Prologue
We have a simple celebration in my house, because I already graduated from my elementary year. Nakatingin lang ako sa mga bisita ni Mama.Wala pa kase iyong hinihintay kong importanteng bisita para sa akin. Nakapangalumbaba pa din ako sa lamesa ng lapitan niya ako.
"Oh, why are you so sad my baby Tam-Tam?" nakangiting tanong niya sa akin. I pouted my lips.
"Ma don't called me Tam-Tam. I'm already a big girl"
"Hinihintay mo ba siya?" tanong niya pa rin.
"He promise me Ma, that his going to be here." Nakalabi kong sabi. Tinawanan lang ako ni Mama.
"Sabi ng Ninang Lorna mo on the way na daw sila. Hinintay pa kase nila si Ninong Rich mo kaya medyo malalate sila." paliwanag niya sa akin.
"How about your kuya Thunder? Did you see him?" tukoy ni Mama sa Big brother ko.
"I think Ma, kasama niya iyong mga kabarkada niya." sagot ko kay Mama saka bahagyang ngumiti. Maya Maya lang ay may bagong pasok sa pintuan ng bahay namin.
"Tan-Tan!" tawag ko sa kababata ko at isa sa mga kaibigan ni Kuya.
"Tam-Tam!"balik tawag naman niya sa akin.
Ngumiti ako ng pagkatamis tamis sa kaharap ko. At ang love of my life nga is none other than Tristan Dastan De Cordova. Tan Tan for short. Ang cute ng tawag ko sa kanya, diba? Ako nagbigay ng name nayan sa kanya.
I never called him Kuya kahit sinabihan ako ng Kuya Thunder ko na dapat Kuya Dastan ang itawag ko. Duh! Wala namang tatawag na kuya sa taong mahal mo. His two years older than me like Kuya Thunder. Kaya sila magkaibigan. Actually anim silang magkakaibigan. At syempre ako ang muse nila.
"Sorry na late kami. Hinintay pa kase namin si Daddy." nahihiyang sabi nito at nagkamot pa sa ulo.
"It's okay. The important thing is you're finally here!" masaya kong sabi.
"Hi Tamarra. Congratulations!" masayang bati sa akin ni Ninang Lorna. Mami ni Dastan.
"Congrats Hija." sabi naman ng Daddy ni Dastan. Si Ninong Rich.
"Thank you Ninang, Ninong."
"Kumare nandito na pala kayo hindi manlang ako tinawag nitong baby girl ko". saka nakipag beso beso si Mama kay Ninang.
According to my Mama, mag bestfriend na daw sila ni Ninang since elementary.
"Tam-Tam, come on. Just leave them alone, they are all grown ups." saka niya ako inakay papunta sa may pool area ng bahay namin.
Nakaupo kami ngayon dito sa may gilid ng pool. Nakababad ang mga paa namin.
"Tan-Tan." kalabit ko sa kanya. Ang tahimik niya kase. Lumingon naman siya sa akin. "I'm going to America." panimula ko.
"I know." malungkot niyang sagot sa akin. "Sinabi sa akin ni Mami."
"Pero sabi ni Mama after college babalik din kami dito." medyo pinasaya ko ang boses ko.
Hindi naman siya kumibo. Alam ko malungkot din siya dahil mawawala iyong favorite niyang friend. Oo, alam ko kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Like a little sister, iyon lang yon. Pero tanggap ko naman. Atleast pagkailangan ko siya lagi siyang nandyan kahit niloloko na siya nila Kuya Thunder.
Maya maya ay may inilabas siyang maliit na box mula sa bulsa niya. Inabot lang niya iyon sa akin.
"Congratulation ulit." saka tipid itong ngumiti.
I opened the box and I saw a necklace with a heart shape pendant on it. Locket to be exact.
"Thank you Tan-Tan." nakangiti kong sabi sakanya.
Kinuha niya iyong necklace sa akin at siya na nagsuot. Nagulat ako ng yakapin niya ako saka bumulong sa akin.
"I will wait for you Tamarra. I promise."
Iyon lang ang panghahawakan ko. Ang pangako ni Dastan na hihintayin niya ako.