AMIDA "Roger, simulan n'yo na rin ang isang 'yan para maihatid na 'yang mga 'yan sa kanila." Utos ko, saka ako pumihit pabalik sa dati kong puwesto, ngunit nakakaisang hakbang pa lamang ako ay muli akong natigilan nang magsalita si Melody. "P-Please, m-maawa ka! H-Hayaan mo na lang a-akong m-makaalis dito! Parang awa mo na, naghihintay na sa akin ang anak ko at paano na lang s'ya pag– pag ginawa n'yo rin sa akin ang ginawa n'yo kay Sir Briaos! Parang awa mo na!" Humahagulgol nitong iyak habang nagmamakaawa. Bumuntonghininga ako habang nananatili pa ring nakatalikod. Aaminin kong ramdam ko ang awa sa aking dibdib para kay Melody, ngunit sa mga sandaling ito ay wala na akong magagawa kun'di sundin ang utos ni boss dahil alam kong malaki ang posibilidad na ako ang managot sa parusang nakah

