Dumaraan ang mga araw at habang tumatagal nasasanay na ako sa presensya at kayabangan ni Marzon. Nagkasama kami sa same group of friends together with Rodel, Paul, Lea, at ako. Maliit na grupo pa kami noon na later on ay nadagdagan nina Ferdinand, Maureen, Arlene, Lilibeth, EJ, Henry Val at Baby Victorino (later on nagkaron na sya ng pustiso up and down; kaya daw sya walang ngipin kasi nabungi ang ngipin nya kasi un ang gamit nya para mag bukas ng niyog nung nasa Mindoro pa sya).
"Uy bes" bati sa akin ni Lilibeth, ang kaklase kong hanggang bukong bukong ang haba ng palda. "Di ba tropa kayo ni Marzon?" ani nya.
"Oo, bakit? Me problema ba?" tanong ko sa kanya.
"Kasi bes napag-usapan lang namin ng mga girls, nagtataka kami bakit ang haba ng balahibo ni Marzon sa ilong, nde nya man lang i-trim para hindi lumalabas sa ilong nya ung balahibo." Medyo nahihiyang sabi ni Lilibeth sa akin na ang paraan ng pagkakabulong ay parang yung tsismosa sa kanto lang ang peg.
"Naku Beth hindi kita masasagot sa bagay na iyan kasi trip nya un e." sagot ko sa sinasabi nya.
"Bes, sabihan nyo sya para naman aware sya na mahaba ang buhok nya sa ilong". Medyo natatawa ng sabi ni Beth.
"Hindi ko alam paano ko sya sasabihan kasi nde naman kami ganun ka close eh. Bakit hindi mo i-try na ikaw ang magsabi sa kanya." sabay balik sabi ko ke Beth ng isang task na imposible kong magawa lalo na at ayaw kong nakikielam sa buhay ng may buhay. Kiber ko ba kung ang gusto nya e hanggang nguso nya pahabain ang buhok nya sa ilong, hindi naman ako apektado noon.
"Pag nagka-usap kami bes ioopen ko sa kanya yun, yung tipong hindi sya ma o-offend pag sinabi ko". May confindence na sabi pa nya sa akin.
"Ikaw ang bahala classmate". pagtatapos ko sa usapan namin.
Nasa Entrepreneurship kami na klase at as usual katapat ko sa upuan si Marzon. At meron kami quiz mamaya sabi ng aming gurong si Mrs. Jessie Leong. "Princess" tawag sa akin ni Marzon.
"Oh, bakit?" tanung ko sa kanya.
"Pahiram naman ng notebook mo sa Entrep me titignan lang ako sandali" inusog ko sa knya ang notebook ko na collectibles from Greenwich. Mahilig akong mangolekta ng mga notebooks, mini books at planners sa mga establishments. Gusto ko ung mindset na me kinokolekta ako at me goal ako na gusto kong ma achieve at makuha ang isang collectible na nagugustuhan ko.
"Pakibalik na lang mamaya at mag scram din ako ng pang sagot ko sa quiz mamaya okay". hindi naman ako madamot kaya pinahiram ko sa kanya ang notes ko. Which is dapat bilang estudyante ay meron sya dapat notebook to write his own notes diba? Never kong syang nakita na nag sulat ng mga aralin namin pag me discussion ang mga teachers namin. Hindi ko alam kung tamad syang magsulat or pangit sya magsulat or kung ano mang dahilan nya kung bakit sya hindi nag susulat pag nasa klase. Or isa pang iniisip ko ay baka ganun kalaki ang bilib nya sa sarili nya na matatandaan nya ang lahat ng topics na dinidiscuss ng teachers namin. Pero kung un naman ang reason, e bakit nya pa hihiramin ang notes ko to read diba? patuloy kong diskusyon sa sarili ko.
"Class take note of the following topics I am about to discuss". wika ni Mam Leong sa klase.
"Psst. Marzon, akin na ang notebook ko. Magsusulat ako ng notes ni Mam Leong".
"I will write the notes in your notebook Prince, sinisipag ako. Don't worry readable naman ang sulat ko." patuloy niyang sabi sa akin.
"Okay". pag-bibigay ko pa sa trip nya. Pero sa loob loob ko eh, need ko magbasa para sa quiz mamaya, pero nde ko magawa kasi nasa kanya ang notebook ko. Grrr.
Habang nagsusulat sya, pasimple kong sinisilip ang ginagawa nya. Aba maganda nga ang penmanship niya ha. "Okay ba sulat ko?" sabay ngiti nya sa akin ng cute smile nya. Ngumiti na lang ako ng bahagya sa inasal nya! Feeling close agad e! Nang-uuto laang naman, may cute smile pa.
Nag-quiz kami after nya mag take notes sa notebook ko. And ang ending nde na ako nakapag review, pero pinatulad nya ako! Wow diba, ang yabang parang sya yung me ari ng notebook at nanlimos ako ng sagot! Asan ang hustisya!
To be continued....