Fifteen Years Later
Finally, I already arrived here at Ninoy Aquino International Airport Terminal 2. After a long and tiring flight.
"Tan-Tan my love, I'm finally home. Just wait for me!" nakangiti kong kausap sa sarili ko.
Tuloy tuloy lang ako sa paglabas at saka nagpalinga linga sa paligid. Maya maya ay nagdial ako sa cellphone ko ng hindi ko makita ang hinahanap ko.
"Kuya Thunder where are you?!" bungad ko agad sa kabilang linya.
"Oh, I'm very much fine my little sister thank you for asking." sarkastikong sagot nito.
"Kuya, I'm already here at the airport. You told me that na pagbabang pagbaba ko palang sa eroplano ay nandito kana para salubungin ang paborito mong kapatid." naiinis kong sagot.
Kausap ko na siya bago ako umalis sa L.A na 9:00 a.m ang dating ko sa Pilipinas. At ang sabi nito ay masusundo daw niya ako.
"Hey, don't be so childish. For your information my little sister ikaw lang ang kapatid ko." natatawang sabi nito sa kabilang linya.
"Kuya Thunder!" naiinis na talaga ko sa kapatid ko.
"I'm sorry little sis naglambing kase si Storm at ayaw akong palabasin ng bahay. Don't worry mas magugustuhan mo iyong tao na pinapunta ko dyan." tukoy nito sa 2 years old na anak.
Naiintindihan naman niya ang Kuya Thunder niya, basta sa pamilya nito lahat gagawin nito. And I'm very proud of him. Dati kaseng masyadong seryoso ito sa buhay. Akala nga naming ni Mama dati hindi na ito magkakapamilya kase super suplado. Nagbago lang ito ng makilala niya si Ate Stephani ang hipag ko. Naging tao ang Kuya ko dahil sa kanya. At si Kuya na din ang nagpatuloy ng mga naiwang negosto ni Papa dito sa Pilipinas kabilang na dito ang pagpapatakbo sa Security Agency nito. He is a young general on Air Force before, But he already retired para na din sa safety ng pamilya niya.
Nang makagraduate ng highschool si Kuya Thunder ay hiniling niya kay Mama na gusto niyang dito nalang sa Pilipinas magtapos ng College. And I know also the reason, he misses his friends. Wala din namang nagawa si Mama, kaya pinayagan nalang niya si Kuya Thunder at ng makagraduate naman ako ng College inadvise ko kay Mama na umuwi na din siya ng Pilipinas para my kasama naman si Kuya.
Nagpaiwan muna ko ng ilang taon sa L.A para naman kahit papaano ay my maipagmalaki ako kapag uwi ko ng Pilipinas. And my work. I'm a toy designer sa pinakamalaking pagawaan ng laruan sa buong mundo. Especially a doll.
Three years ng kasal ang Kuya Thunder ko. Noong time lang din nayon na nauwi ako sa Pilipinas para lang umattend sa kasal niya. Syempre sabi ko kay Kuya partner ko si Dastan my loves ko. Kaya lang hindi niya ako pinapansin that time. Hindi naman niya sinasagot iyong mga tawag at emails ko. Kahit nang pabalik na akong L.A hindi ko siya nakausap. Hindi naman ako pwedeng magtagal sa Pinas, dahil may pasok ako sa school, kaya hindi ko siya nakulit.
Anyway, highway. I'm back naman na, for good. So magagawa ko na ang matagal ko nang pinaplano na pagpapaiibig sa prince charming ko. Nagising lang ako sa pag iisip ko ng may mamataan akong isang gwapong nilalang na papalapit sa akin.
I know this feeling. Para akong aatakihin sa bilis ng t***k ng puso ko. How can I forget that angelic face, those eyes that seemed to penetrate my very soul, a perfect nose and those sexy lips. Idagdag pa ang napaka flawless nitong suot na business suit na animo isang modelo.
Oh, God, why he is so perfect? He was just too perfect.
"Tan-Tan malabs!" I shouted and throw myself to hug him.
Kulang nalang ay pugpugin ko siya ng halik. Pero syempre hindi ko ginawa baka isipin niya sabik na sabik ako sa kanya. Muntik pa nga kaming mabuwal.
"Hey, hey, easy woman. My I know who you are?" nakangiting tanong nito.
Laglag ang balikat ko ng bumitiw ako ng yakap sa kanya. Akala ko pa naman nakilala na niya ako. Three years palang naman nang huli kaming magkita.
"You don't really know me? Huh?" nakapamewang kong tanong din sa kanya. Umiling lang ito at saka nakakunot nuong tumingin sa akin.
"It's me, the most beautiful lady that you ever meet Tamarra Zoe Lagdameo." masaya kong pakilala at umikot pa sa harapan niya.
Muka namang nakilala ako nitong si Dastan base na rin sa reaksyon ng gwapo niyang muka. Mas gwapo talaga ito sa personal kaysa sa mga picture lang naipinapadala sa akin ng Kuya at Mama ko.
"Is that really you Tamarra?" tanong nito pero inakap na din niya ako ng sobrang higpit. Gumanti lang ako sa ginawa niya. "I miss you so much Tam-Tam." bulong nito sa akin.
"I miss you too Tan-Tan." bulong ko din sa kanya at sabay kaming nagkatawanan sa kalokohan namin.
"So ikaw ba ang pinadalang sugo ni Kuya Thunder na susundo sa akin?" nakataas kilay kong tanong.
"Yes you're highness. So, lets go?" Masaya lang akong tumango at saka ako umabistre sa mga braso niya.
Nandito kami ngayon sa isang coffee shop. Inaya ko muna kase siyang mag coffee para makasama ko naman siya ng matagal tagal. Ang tagal ko kayang hinintay na makita siya at makasama, tapos I hahatid niya lang ako sa bahay pagkatapos niya akong sunduin sa airport? No way! Kailangan kong maka iscore.
"You know, staring is rude." nakangiti niyang sabi sa akin. I just gave him my most beautiful sexy smile.
"Ang gwapo gwapo mo kase Tan-Tan!" at saka ko Pinang tigilan iyong matangos niyang ilong kagaya ng palagi kong ginagawa sa kanya pag nanggigigil ako.
"I miss you Dastan." malabing kong sabi at nginitian niya lang ulit ako.
Ang panty ko! s**t! Ang gwapo talaga!
"Dastan naman! Huwag mo akong ngitian ng ganyan baka itanan kita agad."
Natawa lang siya sa sinabi ko at saka sumandal sa inuupuan niya at pinakatitigan ako. Naconcious tuloy ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin.
"You know, staring is rude." pang gagaya ko sa tono niya kanina at saka ako humigop ng kape ko para mabawasan iyong tense ko.
"I can't believe that the ugly duckling is now a beautiful sexy lady."
"What?" teka nangiinsulto yata itong papables ko ah.
"I was just kidding. Pero nagulat talaga ko when I saw you at the airport. How many years had been past? Two?Three? "
"Three years to be exact." sagot ko.
"Hello? Kasal pa ni Kuya Thunder iyon. Ako kaya iyong maid of honor at ikaw iyong bestman. Hindi mo manlang nga ako kinausap." nakaingos kong sabi.
"Is that you?"
"Ay, no. It's just a ghost." asar kong sabi.
"Just kidding. I know it's you. Nahiya lang akong kausapin ka. Sobrang ganda mo kase." Then he winked that make me blush. Shock! I giggled like a teenager!
"Kailan ka pa natutong mambola?" nakataas kilay kong tanong sa kanya mapagtakpan lang ang pagkakilig ko.
"I'm just telling the truth. Hindi pambobola yon." katwiran niya. I smirked.
"Sus, if I know si Dencio lang magaling mambola sa inyong magkakaibigan." tukoy ko sa isa nitong kaibigan. Actually kaibigan namin.
"Uh...uhmmm"
"Anyway, anong sabi sayo ni Kuya?" pag iiba ko sa usapan.
"Sunduin ko raw ang amasonang balyenang kapatid niya." natatawang sagot niya sa akin.
"And you believe it?" hindi ako makapaniwalang tanong sa kanya. "Bwisit talaga si Kuya, nagkaasawa lang marunong ng mangtrip." nakalabi kong sabi.
"Come on Tam-Tam, you know his just kidding when he say those thing. Just smile. I like the way you smiled at me."
Ayiiihhhh. Ano daw? He like my smile?
"Tan-Tan naman!" nagpapadyak pa ako para maibsan ang kilig ko. Garbeh ha? 27 na ako pero para akong teenager kung kiligin.
"What?" nakatawa niyang tanong sa akin.
Ang loko parang hindi aware sa kilig na dinadala niya sa akin. Ang gwapo gwapo niya talaga. Napabuntong hininga. Lumipas man ang maraming taon, pero ganito pa rin katindi ang hatid niya sa akin.
"Ang lalim nun ah." sabi niya.
"Ang gwapo gwapo mo kase. Hindi ka na iyong patpatin na Dastan na lagi kong binabantayan." nakangiti kong sabi.
"Well, that's life. Kahit patpatin ako before aminin mo patay na patay ka sa akin nuon." tukso niya sa akin Pinamulahan tuloy ako sa sinabi niya.
"Hoy, excuse me. Ikaw kaya iyong patay na patay sa akin kaya nga lagi mo akong sinasamahan kahit saan ko gustong pumunta." defensive kong sabi.
"Sounds defensive huh?"
"No! I'm not!" tanggi ko agad.
Marami pa kaming pinagkwekwentuhan ng may isang magandang babae ang lumapit dito at halikan ito sa mga labi. At sa mismong harap ko pa. Nanlaki ang mga mata kong nakatingin lang sa kanilang dalawa.
"Ehem!" tumikhim lang ako kaya humiwalay ang babae dito.
Hello andito pa kaya ako.
"Margaux this is Tamarra my friend." pakilala sa akin ni Dastan sa nagngangalang Margaux.
Tinaasan ko lang siya ng kilay ng pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Mas maganda at sexy ako sayo, b***h!
"Pasado na ba ako? I know, mas maganda at mas sexy ako kaysa sayo. So don't feel so insecure." nakairap kong sabi dito.
In the first place hindi ko siya gusto para kay Dastan. Hindi ko gusto na hinalikan niya ang irog ko at sa mismong harapan ko pa. Dahil ako si Tamarra Zoe Lagdameo ay ang mapapangasawa lang naman ni Tristan Dastan De Cordova. Kung hindi ko maidadaan sa santong dasalan idadaan ko sa santong paspasan. Nagkibit balikat lang sa akin si Dastan ng panlakihan ko siya ng mata.
"Tan, just---"
"Don't called him Tan, ako lang ang may karapatang tawagin siya sa mga nick name niya." may pagbabanta sa boses ko.
"Just go Margaux, I will just call you. It's nice to see you." ngumiti pa ito ng umalis ang babae.
"What?" tanong nito sa akin.
"I don't want you seeing that girl+" tumayo ako at pinunasan ko ang mga labi niya. Sinubukan niyang pigilin ang ginagawa ko pero pumiksi lang ako.
"Don't. Pinupunasan ko lang baka may natirang bacteria."
Patuloy lang ako sa ginagawa ko ng hawakan niya ako at sapilitang pinaupo uli. Seryoso na ang ekspresyon ng muka nito ng balingan niya ako.
"Wala bang mas hahaba pa sa suot mo?" tukoy nito sa suot kong dress.
Napatingin tuloy ako sa suot ko na damit. Above the knee ang haba nito at hapit na hapit sa katawan ko at off shoulder na kulay Black dress with matching a valentino rivet pumps. Kaya kitang kita ang makinis at maputi kong balat pati ang perfect figure ko.
"Is there something wrong with my dress?" taka kong tanong. Bumuntong hininga lang ito bago sumagot.
"Hindi ko alam kung laki ka ba talaga sa America o ano. Looked at them." tukoy nito sa mga tao sa loob ng coffee shop na iyon.
Halos lahat yata ng andito sa coffee shop ay nasa amin ni Dastan ang atensyon. Nagtatanong ang mga mata kong tumingin sa kanya.
"Especially the guys. They directly looking at you. At your body." pumalatak pa ito bago humigot ulit ng kape nito. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Don't tell me nagseselos ka sa kanila? Come on Dastan, I'm all yours." sabi ko at saka ibinuka ang dalawa kong mga kamay. Hindi niya ako pinansin kaya inismiran ko lang siya.
"Dapat nga ako ang magselos dahil hinalikan ka ng kambing na babaeng iyon sa harap ko mismo."
"Si Margaux?"
"Margaux short for margoat. Che!" saka ko siya inirapan. Magsasalita sana ito ng magring ang cellphone nito.
"Yes, hello?"
Bahagya pa itong lumayo sa akin habang nakikipag usap sa kabilang linya.
"It's your Kuya. Tinatanong niya kung kasama pa kita. Hinihintay ka na daw ni Tita Elisa." tukoy nito sa Mama ko.
"So, your highness we need to go at baka mapaaway pa ako dito kapag hindi pa tayo umalis." Sabi nito at saka ako hinila palabas.
Yumakap lang ako sa mga braso niya at humilig sa balikat niya habang palabas kami ng naturang coffee shop. Nakakataba ng puso ang pagiging possessive nito sa akin. Kagaya pa rin siya ng dati. Ganito rin siya kahit noong bata pa kami. Enjoy ko nalang muna ang moment naming dalawa.