Bagot na pumasok ng building si Yanissa. Kahit kasi kakakasal lang nila kahapon ni Xander ay kailangan niyang pumasok sa trabaho sapagkat absent na siya kahapon. Hindi naman niya gugustuhin na makadalawa agad siyang absent lalo na’t bago pa lamang siya sa kumpanya ng asawa. Kahit kasi kasal na sila ay kailangan pa rin niyang mapanatili ang katauhan bilang isang normal na empleyado lamang. Maaga na siyang pumasok ngayon sapagkat ayaw na niyang maiwan pa sa elevator. Si Xander naman ay hindi pa niya ulit nakikita simula kahapon. Ni hindi naman niya alam kung umuwi ba ito sa mansion o nagliwaliw lang kung saan. Paggising niya ay hindi niya rin ito nakita at hindi na rin siya nagtanong pa. Medyo nakahinga ng maluwag si Yanissa nang makitang kakaunti pa lamang ang mga empleyado kaya hindi na

