SANDINO ISANG oras na akong nakatutok sa nag-iisang dokumentong nasa aking harapan habang binabasa, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matapos-tapos dahil walang pumasok sa aking isip. At walang ibang laman at paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan kun'di ang nangyari at naging tagpo kanina sa mansyon sa pagitan naming mag-asawa. Aminado akong labis ang galit na aking nararamdaman para sa aking asawa hindi lamang dahil sa ginawa nitong paglayo sa aking anak, kundi sa impormasyong nakarating sa akin kaninang umaga. Ayon kay Amida ay may karelasyon itong ibang lalake na kasamahan nito sa trabaho sa palengke, at patunay ang mga larawang nakuha ni Amida sa social media account ng lalake habang may nakalagay pang caption sa ibang larawan na nagdiriwang ng monthsary. Mga larawang ma

