CHAPTER 50

2902 Words

ANALYN AGAD akong napabalikwas ng bangon nang magisnan ko ang hindi pamilyar na silid na aking kinaroroonan kasabay ng mga alaalang biglang sumagi sa aking isipan. Alaalang nangyari kagabi. Ang ginawang pagbenta sa akin sa isang auction na akala mo'y isang mamahaling bagay. Takot na takot ako ng mga oras na iyon, ngunit wala akong magawa kun'di ang sumunod sa mga kagustuhan nila, dahil pinagbantaan nila akong papatayin at hindi ko na makikita pa ang aking anak, kaya't kahit takot na takot ako at labag sa aking kalooban ay pikit-mata kong hinarap ang aking kapalaran, lalo na noong sinabi ng mga taong iyon na hawak nila ang aking anak. Biglang umagos ang masagang luha sa aking mga mata nang muli kong maalala ang aking anak. Si Santino. Bigla na lamang itong nawala habang nasa palengke ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD