"Boss, may gaganapin daw pong foundation day sa Bustamante University. At ayon po sa nakausap kong isa sa mga kaklase ni Miss Analyn ay ang asawa n'yo raw po ang magiging pambato ng kanilang kurso para sa gaganaping Mr. and Miss Bustamante University." Imporma ni Amida pagkatapos ay ipinatong nito sa ibabaw ng aking table ang isang waring invitation card. Napakunot ang aking mga kilay habang nakatingin sa bagay na iyon pagkatapos ay saka ko dinampot. "What is this?" tanong ko. Bahagya naman itong ngumiti kasabay nang marahang pagkamot nito sa ulo na tila nahihiya o may kalokohan na namang ginawa nang hindi lingid sa kaalaman ko. "Invitation car–––" "D*mn it! I know it's an invitation card. My question is: Why and where did you get this fvcking invitation card?" Inis kong putol sa pagsa

