[7] Clovis: The Stalker ---- Clovis' Pov Ilang araw ko ng sinusundan at pinagmamasdan si Michi. Ngunit sa mga araw na 'yun hindi siya gumagawa ng aksyon laban kay Ms. Carol. Hindi kaya napansin niyang may sumusunod sa kanya? Iba pa naman ang pang-amoy ng babaeng 'to. Ang nakakapagtaka lang sa lahat ay ang pagiging mabait nito. Aish! Siguro nga hindi na siya babalik sa pagiging ganun. Ngayon ito na naman ako. Sinusundan siya. Mukha na nga akong stalker dito eh. Scratch that. Ang gwapong stalker. "Clovis Lancelot!" Patay ayan na naman siya. Binabanggit niya kasi ang full name ko kapag galit siya. Kaya lumabas nalang ako sa pinagtataguan at hinarap siya. Kinamot ko ang batok ko at ngumisi na tila nahihiya. Ang lakas talaga ng pakiramdam ng babaeng 'to kahit kailan. "Hai Michi." bati ko

