Dastan's POV "Sigurado kana ba sa gagawin mo Ma'am Tamarra?" nag aalalang tanong sa akin ni Beth. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Bumaba na ako ng sasakyan hawak ang brown envelop. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para makapunta dito sa condo. Gusto pa sana ni Beth na samahan ako hanggang sa unit ni Dastan pero sinabi ko na kaya ko ang sarili ko kahit hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa oras na ito. Nakasakay palang ako sa elevator para na akong hindi makahinga sa sari saring emosyon na nasa puso at isip ko. Nang makarating ako sa room number na hinahanap ko ay matagal ko pa itong tinitigan na parang gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat. Isang masamang panaginip na gusto kong magising. Nang magkaroon na ako ng lakas ng loob para magdoorbell.

