SANDINO "Anak, lasing ka na. Tigilan mo na 'yan! Hindi mo makukuha sa alak na 'yan ang solusyon d'yan sa problema mo!" May halong galit at panenermon na turan ni Mama nang bumungad ito sa aking opisina. Hindi ako tumugon, kahit ang lumingon man lang, at tanging isang malalim na pagbuntong hininga lamang ang aking ginawa, saka ako muling tumungga ng alak. "Sand–––" Agad na napahinto si Mama sa pagsasalita at sabay kaming napalingon sa pintuan ng aking silid nang biglang bumungad si Ana na mababakas pa ang tila pagkataranta sa itsura nito. "S-Sir, si Ate An–– si Mrs. Galliguez po," mahina nitong sambit na tila kinakabahan. "A-Anong nangyari sa kanya?" Sa halip ay tanong ni Mama kasabay ng paglapit nito kay Ana. "Hindi ko po alam, senyora. B-Bigla na lang po s'yang natumba habang papala

