SANDINO "Hoy!" malakas na sambit ni Jenniel na hindi ko man lang namalayan ang pagdating nito mula sa trabaho. Bahagya akong nagulat at tangka ko na sanang huhugutin ang aking baril na nakasiksik ilalim ng dining table nang agad rin naman akong natigilan nang muli itong nagsalita, saka ko lang napagtantong ang praning kong kaibigang si Jenniel ang nasa aking likuran. "Ano'ng tinatawa-tawa mo d'yan? Alas tres pa lang ng umaga para ka na d'yang nasasapian." Pagtatalak nito habang naghuhubad ng sapatos. Napailing na lamang ako dahil sa aking naging reaksyon. Muntik ko pang matadtad ng bala ang babaeng ito kung hindi ako agad natauhan. Nawala sa isip kong nasa apartment na ako ngayon dahil sa sinakop na naman ng aking asawa ang aking buong sistema na mula pa lamang kagabi ay nakabantay na

