatawag ka ni Ma’am Eden sa office niya. Ako na lang ang bahala r'yan,” ang wika sa akin ng isang katulong. “Sige po. Pupunta na,” sagot ko sabay bigay ng walis at dustpan sa kaniya. Lumakad ako patungong second floor kung saan naroon ang office ni Ma’am Eden. Tahimik… Pinindot ko ang ‘VOICE IN’ button at saka nagsalita na nandito na ako. Marahang bumukas ang pintuan ng kaniyang office. Binitawan ni Ma’am Eden ang magazine na hawak niya at matuwid na tumingin sa akin. “Hija, pinatawag kita dahil may gusto lamang akong iutos sa ‘yo. Halika, maupo ka na muna rito,” ang wika niya. “A-Ano po iyon?” ang nauutal na tanong ko. Napangisi siya. Tumikhim muna siya bago nagsalita. “Gusto ko lang sanang ibilin sa iyo si Carlos dahil bukas na bukas din ay aalis kami ng daddy niya patungong Korea to engage with their most popular boy band na SG10 para sa panibagong concert na gaganapin dito MMI Arena of Manila. Kapag may ginawa siyang hindi maganda ay agad mo akong tawagan dahil kami na ng daddy niya ang bahala. Huwag mo rin dapat siyang hahayaang uuwi ng gabi. Maliwanag ba?” ang wika niya. Ang Mall of Mondragon International o mas tinatawag na MMI ay ang highest grossing mall dito sa Pilipinas pagdating sa marketing. Naging tanyag ito dahil sa kakaibang disenyo ng kanilang gusali kaysa sa ibang mall. “A-Ah, opo. Gagawin ko po ang utos niyo,” ang sagot ko. “Mabuti naman kung gano'n. Siya nga pala, itong pera, ibigay mo sa nanay mo para mapabilis ang pagpapagaling niya,” ang sabi niya sabay abot sa akin ng isang cheque. “P-Pero kakasuweldo ko lang po no'ng isang linggo? Hindi ko pa po sahod ngayon,” ang sagot ko. “Kunin mo na ito and don't be shy. Bayad ko iyan para bantayan mo ang anak ko. Ang gusto ko lang ay bantayan mo siya nang mabuti dahil maraming alam na kabalastugan 'yan. Kapag may gagawin naman siyang hindi maganda ay agad mo itong i-report sa akin. Do you understand?” Tumango naman ako. “Salamat po,” ang patuloy ko pa. Nginitian niya ako. “Hindi, ako ang dapat na magpasalamat sa 'yo, Hija. Basta ikaw na ang bahala sa anak ko. You may now leave,” ang sagot niya. Gumanti ako ng ngiti at saka lumabas na ng kaniyang opisina. Nag-inat ako ng katawan bago tuluyang nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating ako sa aming university ay marami na naman ang mga estudyante ang nagkukumpulan at naghihintay sa labas ng gate. Sinundan ng mga ito ang kotse ni Carlos hanggang sa makarating sa parking lot na nakalaan lamang para sa kaniyang mga kaibigan. Sa itaas nito ay makikita ang salitang “S4,” na ang ibig sabihin ay “Seductive 4.” “Grabe na talaga ang henerasyon ngayon. Babae at beki na ang nagfi-first move sa lalaki,” ang wika ni Sophia habang pinagmamasdan namin ang mga estudyante na nagbibigay ng kanilang mga regalo kay Carlos. “Hi Carlos, ito pala chocolates para sa ‘yo. Galing pa iyang ibang bansa mula kay daddy, kakadating lang niya kahapon,” ang sambit ng isang malanding babaeng nakasuot ng maikling palda sabay abot kay Carlos ng isang supot ng chocolates. Tinanggap naman iyon ni Carlos. “Thank you, regards me on your daddy. Sabihin mo na lang, salamat,” ang sabi niya sa babae sabay ngiti. Halos mahimatay ang babae dahil sa matinding kilig kahit ang totoo naman ay hindi talaga siya papatulan ni Carlos. Propaganda lang niya ito para sa mga fans niya para mas lalong magkagusto ang mga ito sa kaniya. “Kunin mo na 'to,” ang utos niya sabay abot sa akin ng ng ibinigay sa kaniya ng babae. Agad ko naman itong isinilid sa isang paper bag na naglalaman ng mga alay este mga regalong natatanggap niya. “Pumunta na lang tayo ng cafeteria. Kanina pa ako nagugutom dahil hindi ako kumakain kanina. Nagmamadali ‘yong driver namin kanina kaya nagutom ako. Ikaw, tapos ka na bang kumain?” ang tanong ni Sophia. “Hindi rin. Wala kasing may natira sa ulam kanina,” ang sagot ko. “Bakit naman?” tanong ulit niya. “Inubos lang naman ng boss ko,” ang matipid kong sagot. Natawa siya. “Kumain na lang tayo. Tara!” ang sambit niya sabay hila sa akin patungong cafeteria. Kandautal naman ako habang sinusundan ko siya. “Anong ulam ang gusto mo d'yan?” ang tanong niya. Napatingin ako sa menu na halos sa isang araw ng trabaho ko ang mga presyo. “Itong chicken puttanesca na lang siguro,” ang sagot ko. Pagkasabi ko no’n ay siya naman ang pagpasok ni Kendra sa loob ng cafeteria. Nang makita niya kami ay agad siyang lumapit sa aming kinalalagyan. “Bakit ngayon ka lang?” ang bungad sa kaniya ni Sophia. “Traffic kasi, eh. Pinagalitan pa ako ni kuya kanina,” sagot naman ni Kendra. “Palagi naman. Teka, bakit ka nandito? Kakain ka rin?” tanong ulit nito. Tumango siya at kinuha ang menu na nasa kaniyang harapan. “Nagmamadali kasi si kuya kanina at tanghali pa ako nagising,” ang sagot niya. “Ano ba ang gusto mong ulam d’yan?” pag-usisa ni Sophia. “Uhhmm, itong Livermush na lang siguro ang akin. Sa iyo ba?” balik na tanong niya kay Sophia. Pati ang mga pangalan ng mga pagkain nila rito ang hirap ding bigkasin. Kahit na ang totoo naman ay isang lang naman itong atay na karne ng baboy at nilagyan ng mga repolyo. “Dalawang serve ng adobong manok, hehe.” Tawanan kami… Sa aming tatlo ay si Sophia ang pinaka-matakaw, nguni’t kahit malakas naman siyang kumain ay hindi pa rin ito tumataba. Marami rin ang mga nanliligaw sa kaniya pero ni isa ay wala siyang sinagot dahil nasa isang tao lang daw ang nagugustuhan niya. Si Kendra naman ang pinakamahinhin. Pinalaki kasi itong may striktong nagdidisiplina sa kaniya. Siya rin ang pinakamatalino sa amin dahil siya ang nangungunang estudyante sa kanilang department. Sa lahat ng subject ay tatlong beses lamang kaming nagiging magkaklase, iyon ay ang Advertisement, Banking and Investment, at Physical Education. Ang kursong kinuha ni Sophia ay Multimedia Arts, kay Kedra ay Architecture, at ang akin naman ay Accounting. “Ito na po ang order niyo, Ma’am,” ang saad ng isang utility sabay latag ng mga order namin. “Salamat,” ang sagot ni Sophia. “Oh my god! Nandito na sila!” ang biglang sambit ng babae sa aming likuran. Napalingon kami sa glass door ng cafeteria at dito ay pumasok ang apat na naggagwapuhang lalaki, ang S4. Tawanan ang mga ito maliban kay Mark Ian dahil seryoso lang siya habang naglalakad. “Uy Philip, look at your girl, oh. Kendra Gaile Montefalco,” sabat ni Tristan sabay turo sa aming kinalalagyan. Napangisi naman si Philip nang mapalingon siya sa amin. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Sinundan nila si Philip patungo sa aming kinaroroonan. “Hello, Miss Ugly Duckling, my nerd,” sambit ni Philip sabay kuskos sa buhok ni Kendra. Tahimik lang si Kendra habang patuloy sa pagkain. “Ano ba? Alam mo ba na kumakain ‘yong tao? Huwag niyo na nga siyang guluhin!” ang sabad ni Sophia nguni’t hindi siya pinansin ni Philip. “Wow, sarap ng ulam, pork. Gusto talaga niyang tumaba para lalo siyang pumangit,” ang pang-aasar ni Philip sabay turo sa ulam ni Kendra. Tawanan ang mga tao sa paligid… Tahimik lang si Kendra. Nakayuko ito habang patuloy sa pagkain. Namumula na ang kaniyang mata at may namumuo ng mga luha rito. Napatayo ako at biglang kinabig ang kamay ni Philip. “Tama na nga iyan! Hindi niyo ba alam na pinagalitan na ‘yan kanina ng kuya niya tapos ginaganyan niyo pa?” ang paninita ko. “Psst. Tumahimik ka nga d'yan dahil hindi naman ikaw ang kinakausap. Are you raving to yourself? Nakisawsaw ka sa usapan nang may usapan!” ang sagot ni Carlos sabay kutos sa akin. Tawanan ang mga tao sa paligid. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dito sa kinatatayuan ko. Sa sobrang hiya ay bumalik na lamang ulit ako sa pagkakaupo at hindi na umimik pa. “Pare, pinagalitan daw siya ng kuya niya kanina?” ang tanong ni Tristan nguni’t alam kong may halo na naman itong pang-aasar. “Baka pinagalitan siya ng kuya niya, tinatanong kung bakit ang pangit niya?” ang sagot ni Philip. Tawanan ulit ang mga tao sa paligid… “Enough,” ang biglang sabad ni Mark Ian dahilan para tumigil ang mga tawanan. “We’re eating. Tama na 'yan. Hayaan niyo na sila.” “Kahit kailan talaga ay napaka-kill joy nitong si Mark,” ang pagmamaktol ni Tristan sabay kamot ng kaniyang ulo. Nagsibalikan ang mga tao sa kaniya-kaniya nilang table. Ang S4 naman ay umupo na rin sa kanilang sariling table. Si Mark Ian ang anak ng may ari ng university kaya sila may sariling table sa cafeteria, sariling building, parking lot, at tambayan. “Napakasama talaga ng mga ugali,” ang inis na bulong ni Sophia. Kumuha ako ng tissue at agad na pinunasan ang mga namumuong luha ni Kendra. “Hayaan mo na sila. Mga wala lang talaga silang magawa sa buhay,” ang alo ko. “Salamat,” ang matipid na sagot niya sabay ngiti. Alas-nuwebe ng umaga nang mag-umpisa ang aming klase. Business law class kaya hindi kami magkakaklaseng tatlo kundi kaming dalawa ni Carlos ang magkakaklase. Ang kinuha niyang kurso ay Business Administration dahil siya ang nakatakdang magmana sa negosyo ng kaniyang magulang. “Good morning, everyone.” Bumukas ang pintuan ng aming classroom at dito ay biglang sumulpot ang professor namin dahilan para matahimik ang buong klase. Tumayo kaming lahat. “Good Morning, Ma’am. It’s nice to see you tod–” Napatigil kami at napalingon sa taong nasa pintuan. “Excuse me.” “Mr. Mondragon, you’re late,” ang sagot ng professor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD