Episode 8. Eye ball

1419 Words
Thursday ngayon at last klase na namin for today, nagtataka ako kung bakit sasabay daw si Leila sa akin sa paglabas mamayang uwian. At halatang excited siya at masaya sya. Tinatanung ko sya kung anung meron at ang sagot nya lang sa akin ay, "Secret Cess". mamaya na lang daw nya sasabihin sa akin. And as usual kasabay ko sa pag-uwi sina Paul at Marzon at Rodel plus Leila kasi taga San Miguel Sto. Tomas si Leila at same lang ang way namin lima. Nauunang maglakad sa amin si Leila at at nagmamadali syang makarating sa may tawiran, natanawan ko may nilapitan siyang dalawang lalaki at  saglit silang nag-usap at tinuro kami ni Leila sa mga kasama nya. Nang malapit na kaming apat kay Leila ay pinakilala nya sa amin, rather sa akin ang kasama nyang mga lalaki.   "Princess meet Angelito or Jun for short, ang iyong phonepal na pinsan ko at si Wen side kick nya.". may halong pagbibiro na pakilala ni Leila sa amin.  "Jun sya si Princess ang classmate ko at pinagpupuyatan at pinagkakagastusan mo gabi-gabi sa phonebooth". patuloy pa ni Leila.  "Hi Princess, pasensya kana ha kinulit namin ang pinsan namin para ma meet na kita ng personal. Naiintriga na kasi ako sa kausap ko gabi-gabi, alam kong sa boses mo pa lang ay maganda kana at hindi nga ako nagkamali ng iniisip". prangkang sabi ni Jun sa akin na ikinainit ng mukha ko.  "Hello Jun, hindi ko ineexpect na pupuntahan nyo ako ni Wen. Hello din sayo Wen. Nice Meeting you Jun at Wen". sabay abot ng kamay ko una kay Jun at sunod ke Wen. "Uy Wen wag masyado matagal" nagbibirong hinihila ni Jun ang kamay ng pinsan nyang ka handshake ko.  "Ay grabe sya, selos agad Jun? Ang bilis mo naman! Assuming ka na agad e hindi ka pa nanliligaw oy!" balik pang-aasar naman ni Wen. "Tara na, sakay na tayo ng jeep". yaya ko sa kanilang lahat. "Bawal ako mahuli ng uwi kasi may in effect ako na curfew sa Daddy ko eh. Mahirap na baka magalit yun sa akin lalo ako higpitan".  wika ko habang tumatawid sa kabilang kalsada dahil doon kami sasakay ng jeepney. "Ayaw nyo bang mag burger muna kahit sandali lang? Treat namin kayong lahat ni Wen. Tara na doon sa Franks and Burger" alok naman ni Jun. "Hindi pwede pare eh, mapapagalitan kasi si Cess. Sa ibang araw na lang". sabat naman ni Marzon na iba na ang hilatsa ng mukha. Sa gilid nya nakita kong mahina syang sinisiko ni Paul dahil siguro sa pagtanggi nya sa paanyaya ng mga pinsan ni Leila. "Uu nga pasensya na pre, strict kasi si Tito Romy. Pag ma late si Cess ng uwe kami ang iisipin nun na kasama ni Cess at pati kami mayayari. Planuhin nalang natin ang paglabas sa ibang araw ha, wag lang ngayon kasi past 5PM na din at kelangan 6PM nasa bahay  na si Cess". segunda naman ni Paul sa sinabi ni Marzon. "Ah ganun ba, sige sa susunod na lang. Biglaan din lang ang punta namin dito. Gusto lang talaga kita makita Princess. Buti nga pumayag si Leila na ipakilala ka sa akin kasi sinabi nya na ayaw mo ako ma-meet ng personal. Pero dahil sabi ko sa kanya ililibre ko sya sa Jolibee pag sahod ko basta samahan nya ako para makilala ka, kaya naman pumayag na rin sya sa pangungulit ko. Pasensya kana ha kung nde na ako nagsabi sayo kagabi na pupuntahan kita ngayon para magkakilala tayong dalawa". mahabang paliwanag ni Jun sa akin. "Okay lang nandito na kayo eh, panget naman kung itaboy ko kayo diba" biro ko na lang sa kanya.  Pero ang totoo ay nahihiya ako sa kanya lalo na at hindi namin mapagbigyan ang pag-aaya nilang mag-burger at nahihiya din ako kina Paul, Rodel at Marzon kasi naantala ang pag-uwe namin dahil sa pag-eentertain ko sandali sa mga bisita ko. Di ako sanay na may lalaking gusto ako makilala kaya bago sa akin ang experience na ito. At lalong mas bago sa akin na ung crush ko andito tapos ung parang naging rebound ko ay present din at the same time! Oh Em Giiiiee. Di ko alam ang dapat ko iakto eh. Sarap sabunutan nitong si Leila sa pasurprise ek-ek nya eh! Na caught off guard ako! Literal na caught of guard! Lalo na at parang galit kung makatingin sa akin si Marzon! Problema nya! Bawal ba ako makipagkilala sa ibang lalaki? In fairness pogi si Jun ha. Kulay kayumanggi ang balat nya at nag wowork sya sa construction. Di na sya nakapag college ayon sa kwento nya sa akin kasi tamad daw syang mag-aral kaya nag trabaho na lang sya ng kung anung pde nyang pasukan. Nagtagal syang mag-construction worker at kasama nya si Wen sa trabahong iyon. Tahimik lang kami sa jeep ng mag byahe kami. Nagsalita lang ako dahil nagtaka bakit hindi pumara si Rodel sa tapat nila. Kaya tinanung ko sya kung me pupuntahan ba sya. "Dhel, lampas ka na sa bahay nyo oh". sabay turo ko sa labas. "Oo, ihahatid ka muna namin sa inyo Cess bago kami umuwe nina Pareng Marzon". sagot ni Rodel sa akin. "Huh, bakit ihahatid nyo pa ako sa amin". sagot ko naman. "Sabi ni pareng Marzon ihahatid ka daw namin eh". sagot naman ni Paul sa akin sabay kindat na ikinapag taka ko. Sa loob ng jeepney ang seating arrangement ng upo namin ay si Jun nasa b****a sya ng estribo at ako ang katabi nya tapos si Marzon, Paul at Rodel. Sa kabilang side naman sa tapat namin sina Leila at Wen.   Malapit na akong bumaba at humarap ako sa katabi kong si Jun at nagpa-alam  na bababa na kami. Nagpasalamat ako sa pag punta nila at humingi ng pasensya na saglit lang kami nagkausap at nagkakwentuhan. "Okay lang yun, ang importante nagkakilala na tayo ng personal. Tatawagan kita mamayang gabi ha, kwentuhan tayo ulit. Tapos pag me time kami ulit ni Wen dalawin ka namin at kumain tayo sa labas. Sana pwede na kayo sumama sa amin next time." ani Jun. "Sige Jun, dito na kami bababa. Mag-iingat kayo pag-uwi nyo. Ihatid nyo yang si Leila sa kanila".paalam ko sa kanila at tinapik ko si Leila sa tuhod bilang pamamaalam na mauuna na kami bumaba. Tumango naman sya sa akin at kumaway naman ni Wen. Habang naglalakad kami papasok sa kalsada pauwe sa bahay ay tinanung ko sila bakit sumama pa sa akin pauwe. Kasi ang odd eh, wala naman kami usapan na ihahatid nila ako at hindi naman namin routine ang ganito. Hinahatid lang nila ako sa bahay kapag namili ako sa palengke ng mga ingredients na gagamitin ko sa aking major subject. Pero ngayon wala talagang ka plano plano tapos hinahatid nila ako. Something is going on here..... "Sabi kasi ni Marzon sa amin kanina ay ihahatid ka daw namin, kaya kami anditong tatlo. Ang iyong "Three Musketeers". Ako si Atos, ito si Porthos at sya naman si Artemis". sagot sa akin ni Paul sabay turo sa dalawang kasama pa namin na binansagan nya ng pangalan ng mga musketerong pinanunuod namin sa cartoons.  "Guys dito na lang tayo sa kanto.  Makakauwi na yang si Princess mag-isa. Uwi na tayo" sabi naman ni Marzon. "Hindi na natin sya ihahatid sa gate nila pare?" may himig pang-aasar na tanung naman ni Rodel. "Hindi na pare. Uwe na din tayo, or baka gusto mo inuman tayo ngayon kina Paul ako tutulog ngayon eh" si Marzon ulit. "Sige pde naman ako umuwi pagkatapos ng inuman eh, madami naman byahe kaya walang kaso sa akin ang pag-uwe. Pag hindi na kaya at nalasing nyo ako di tabi-tabi tayo matutulog mamaya!" joke pa ni Rodel sa dalawa. "Sige Cess uwi na din kami ha. Dito na kami dadaan sa kabilang kanto" si Paul na lang ang nagpaalam sa akin habang si Rodel naman ay tumatango. Si Marzon? Dedmakels ang loko, hindi na sya nagsalita at ni hindi na din sya nagtapon ng tingin sa akin. Naglakad sila papalayo sa akin at tinatanaw ko sila sandali bago ako nag decide na ipagpatuloy na ang lakad ko pauwi.....  Hindi ko na nakita ng lumingon sa akin si Marzon at naglakad ng patalikod, para tignan kung nakarating na ako sa may gate namin. Sinasaway naman sya ni Paul dahil baka madapa sya sa ginagawa nyang paglalakad ng patalikod. Nang masiguro nyang malapit na ako sa gate namin ay diretso ulit syang naglakad, hinatid lang ako ng tanaw.....  To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD