"Call Amida!" utos ko kay Dolfo nang maramdaman kong pumasok na ito sa aking opisina. Subalit sandali ako natigilan at mabilis na napaangat ng mukha saka ko binitiwan ang mga dokumentong binabasa ko nang wala akong nakuhang tugon mula kay Dolfo. "Boss," mahinang sambit naman nito habang nakayuko. "Didn't you hear me? O baka pinagtatakpan mo na naman si Amida!" malakas kong sambit saka ako napatiim-bagang at mariing tumitig dito. Nag-angat naman ito ng tingin kasabay nang bahagyang pagkamot sa ulo. "H-Hindi po, boss. Wala pa lang po talaga si Amida." "So, where is she?" Nakakunot-noo kong tanong kasabay nang pag-ayos ko ng upo. Muli naman itong napakamot sa ulo. "Ang sabi n'ya lang po kanina dadaan daw muna s'ya sa klinika de San Pedro para alamin kung pang-ilan na raw po s'ya sa list

