Episode 1. Our First Meeting
Take note, ito po ay TRUE STORY ng aking buhay. Sabi nga nila, magumpisa kang isulat ang alam mo... at alam kong hindi ako maliligaw sa istorya ng sarili kong buhay.
Batangas State University - Malvar Campus, June 6, 1998 araw ng Lunes. Ito ang first day of my College Freshman Year, At dahil dito rin sa school na ito ako pumasok ng highschool ay hindi na ako nanibago sa aking kapaligiran, hindi kagaya ng ibang mga nakakasabay ko na mga bagong salta sa aming paaralan na panay ang tanong sa akin ng direksyon kung saan nila makikita ang room number na hinahanap nila. Maraming mukha rin ang pamilyar na sa akin, dahil kagaya ko ay dito rin sila nag-aral ng highschool. At dahil malapit ng mag start ang flag ceremony ay nag tipon-tipon na ang mga estudyante sa field para ganap ng umpisahan ang opisyal na pag bubukas ng School Year 1998-1999. Maraming mga bagong mukha sa aming paaralan ngayon. Dahil bukod sa PUP Sto. Tomas ay dinarayo din ng mga estudyante mula sa iba't ibang lugar ang aming paaralan para dito mag-aral dahil mahuhusay ang mga guro namin dito at higit sa lahat mababa at abot-kaya ang matrikula. Dito rin napiling mag-aral ng lalaking magpapatibok ng aking batang puso.
Naglalakad ako patungong Science Building room 103, at gaya nga ng sinabi ko hindi ako maliligaw sa eskwelahan na ito dahil pumasok na ako rito ng apat na taon. Pagpasok ko sa room ay nakakita ako ng upuan na bakante at agad akong naupo roon. Ang unang klase ko para sa araw na iyon ay Science under Mrs. Rosalina Malabanan, na isang maliit at payat na guro. Sinasabing terror ang gurong ito dahil istrikto sya sa kanyang klase, which I found very professional lang talaga sya sa subject nya kya sya nasasabihan na terror. Twenty-two kaming magkakaklase; sampung kalalakihan at isang dosenang kababaihan. Tipikal na sa isang klase na nagkakaron ng mga grupo-grupo. Yung tipong ang grupo ay nababatay sa kung ano ang likaw ng mga bituka ng bawat isa. Merong grupo ng mga maarteng naka make-up na babae, merong grupo ng mga bakla, merong grupo ng mga mayayabang na lalaki, merong grupo ng mga mahiyain, merong grupo ng mga pasaway (parang doon ako kabilang) hihihi.
Dumating ang aming guro at sinimulan na ang klase sa pamamagitan ng pagpapakilala ng bawat isa sa amin. Ako na ang susunod na tatayo para pumunta sa unahan to introduce myself. Pitong kaklase ko na ang nauna sa akin at ako ang pangwalo na magpapakilala.
"I am Princesita G*******, from Tanauan City Batangas. My friends call me Prince for short, I am 16 years old and my Major is Food Technology. Nice to meet you all". Pagkatapos kong magsalita ay naupo na ulit ako sa aking silya.
"Ako si Victorino Tocino, taga Bungcalot at ang probinsya ko ay sa Mindoro. Labing-pitong taong gulang ako at Electrical ang aking Major", pakilala naman ng lalaking matangkad at sunog sa araw ang balat na magiging kaklase namin. Nang magsalita ng pabulong ang katabi ko sa lamesa na si Rodel Pacaldo at sinabing "Meron pala tayong baby na kaklase."
"Huh?" sagot ko sa kanya na pabulong din.
"Tignan mo ung nasa unahan, walang ngipin diba? Sa baba at taas ay wala syang ngipin, ibig sabihin ay babagong tutubuan ng ngipin ang kaklase nating yan. Kaya baby pa sya." tatawa-tawang bulong pa rin ni Rodel.
"Hahahaha" nagkakatawanan kami ng mahina sa aming lamesa dahil naririnig ng limang kasama ko pa sa lamesa ang siansabi ni Rodel. Si Rodel ang "Joker ng aming klase" lahat ng bagay ay nagagawan nya ng joke na sadyang matatawa ka naman kapag narinig mo.
Sumunod na tumayo ang isang lalaki na kasama ko sa mesa para magpakilala sa buong klase.
"My name is Marzon Pa***, 16 years old, taking up Bachelor of Science in Industrial Technology, Major in Electrical Tech. I am from Sta. Clara, Sto Tomas, Batangas". Slang ang pagkakabitaw nya ng mga salitang ingles nya kaya naintriga ako kung foreigner ang kaklase namin or sadyang mayabang lamang, saloob loob kong komento habang nakatingin sa papalapit na si Marzon na pabalik na sa mesa namin. Kinamayan naman sya ni Rodel at nakipagkilala ke Marzon. Hindi ko na sya tinignan ulit dahil nayayabangan ako sa kanya.
Fast forward, sa buong araw na iyon ay puro pagpapakilala lang sa bawat isa at sa mga guro namin ang aming ginawa. At sa bawat klase namin ay hindi nawawala sa paningin ko si Marzon. Nandung sa tabi ko sya nakaupo, or sa gilid ko, or sa likod ko. Basta palagi kaming magkalapit na dalawa. HIndi ko alam kung nagkakataon lang or talagang siansadya nyang malapit sa akin sya nakaupo. At aaminin ko unang araw pa lang naaalibadbaran na ako sa kanya! Apakayabang kasi ng datingan nya sa akin, kya nabubuwiset ako sa pagmumukha nya! Sa sobrang yabang nga nya ay hindi ko sya binibigyang pansin sa klase at never ako nagkaron ng kagustuhang maging kaibigan man lang sya.
Pero lahat ng mga inis at bwiset na nararamdaman ko sa kanya ay nagkaron ng kasagutan ng marealize ko kung bakit ako naiinis sa kanya. Kung bakit mainit ang dugo ko sa kanya, kung bakit lahat ng galaw at salita nya ay nabibigyan ko ng maling interpretasyon at kulay. Dahil ang dahilan pala ng lahat ng iyon ay nagsisimula ng umusbong ang isang pag-ibig na hindi ko man gustuhin ay kusang mararamdaman ng aking puso. Hindi ko man aminin ay minamahal ko na sya ng paunti-unti sa bawat araw na lumilipas na magkatabi kami sa bawat classroom na pinapasukan namin. At sa bawat recess na magkasama kami ay mas lalo kong nakikila at naiintindihan ang personalidad nyang minahal ko ng tuluyan. Kahit anong ayaw ko sa nararamdaman ko ay wala na kong control dito at the sooner na i accept ko na may pagtingin nga ako sa mayabang na binatang iyon ay the better na magiging magaan sa akin ang magpakatotoo sa aking sariling hibang na umiibig.
To be continued....