Alona "WAYNE is doing well, malaki talaga ang naitutulong ng sapat na atensyon para sa kanya. Nabawasan na rin ang pagiging bugnutin nya at very attentive na rin sya." Ani Ma'am Tina ang bagong therapist ni Wayne. Si Sam ay hindi na talaga nakabalik. Medyo nakakamiss sya. Hindi man lang sya nagpaalam na huling session na pala nya yun. "Thank you Miss Tina." Sambit ni Wallace at kinamayan ang ginang. Nagpaalam naman si Ma'am Tina at lumabas na ng kwarto ni Wayne. Ako naman ay niligpit na ang mga laruan na nakakalat. "Siguro next year ipapasok ko na school si Wayne. Mas maganda siguro yun. Mas marami syang batang makakahalubilo." Tumingin ako kay Wallace. "Magandang idea po yan sir. At least sa school mas marami pa syang matutuklasang bagay. Mada-divert ang attention nya sa ibang

