SANDINO NAPATAWA ako nang muli kong maalala ang nangyari kagabi habang nakikipag-usap si Jenniel kay Analyn. Agad na binalot ng matinding galit ang aking dibdib nang marinig ko mula kay Jenniel salitang rape kaya't malakas kong nasipa ang lamesang nasa aking harapan na ikinagulat pa ni Jenniel. Kinuha ko ang aking cellphone at tangka ko na sanang tatawagan si Amida upang ipakaladkad sa aking harapan si Mr. Berain dahil base sa aking naririnig ay si Mr. Berain ang pinag-uusapan ng dalawa. Subalit nang marinig ko na ang buong kwento mula sa aking asawa ay ganoon na lamang ang tila kilig na bumalot sa aking buong sistema. At hindi ko na napigilan pa ang pag-alpas nang aking malakas na tawa dahil sa kilig. Buong akala ng aking asawa na nilaspatangan ito ni Mr. Berain kung kaya't gusto nit

