"Boss, panoorin n'yo po." Narinig kong boses ni Amida nang bigla itong sumulpot sa sala, pagkatapos ay agad nitong binuksan ang TV. Napakunot naman ang aking mga kilay at napasunod ng tingin dito. Bumungad sa aking harapan ang balita tungkol sa dalawang lalakeng natagpuang patay sa tapat ng Bustamante University. Ganoon na lang ang mariing pagtiim ng aking mga bagang nang lumitaw ang ilang mga larawan ng aking asawa at isang larawang kasama si Jenniel, maging ang video mula sa CCTV footage ay ipinakita rin sa balita. Malaki ang posibilidad na kuha ang mga iyon sa mga CCTV camera sa labas ng university. Malinaw ang kuha sa video, at kitang-kita ang ang kabuoan ng pangyayari. Subalit ang kuha sa pagpatay ko sa dalawang lalakeng nambastos sa aking asawa ay hindi na ipinakita sa balita at

