"Boss, nakatulog na po ang bata. At nakausap ko na rin po ang agency parating na rin po ang magiging yaya n'ya." Imporma ni Dolfo nang makababa na ito ng hagdanan habang bitbit pa nito sa kabilang kamay ang dedehang bote at isang diaper. Mababakas pa sa itsura nito ang waring nahirapan sa pag-aalaga. "Nasaan si Mama? Akala ko ba nandito na s'ya?" nakakunot kong tanong. Kadarating ko lamang dito sa bago kong mansyon na ipinagawa. Mahigit ilang buwan pa lang ang lumipas mula nang matapos ito. Ipinagawa ko ito dahil hindi ko rin naman maitatanggi na nag-asam rin ako na mabigyan ng maayos at komportableng bahay ang aking mag-ina at makasama na ang mga ito, kaya't agad ko itong ipinatayo noon para sa kanila ngunit dahil sa patuloy na pag-iwas at pagtatago sa akin ni Analyn ay hindi ko mapigi

