MARCUS' POV Nakarating sa akin ang balita tungkol kay Leandro kaya pumunta ako sa bar niya upang makausap siya. Ngunit ang sabi ng staff sa akin ay hindi pa raw dumarating ang kanilang boss. Sinubukan ko na rin siyang tawagan ngunit hindi naman niya ako sinasagot. Nakaupo lang ako sa may counter nang mahagip ng mata ko si Xander. Kumunot ang noo ko sapagkat hindi naman siya nagpupunta sa mga ganitong lugar. "Xander," pagtawag ko ng atensyon niya. "Nakita mo ba si Leandro?" walang emosyong tanong niya sa akin. Marahan akong umiling. "Hindi pa raw siya dumarating. Bakit? Tatanungin mo rin ba siya tungkol sa issue?" nakangiti ko namang tanong sa kaniya. Um-order ng isang alak si Xander at mabilis na nilagok iyon. Napansin ko rin ang namumula nitong kamao kaya alam kong may hindi magandan

