Alona TINITIGAN ko si Wayne na mahimbing ng natutulog. Dito ko sya sa kwarto namin ni Wallace dinala. Ayoko syang iwan dahil natatakot ako na baka may kumuha sa kanya. Tumayo ako at tumungo sa walk in closet. Imbes na nighties ay pajama at lumang t-shirt ang kinuha ko. Pagkatapos kong magshower ay binlower ko ang buhok sa harap ng vaniry mirror. Ng matuyo na ay pinatay ko na ang blower at niligpit. Tumingin ako sa saradong pinto. Gusto kong lumabas at alamin ang nangyayari sa baba. Mukhang mahaba haba ang gabing ito. Tumayo ako mula sa vanity mirror. Tinungo ko ang french door at binuksan ito ng kaunti. Pero tila tumalon ang puso ko ng makarinig ng sunod sunod na putok ng baril sa di kalayuan. Malalaki ang hakbang na pumunta ako sa balcony. Nakita ko ang tatlong police mobil na pa

