ANALYN "Anak?" Agaw ni Mama sa aking pansin. Bahagya akong napaigtad at mabilis na napalingon dito. Nakatayo ito sa pintuan ng aking silid na hindi ko man lang namalayan ang pagdating nito. "May kailangan po ba kayo, Ma?" tanong ko. Inayos ko ang aking nga libro at umikot ako paharap dito. Hindi ito tumugon, bagkus ay mariin lamang itong nakatitig sa akin na tila binabasa ang aking emosyon at saloobin. Lumakad ito papalapit sa akin saka ito naupo sa gilid ng aking kama. Bumuntonghininga ito na agad ko namang ipinagtaka. "Ma, may problema po ba?" tanong kong nagtataka. Muli lamang akong naguluhan nang hinawakan nito ang aking kanang kamay. "Wala naman, anak. May gusto lang sana akong itanong sa 'yo," mahinang sambit ni Mama habang mariing nakatitig sa aking mga mata na waring nanunur

