bc

Marrying The Mafia Heir

book_age18+
765
FOLLOW
8.5K
READ
revenge
opposites attract
arranged marriage
arrogant
heir/heiress
drama
bxg
mystery
loser
campus
like
intro-logo
Blurb

Napilitang magpakasal ni Yanissa Ilithaya Bragantia sa mafia heir na si Xander Rowan Adler upang makapasok sa mundo ng isang black organization, habang si Xander ay napilitang magpakasal dahil sa walang dahilang pag-iwan sa kaniya ng long-time girlfriend niyang si Allesia.

Anong mangyayari sa relasyon ng dalawa kung nagsimula lamang ang lahat sa isang kasunduan? Paano kung ang isa sa kanila ay matutong magmahal habang ang isa ay nanatili sa kaniyang nakaraan? At paano kung bumalik ang nakaraan?

Mapapanindigan ba nila ang isa't isa o mauuwi lang din sa hiwalayan?

chap-preview
Free preview
1 - Rejected Proposal
“Anak, handa na ba ang lahat?” Napalingon si Xander sa ama nang marinig niya ang boses nito. Naka-suit pa ito na halatang galing pa sa isang business meeting. Sa tabi nito ay nakangiting nakatingin sa kaniya ang ina na sopistikada ang postura at mababakasan ng karangyaan sa buhay. Tumikhim si Xander bago sagutin ang ama na seryoson lang na naghihintay ng sagot niya. “Yes po, Dad. Everything was set,” seryosong sagot niya. “Then where is she?” tanong pa ng ama. “Hon, huwag mong madaliin si Xander. Masisira ang plano kung nandito agad si Allesia, hindi ba?” pagsingit naman sa kanila ng ina na laging tagapamagitan sa mag-ama. “She’s on her way. Imi-meet ko po siya sa labas mamaya,” sagot naman ni Xander. “Make sure to make her say yes. I don’t want you to put shame on our family. I let you do this to take over the Black Panther, always remember that,” maawtoridad na sambit pa ng ama niya. “Hon, wala naman nang rason si Allesia para tanggihan ang anak natin,” sabi naman ng ina ni Xander. Hindi na nagsalita pa si Mr. Adler at naglakad na lamang ito papunta sa designated seat nito. Mahina namang tinapik ni Mrs. Adler sa balikat ang anak upang kahit papaano ay gumaan ang loob nito. Tumango na lamang si Xander kaya sinundan na rin ng kaniyang ina ang ama niya. Marahang napailing na lamang si Xander. Kahit kailan ay hindi niya naramdaman ang pagiging proud sa kaniya ng ama. Kung minsan nga ay gusto na lamang niyang mag-rebelde ngunit alam naman niyang mas lalo lamang gugulo ang buhay niya kung gagawin niya ito. Kaya kahit na masakit para sa kaniya ay sumusunod na lamang siya sa lahat ng gusto ng magulang. Hindi naman niya pinagsisihan iyon sapagkat naging maayos siya at hindi napariwara. Isa lang ang nagawa niyang ipaglaban sa mga ito, at iyon ay si Allesia Luna Ashford, ang long-time girlfriend niya. Highschool pa lamang ay kasintahan na niya si Allesia na anak din ng isang maimpluwensyang pamilya sa kanilang lugar. Ito rin ang kaniyang first love kaya naman inilaban niya talaga ito sa mga magulang sapagkat noon ay tutol pa ang mga ito sa kanilang relasyon. Dahil sa mga effort niya ay hindi kalauna’y natanggap din ng mga ito ang dalaga. At ngayon nga ay ang itinakda niyang araw upang hingin ang kamay ng dalaga. Ngayon ay magpo-propose na siya kay Allesia na matagal na niyang pinaghandaan. Sinabi na rin kasi sa kaniya ng mga magulang na kailangan na niyang bumuo ng sariling pamilya at magkaroon ng anak. Balak na kasing ipasa sa kaniya ang Black Panther Organization, isang black organization na matagal nang pinapatakbo ng pamilya Adler. Ito rin ang matagal na niyang pinaghahandaan kaya naman hindi na niya pinalagpas pa ang pagkakataon. Papakasalan niya si Allesia at bubuo na sila ng sariling pamilya at pamumunuan na niya ang organisasyon na nakatakdang mapasa-kaniya. Huminga ng malalim si Xander at inilibot pa ang tingin sa buong lugar. Tumingin din siya sa taong inutusan niyang mag-organisa ng lahat at marahan naman itong tumango sa kaniya. Ayos na ang lahat at handa na rin. Tanging si Allesia na lamang ang kulang. Ilang saglit pa ay biglang nag-ring na ang cellphone ni Xander na agad naman niyang sinagot. “Babe, nasaan ka na?” mabilis niyang tanong. “Nasa entrance na ako ng mall. Nakabili ka na ba ng movie ticket?” tanong naman sa kaniya ng dalaga. “Yes Babe. Nandito lang ako sa harap ng sinehan. Bilisan mo na,” excited na sagot naman niya. “Okay. On my way.” Ibinaba na ni Xander ang tawag at tahimik na lumabas ng sinehan. Ngayon kasi ang first day showing ng pelikulang “A Week with my Ex”. Ito ang pinakapaboritong nobela ni Allesia na ngayon nga ay isina-pelikula na. Ito rin ang nakikita ni Xander na tamang oras upang mag-propose sa kasintahan. Ang plano nila ay manonood sila ng sine ngayon at dahil galing pa sa trabaho si Allesia ay nauna na si Xander sa mall upang makabili na agad ng ticket. Ang hindi alam ni Allesia ay binayaran ni Xander ang buong sinehan para lamang sa proposal niya. At inimbitahan niya ang kaniyang mga magulang, mga kaibigan at kamag-anak, pati na rin ang mga magulang ni Allesia. Bago pa ang itinakdang araw ng kaniyang proposal ay nagpaalam na siya sa mga magulang ni Allesia. Hindi naman naging mahirap ang lahat sapagkat tanggap naman siya ng mga magulang nito. Agad na pumayag ang mga ito na pakasalan na ang dalaga sa lalong madaling panahon. Pagkalabas niya ng sinehan ay isang minuto lamang siyang naghintay. Nakita na niya agad ang babaeng minamahal niya at ang babaeng tanging pakakasalan niya. Tila nag-slow motion pa ang lahat habang naglalakad palapit sa kaniya si Allesia. Malawak ang ngiti nito at nang tuluyan itong makalapit ay mabilis na yumakap ito sa kaniya. “Mabuti na lang na nakabili ka na agad ng ticket. Pero teka, bakit parang walang tao?” nagtatakang tanong ni Allesia sa kaniya na inililibot pa ang paningin sa buong paligid. Bumitaw naman sa pagkakayakap si Xander at deretsong tumingin sa dalaga. “Pinapasok na kasi ang lahat sa loob. Mabuti na lamang at nakapapa-reserved agad ako ng upuan para sa ating dalawa. Tara na?” “Pwede pala magpa-reserved?” naguguluhang tanong pa ni Allesia. “Oo naman. Let’s go.” Marahang inakay ni Xander si Allesia patungo sa loob ng sinehan. Madilim na sa loob kaya mas lalong kumunot ang noo ni Allesia. Hindi pa naman nagsisimula ang movie ngunit nakapatay na ang ilaw. Mabuti na lamang na akay akay siya ni Xander kaya kahit papaano ay hindi siya natatalapid sa dinaraanan. Sa bandang gitna sila naupo, at sila lamang ang naka-pwesto doon sa buong row. Buong akala ni Allesia ay sold out na ang ticket ng movie ngunit sa nakikita niya ay hindi pa napupuno ng mga manonood ang buong sinehan. Magtatanong na sana siya sa binata ngunit hindi na niya nagawa dahil sa biglaang pagtugtog ng isang pamilyar na kanta sa loob ng sinehan. Ain't it funny how love hits you when you least expect it to Any time any place it can come right out of the blue... Kasabay noon ay ang pagkabuhay ng malaking screen ng sinehan. Ngunit imbes na isang pelikula ang nakita ni Allesia ay isang slideshow ng mga pictures nila ni Xander simula noong highschool pa lang. Napahawak sa kaniyang bibig si Allesia dahil sa labis na pagkabigla. Hindi niya alam kung anong ire-react dahil hindi niya inaasahan ito. Dahil sa sobrang pagkabigla ay hindi na niya napansin si Xander na tumayo at umalis sa tabi niya. Kahit madilim ay nagawa ni Xander na makapunta sa pinaka-unahan ng sinehan. May hawak na siyang mic at walang pagdadalawang isip na sinabayan ang kanta. Mas lalo namang nagulat si Allesia dahil nakikita na niya ang kasintahan na nakatayo sa unahan at kumakanta. Buong kanta ay nakatingin lamang siya sa binata at sa screen nang biglang may lumapit sa kaniya at inalalayan siya papunta sa unahan. “Babe, alam kong naguguluhan ko sa mga nangyayari,” kinakabahan ngunit masayang sambit ni Xander. “Xander,” umiiyak na sambit naman ni Allesia. Marami siyang gustong sabihin ngunit tanging pangalan lamang ng binata ang nakaya niyang banggitin. “Pero may isa akong tanong sa ‘yo na matagal ko nang gustong itanong.” May kinuha si Xander sa bulsa ng kaniyang pantalon at saka lumuhod sa harap ng kasintahan. “Can you be my wife?” deretsong tanong pa niya. Isang nakakabinging katahimikan ang nanaig sa buong sinehan. Hindi alam ni Allesia kung anong sasabihin sa binata kaya napatitig lamang siya dito. Si Xander naman ay matiyagang hinihintay ang matamis na oo ng dalaga. Ngunit lumipas ang isang minuto na wala man lang siyang narinig na kahit isang salita. Nagsisimula na siyang mangamba ngunit pinanatili niya ang pagiging kalma. “Allesia,” muling pagtawag niya sa dalaga. Marahang umiling naman si Allesia habang patuloy ang pag-iyak nito. “I am sorry, Xander. I just can’t.” Tatakbo na sana palayo si Allesia ngunit mas mabilis si Xander. Agad niyang nahawakan ang braso ng dalaga upang pigilan ito. “Allesia, w-why?” nauutal niyang tanong sa dalaga. Malakas na bumuntong hininga ang dalaga. “Gusto ko lang namang manood ng pelikula, Xander.” “Seriously?” hindi makapaniwalang sambit niya. Hindi na nakasagot pa si Allesia dahil biglang lumiwanag sa buong paligid. Napapikit pa siya at kinailangan pa niya ng ialng segundo upang makapag-adjust ang mga mata niya. Mas lalo siyang napaiyak nang makitang nasa loob din ng sinehan ang mga mahahalagang tao sa buhay nila ni Xander. “Anak?” naguguluhang tanong ng ina ni Allesia. Mababakas ang pinaghalong pagtataka at pag-aalala sa mga magulang ni Allesia, gayun din ang ina ni Xander habang si Mr. Adler naman ay nakakunot lamang ang noo habang deretsong nakatingin sa kanilang dalawa. “Babe, nabigla ba kita? I’m sorry. Akala ko ay masosorpresa kita dito,” biglang sabi ni Xander kay Allesia. “I’m sorry, Xander. Pero hindi kita kayang pakasalan.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook