LIHIM akong nakamasid sa aking asawa habang tahimik itong nakaupo sa isang bench sa malawak na garden ng aking mansyon. Kita ko ang lungkot at sakit na nakapaskil sa mga mata nito. At aaminin kong nasasagi ng mga emosyong iyon ang aking kalooban. Tatlong buwan na rin ang lumipas pero hindi ko pa rin ito kinakausap. Nakakatawa mang isipin na ang isang tulad ko ay waring naging isang maruming bagay na lamang ngayon para sa aking asawa. At iyon ang higit na ikinagagalit ko. Hindi ko matanggap na para bang diring-diri o takot na takot itong mahawakan ko. Napabuntong hininga na lamang ako nang muli kong maalala ang gabing iyon. Ang gabing hindi ko na napigilan ang aking sarili na puntahan ito sa kuwarto. At dahil sa pagkasabik ko rito ay gusto ko itong angkinin ng gabing iyon, ngunit hindi n

