YANISSA'S POV One of the bachelors, Leandro Manalo, is now engaged to Ms. Shaniya Marie Exconde. Mabilis akong napatayo nang mabasa ko ang balita. Mukhang nagulat naman si Xander na nakahiga pa rin sa bed ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "May problema ba?" tanong niya sa akin. "May alam ka ba dito?" tanong ko sa kaniya at saka ipinakita ang screen ng cellphone ko. "What? Matagal na kaming hindi nag-uusap ni Leandro, alam mo 'yan," sagot naman niya sa akin. Napairap naman ako. Sinubukan kong tawagan si Shaniya ngunit hindi naman niya sinasagot ang tawag ko. Ito marahil ang problema niya kaya gusto niyang makipagkita sa akin kaninang umaga. Ngunit paano magiging problema iyon? Ipinagkasundo rin kaya siya? Dahil sa pagkakaalam ko, wala pa sa isip ng kaibigan ko na m

