ILANG BUWAN na ang lumipas mula nang mangyari ang insidenteng iyon at ang namagitan sa amin ni Sandino. At simula nang araw na iyon hindi ko na ito uli nakita pa. Gustuhin ko mang magtanong kay Jenniel o pumunta sa apartment nito ngunit hindi ko magawa dahil alam kong oras na gawin ko iyon ay iba na ang iisipin ni Jenniel. At alam kong uulanin lamang ako nito ng panunukso, tulad na lamang sa nangyari noon, nang araw na may namagitan sa amin ni Sandino. Halos isang linggo rin ako nitong hindi tinantanan tungkol umano sa napanaginipan nitong babaeng umuungol. Ipinagpipilitan nitong ako ang babaeng iyon. At sinabi pang sa aming dalawa ay ako raw ang nananaginip habang si Sandino ang napapanaginipan, kaya alam daw nitong totoo ang naririnig nito nang gabing iyon. Aaminin kong kahit kaibiga

