TAHIMIK lamang akong nakaupo sa aking puwesto kahanay ang iba pang mga hurado. Kanina pa rin ako dumating sa Bustamante University upang kausapin ang may-ari ng university na si Arnulfo Bustamante. At ayon din kay Amida ay gusto rin nitong makipag-usap sa akin ng personal. Nagpaunlak naman ako, ngunit sa loob ng mahigit treinta minutos ay wala rin namang ibang napag-usapan kundi ang tungkol sa mga negosyo. Nalaman kong may bago na naman itong ipinapatayong university at ayon dito ay naghahanap ito ng investor na mapagkakatiwalaan, kaya't nang malaman nitong isa ako sa mga hurado ay agad itong humingi ng pagkakataon kay Amida na makausap ako. Pumayag naman ako na maging investor nito, ngunit may isang kundisyon naman akong hiningi. Nakakatawa mang isipin ang anggolong para lamang akong n

