Alona NAKITA kong lumiko papunta sa comfort room si Ate Doring at Wayne. Kasunod pa rin nila si Claire. Nagtataka ako bakit doon sila magbabanyo. Pwede naman sa loob. Sinundan ko pa rin sila hanggang doon. Iba talaga ang pakiramdam ko eh. "Bakit hindi ka sumasagot sa tawag namin ni Morwin sayo kahapon hanggang gabi? Nagmukha kaming tanga kakahintay na sagutin mo ang tawag namin." Natigilan ako ng marinig ang galit na boses ni Claire. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba. Bahagyang nakaawang ang pinto ng restroom kaya sumilip ako. Magkaharap ang dalawa patagilid sa harapan ng pinto. Si Wayne naman ay abala sa paglalaro ng hayop nyang laruan. Pinapalakad nya ito sa marmol na sink. "P-Pasensya na po Ma'am Claire pero umaatras na po ako sa usapan natin." "What? Umaatras ka na? Hind

