bc

BLUEMOON

book_age16+
5.1K
FOLLOW
15.2K
READ
fated
comedy
straight
witty
werewolves
another world
like
intro-logo
Blurb

(FILIPINO)

Patungo si Shin sa Howling Point upang dumalo sa kasal ng pinsan ngunit sa kasamaang palad ay nasiraan ang kanyang sasakyan.

Napadpad sya sa isang kakatwang compound at doon nakilala ang tsinitong Alpha ng BlueMoon na lubos nyang kinamuhian dahil sa ilegal nitong pagkidnap sa kanya.

Magawa kaya ni Shin na makabalik sa syudad o habang buhay na manatili sa tabi ng antipatikong Alpha?

chap-preview
Free preview
HOW DARE YOU
Shin’s POV “Hoy, Raffa Greyson!” Halos mabiyak ang lupa dahil sa lakas ng aking pagtawag sa lalaking ilang hakbang lamang ang layo mula sa akin. Nagulat tuloy ang mga tao sa paligid dahilan upang bumaling ang mga ito sa nanggagalaiti kong hitsura. A huff left my snout. Who cares? Nabigyan akong muli ng magandang pagkakataon upang kumprontahin ang nilalang na dahilan ng pagka-stranded ko sa lugar na iyon, kaya hindi ko dapat na palampasin pa iyon. Sobra ang pagpupuyos ng galit ang aking dibdib at ramdam kong anomang oras ay tila sasabog na ito sa pagngingitngit dahilan upang marahas akong nagbuga ng hininga. Wala nang makapipigil pa sa akin na harapin antipatikong si Raffa Greyson, na abala sa pakikipag-usap sa isa sa mga kampon nito. Yes, I called them “kampon” because, in my viewpoint, Raffa Greyson is a devil incarnate and the people living in that creepy place were his minions. Oh, how I hate them just as much as I hate him. Sa mga sandaling iyon ay isinusumpa ko na matitikman ni Raffa Greyson ang tindi ng pagkamuhi kong iyon. My legs strolled towards him whilst my eyes squinted. Halos umusok din ang mga butas ng aking ilong at mga tainga dahil sa lubos na pagka-imbyerna. My chest was filled with determination but I stopped in my tracks when the chinky despicable excuse of a man suddenly swung around and faced me. Awtomatikong nagsalubong ang aming mga paningin. His narrowed eyes settled on me with surprise and the moment I focused mine on his, I gasped inwardly and grabbed my chest, my heart twitching tightly. What the heck? Kailan pa ako nagkaproblema sa puso? Dahil ba sa labis na pag-inom ng kape kaya naging abnormal na ang heartbeat ko? O baka naman dahil din sa hindi matawarang inis ko kay Raffa Greyson kaya nagka-heart disease ako? My jaw clenched and I glared at him. I should have known na wala talagang dulot na mabuti sa akin ang singkit na lalakeng 'to. Pero sandali lang. Kailangan ko munang kumalma. Saka ko na iintindihin ang tungkol sa bagay na may kinalaman sa aking kalusugan dahil may bagay na mas dapat akong unahin bago pa mawala ang aking ‘once in a lifetime chance’. Ibinalik ko ang aking atensyon kay Raffa Greyson. From his spot, I noticed how amusement reflected in his eyes causing me to sneer. Seryoso? Naaaliw pa talaga ang kumag? Is he not taking me seriously? The notion made me piss even more. Raffa Greyson's mouth curved to a loop-sided smirk as he crossed his arms over his torso. “Another escape, I guess.” My eyes rolled at him as I remarked, “Ay, hindi! Hindi ako ‘to. Isang multo lang ang nakikita mo.” Well, sarcasm is my middle name, duh! Inaasahan kong maiirita ito dahil sa pabalang kong pagsagot ngunit sa aking pagkadismaya, lalo lang lumapad ang ngisi ng damuho. The bulky man beside him emitted a laugh as well. Umigkas ang aking perpektong mga kilay. At ano naman ang nakatatawa, aber? Mukha ba akong clown? Are these jerks making fun of me? I snickered angrily. Hindi na talaga ako nagtataka kung bakit napakalaki ng pagkadisgusto ko sa Raffa Greyson ito at upang maging malinaw, iisa-isahin ko ang aking mga dahilan. Una, nang araw na aksidenteng maligaw ako sa kakatwang lugar na 'yon ay sapilitan akong binihag ni Raffa Greyson at ang mga kampon nito. The place was more enormous than a normal compound. Pinalilibutan ito ng mga matataas na pader at makakapal na bakal na bakod. What a creepy place, right? The next reason, iyon ay dahil ayaw nila akong pakawalan kahit na ano’ng gawin kong pagmamakaawa. I am innocent. Wala rin naman akong pera para hingian ng ransom ng mga ito. Even though my deceased lolo is filthy rich, his money was not mine. Nakikiambon lang ako sa kayamanan nito. Furthermore, if they had to dig deeper, they should have traget my cousin Akira who inherited a significant amount of our grandpa's wealth. At ang pangatlong dahilan na aking labis na ikinaliligalig ay naglagay si Raffa Greyson ng bantay sa labas ng kuwarto kung saan nila ako ikinulong nito. It was freaking frustrating because the rascal was clever making it challenging to escape. Pero in fairness, guwapo ang bantay kong iyon kaso, hindi ako basta-basta nakukuha sa pisikal na anyo lang. Gayundin, hindi ako kailanman papayag na maging sunod-sunuran dito at sa tsinitong amo nito. Fortunately, I was such a brilliant girl dahil sa likod ng higpit ng pagbabantay nito, pang-apat na beses ko nang natatakasan ito. Served him right for being foolishly loyal to Raffa Greyson who I loathed with extreme passion. Tsk! Hindi ko talaga lubos maisip at matanggap. Paanong ang isang taong walang konsensya na pasimuno sa pagkidnap sa walang kalaban-labang babae na tulad ko ay biniyayaan ng mala-bathalang kakisigan? Oh, how unfair life is! Isang malakas na pagtawa nina Raffa Greyson at ng mokong na sanggang-dikit na minion nito ang nagpabalik sa mga ito nang aking lumilipad na diwa. Awtomatikong nagtagis ang aking bagang at naningkit ang aking mga mata. These stupid jerks should learn not to mess with me! I am Shin Rivas and no one can make an amazing woman like me a laughing stock, ever! Bago ko pa mapigilan ang aking sarili ay mabilis na naihakbang ko na ang aking mga paa patungo sa mga ito. Nang hustong makalapit ako sa tsinitong aking arch-nemesis ay agad kumuyom ang kaliwa kong kamay. “How dare you!” I hissed at Raffa Greyson, my hand rising and giving an impactful straight punch on his handsome face causing his head to toss sideward. There! Kuntentong napangisi ako kahit tila narinig ko ang pag-c***k ng mga kawawang kamao. My chin rose brazenly and pointed a finger at him. “Do not mess with me, ever!” I snarled and flipped my hair. Napuno ng mga singhap ang buong paligid dahil sa pagkagulat sa aking ginawa kaya naman napangisi ako. Kaya ko kayang manunok `no! If they have a problem with that, then f*****g bite me. I was about to praise myself more when my face puckered, sensing a weird phenomenon on my knuckles. Hindi ko sure pero parang nakaramdam ako ng malakas na boltahe nang lumapat ang aking kamao sa pisngi ng makisig na lalaking aking sinuntok. I bit my cheek and mumbled mentally, 'That’s weird.'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Insignia

read
1.0K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
175.5K
bc

Fourth Castillion

read
196.5K
bc

When Love Strikes

read
101.1K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
590.7K
bc

SILENCE

read
390.1K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
171.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook