2 - Yanissa Ilithaya Bragantia

1219 Words
“Ginabi ka na naman.” Napatigil si Yanissa sa paglalakad nang marinig niya ang boses ng kaniyang ninong na si Mr. Eleo Bragantia. Alas onse na ng gabi kaya inaasahan ni Yanissa na tulog na ang kaniyang ninong, ngunit nagkamali siya. Matiyaga itong naghihintay sa kaniya sa salas. Ang kaniyang ninong ang nagpalaki na sa kaniya simula noong mamatay ang mga magulang niya. “Ninong, gising pa po kayo,” alanganin naman niyang sabi at saka lumapit sa ginoo upang magmano. “Akala mo ba ay hindi ko alam na napapadalas na ang pag-uwi mo ng dis-oras ng gabi, at amoy alak ka pa,” dismayadong sabi naman sa kaniya ng kaniyang ama-amahan. Napakamot naman sa kaniyang ulo si Yanissa. Mabait naman ang kaniyang ninong ngunit may pagka-istrikto ito lalo na sa oras ng pag-uwi. Kaya nga mas pinipili niyang umuwi ng oras na alam niyang natutulog na ito. “Sorry po, ‘Nong. Nagkayayaan po kasi kami ng mga kaibigan ko,” imbes ay sabi na lamang niya. Napailing naman ang kaniyang ninong. “Hindi naman sa pinaghihigpitan kita, Yanissa. Pero ilang buwan ka na bang graduate? Kailan ka magseseryoso sa buhay mo? Ayaw mong turuan kita na mag-manage ng family business natin. Ayaw mong maghanap ng trabaho. Ano ba talagang balak mo sa buhay mo, Hija?” Lihim na napabuntong hininga si Yanissa. Ito ang pinaka-iniiwasan niyang mapag-usapan nilang dalawa dahil ang totoo ay hindi rin alam ni Yanissa kung paano magsisimula sa buhay niya. Totoong nakatapos na siya sa pag-aaral, at sa isang sabi lang niya ay paniguradong bibigyan siya ng ninong niya ng posisyon sa kumpanya nila. Ngunit hindi iyon ang gusto niya. Maski ang paghahanap ng trabaho sa ibang kumpanya ay hindi rin sumasagi sa kaniyang isipan. “Hindi pa naman po tayo naghihirap, Ninong, ‘di ba? Kahit po ganito lang ako ay may panggastos pa naman tayo,” pabirong sabi niya. “Hihintayin mo pa ba na maghirap tayo?” seryosong sabi naman ng ginoo. Napanguso naman si Yanissa. Parang ama na ang turing niya sa Ninong Eleo niya. Wala itong asawa at anak kung kaya’t napagtuunan siya ng pansin nito habang lumalaki. Sobrang close nilang dalawa at kahit papaano ay naibsan ni Yanissa ang pangungulila sa totoong ama. “Ninong, isang buwan pa po at magseseryoso na talaga ako. Kailangan ko lang po munang huminga dahil nakakapagod na rin ang mag-aral ng ilang taon,” seryosong sabi naman niya. “Hija, huwag mo nang hintayin na mainip ako at ituloy na lamang na ipakasal ka,” seryosong sabi pa ng kaniyang ninong. “Ninong naman!” Napangiti naman sa kaniya ang ninong niya. Literal kasi na nagbabago ang kaniyang mood kapag nababanggit ng kaniyang ninong ang gusto nitong ipakasal siya sa lalaking hindi naman niya kilala. Wala naman siyang kasintahan o manliligaw ngunit hindi pa rin niya gugustuhin na magpakasal sa taong ni minsan ay hindi naman niya nakilala o nakita. At isa pa, wala pa sa isipan niya ang maging isang housewife o maging isang ina. “Alam mo bang masaya ako ngayon dahil tinanggihan ang proposal ng isang Adler? Mas magiging madali na maipakasal kayong dalawa kapag nagkataon,” malawak na ngiting sabi pa ng ginoo. “Adler?” nalilitong tanong pa niya. “Sige na, Yani, matulog ka na. Hindi ko na nagugustuhan ang amoy alak sa ‘yo,” pag-iiba ng usapan ni Eleo. Hindi na nagsalita pa si Yanissa. Kahit na nalilito ay walang imik na umakyat na siya sa kaniyang kwarto. Hindi pa man niya naibaba ang kaniyang bag ay tumunog na ang kaniyang cellphone. Nang makita niyang ang bestfriend niya ang tumatawag ay agad niyang sinagot ito. “Nakauwi ka na ba?” pabulong na tanong agad sa kaniya ng bestfriend niyang si Shaniya. “Yes,” walang ganang sagot naman niya. “Teka, kanina lang ang saya-saya natin sa bar. Bakit ngayon e parang dismayado ka? Nahuli ka ng ninong mo ano?” tanong pa sa kaniya ng dalaga. Napabuntong hininga naman si Yanissa at pabagsak na humiga sa kaniyang kama. Wala na siyang pakialam kung hindi pa siya nakakapagpalit ng damit. “Oo, at binanggit pa niya ang pagpapakasal ko sa nirereto niya,” iritableng sabi pa niya. Isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Shaniya. “That arranged marriage thing, uso pa pala talaga ‘yon?” hindi makapaniwalang tanong pa ng dalaga. “As if namang papayag ako, ano? Nga pala, may kilala ka bang Adler?” curious na tanong niya sa bestfriend niya nang maalala ang taong binanggit ng kaniyang ninong kanina. “Adler? Ang isa sa pinakamayamang pamilya dito sa atin. Teka, hindi mo ba sila kilala?” Napairap naman si Yanissa. “Magtatanong ba ako kung alam ko.” “O well, as what I’ve said, they are the richest and the most powerful family in our province. Ang totoo nga niyan e trending sila dahil ang kaisa-isang anak nila na si Xander Rowan ay nag-propose sa long time girlfriend nitong si Allesia Luna Ashford, ang kaso, hindi um-oo si girl. Kaya malaking usapan ang nangyari,” pagkukwento naman ni Shaniya. Kumunot ang noo ni Yanissa. Ngayon ay medyo nalilinawagan na siya. Marahil ay ang Xander na iyon ang gustong ipakasal ng kaniyang ninong sa kaniya kaya masaya ito sa rejection na nangyari. “I think ang Xander na iyon ang gusto ni Ninong na ipakasal sa akin,” wala sa sariling sambit ni Yanissa. “O my god! Huwag kang papayag Bessy. Kahit na napaka-pogi at napakayaman ni Xander, siya rin at ang pamilya niya ang hinihinalang the most dangerous people of the Philippines,” maarteng sabi pa ni Shaniya. “What do you mean?” kunot noong tanong naman niya. “Ang mga Adler kasi ang hinihinalang nagpapatakbo ng pinaka-malaking black organization dito sa atin. Hindi ko lang alam kung anong name, pero ayun, basta gano’n kaya nga napakayaman talaga ng mga Adler e.” Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Yanissa dahil sa nalaman. Bigla siyang na-curious sa pagkatao ni Xander at kating kati na siyang tanungin ang kaniyang ninong. Ngunit ayaw naman niyang magpadalos-dalos dahil baka mahalata siya ng ninong sa totoong pakay niya at sa matagal nang planong umiikot sa kaniyang isipan. “Natahimik ka? Teka, huwag mong sabihing hindi pa rin naaalis sa isip mo ang plano mo dati?” kinakabahang tanong naman ni Shaniya sa kaniya. “Bessy, alam mo naman kung gaano ako ka-pursigido ‘di ba?” seryosong tanong naman niya. “What? Don’t tell me papayag kang ipakasal sa lalaking iyon para lang dyan sa hinahangad mo? It’s a big NO, Yanissa. Hindi natin alam kung delikado nga ang mga Adler at kung lider nga sila ng isang black organization,” mataray na sabi naman sa kaniya ni Shaniya. “Makinig ka, mas madali ito kaysa sa pumasok ng walang alam sa organisasyon. Kung sila nga ang nagpapatakbo ng isang black organization, mas madali para sa akin ang makapasok doon,” paliwanag naman niya. “Hep, kahit naman pumayag ka sa arranged marriage na ‘yan, sa tingin mo ba ay papayag si Xander? May girlfriend ‘yon kaya hindi ‘yon papayag na magpakasal sa ‘yo.” Napangiti naman si Yanissa. “Then I will make him fall in love with me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD