ANALYN "D'yos ko, Ana– hoy! Tama na puwede ba?! Kumalma ka na! Ako ang kinakabahan sa 'yo, eh!" Narinig kong turan ni Jenniel habang papalapit sa akin dala ang isang basong tubig. Hanggang ngayon ay damang-dama ko pa rin ang matinding takot sa aking dibdib at buong sistema dahil sa nangyari kanina. At hindi ko kailanman inakala na mararanasan ko ang ganoong klaseng senaryo at makakasaksi ng totoong baril habang nakatutok pa mismo sa isang taong duguan. Umiiyak ako kasabay nang panginginig ng aking buong katawan. At mula sa aking kinauupuan ay tila maiihalintulad ako sa isang bagay na napadikit na lamang sa upuan dahil sa hindi ko na magawa-gawa pang gumalaw o makagalaw. Walang ibang nasa aking isip at paulit-ulit naglalaro kun'di ang nangyari kanina sa university. Nakatungo ako habang

